Chapter 7

83 44 1
                                    

DANAIRA

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DANAIRA

"Ehem!"

Kung hindi pa ata tumikhim sa tabi ko si Klutch ay hindi pa ako mababalik sa aking ulirat. Nilingon ko siya habang siya naman ay na sa malayo ang tingin. Bigla tuloy akong nahiya dahil na-realize ko rin 'yong posisyon namin kanina. Kahit sino siguro ang makakita sa'min sa gano'ng posisyon ay iisipin na—argh!

Bakit ko ba kasi ginawa 'yon? My gosh!

Nang lingunin niya ako ay agad akong nag-iwas ng tingin. Nakatayo lamang kami ro'n, parehas na tahimik at parang wala ni isa sa amin ang gusto mag-salita.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kasalanan 'to ni France! Ang awkward tuloy.

Ilang minuto pa kaming tahimik hanggang sa mapagpasyahan kong magsalita. Iyon nga lang nang magsasalita na ako ay nagkasabay kami. Balak na rin niya putulin ang katahimikan.

"Mauna ka na. Ano ang sasabihin mo?" tanong ko.

Nag-gesture siya. "Umuwi ka na. I'll watch you from here."

Tumaas ang kilay ko, nagtataka. "Bakit kailangan mo pa akong makita na pumasok sa loob?"

"Just to make sure that you will be home safe," sagot niya.

Ha? E, ano naman sa kaniya kung makauwi ako ng ligtas o hindi?

"Don't get it wrong. Wala nang gagawa ng school works ko kapag namatay ka. So, go," dagdag niya na ikinainis ko.

Hmp! Akala ko pa naman concern siya, mabuti na lang hindi ako kinilig!

Pinaikutan ko siya ng mata bago mag martsa palayo sa kaniya, pero nang may maalala ay agad akong lumingon sa kaniya at ngumiti ng malapad.

Kumaway ako bago nagsalita. "Bye, Evil Angel!" Pagtapos ay agad na akong tumakbo.

Beep! Beep!

Ay, pota ka! Muntik pa ako masagasaan!

°√√√√°
Pagpasok ko sa loob ng gate, nadatnan ko roon si Tita na mukhang nagulat sa mabilis kong pagpasok.

Ngumiti ako kahit na hinihingal. "H-Hello, Tita."

"May aso ba sa labas? Bakit pagod na pagod ka?" tanong niya saka lumapit sa'kin.

Umiling ako kaagad. "Nag-jogging lang po," natatawang sagot ko.

"Oh, siya, pumasok ka na roon at kumain. Hindi pa kumakain si Dona, hinintay ka niya," nakangiti niyang sabi.

Sa gulat sa binahagi ni Tita ay hindi ko na siya nagawa pang sagutin at tumakbo na papasok sa loob ng bahay. Pagpasok ko ay hindi ko nakita si Dona sa sala, baka nasa dining na siya.

Ngunit pagpunta ko rin do'n ay wala siya. Baka nasa kwarto niya siya kaya doon ako dumiretso imbes na sa kwarto para magpalit. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago buksan ang pinto. Pagpasok ko ay bukas ang lampshade sa tabi ng higaan ni Dona. Napangiti ako nang makita siya roon na naglalaro ng manika. Nang mapansin niya ang pigura ko ay lumingon siya sa'kin, at agad na sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Barge In (Eyes Series #3)Where stories live. Discover now