U N A

29 2 2
                                    

---------------------

Marhc 30 , 2003

Yung lugar na dinadaanan namin pa green ng pa green . Ang sabi ni Mama uuwi daw kami kila Lola maganda daw dun Maraming bata tapos malawak daw yung mga lugar hndi katulad ng bahay namin sa Paranaque na walang  mga Kalaro Ang lalayo ng bahay .

Huminto yung kotse namin , Sa Isang malawak na daan kung titignan mo parang walang katupusang daan tapos yung lupa medyo maputik pa.

" Mama Wala namang bahay dito ? " napakamot ako sa Ulo ko at hinawakan lang ni Mama ang pisngi ko at sinabing mag lalakad daw kami, kasi hndi na daw kakayanin ng sasakyan yung dadaan  dahil makipot na daw.

Binigay sa akin ni Mama yung backpack ko at Hinawakan ako sa kamay para mag lakad habang nasa likod namin si papa.

Malayo na yung nalalakad namin pero wala pa rin ako'ng nakikitang bahay napapagod na rin ako sa pag lalakad , pero sila mama parang wala lang sa kanila sa bagay malalaki na sila ako Bata pa.

" Mama! Bili po muna tayo tubig na uuhaw na po kasi ako " pilit kong hinihila si Mama sa tindahan kasi pagod na pagod na talaga ako buti na lang napapayag ko sya . Habang hinihintay ko Si Mama nagulat ako ng biglang May humablot sa Sumbrelong suot ko .


May nakita ako'ng tatlong bata at isa sa kanila ang may hawak nun at tumakbo habang tumatawa pa . Regalo sa akin ni Mama yun nung birthday ko at importante sa akin yun kaya hinabol ko silang tatlo .


" Hoy! Ibalik nyo yan! Hoy! " sigaw ko habang hinahabol sila Pero tawa lang sila ng tawa at winawagayway pa yung sumbrelo sa akin . Nag hiwaly hiwalay silang tatlo at pina-gitnaan ako , Pinag papapasahan nila sumbrelo ko mas matangkad sila sa akin at malaki ang katawan . Kaya hndi ko magawang maagaw sa kanila yung sumbrelo ko


" Akin yan! Isusumbong ko kayo kay Mama! Akin na yan " Pilit kong agaw habang umiiyak ako


" Hahaha kawawa ka naman oh! " Hinagis nung isa sumbrelo ko at sumkto sa putik kaya naputikan din ako at umiyak na ako ng Umiyak


" Hoy! Botchok! Boyet! Bunyog! " 

umiiyak ako ng umiiyak at hndi ko pinansin kung sino man yung sumigaw dahil busy ako sa pag iyak dahil naputikan nila yung sumbrelo ko na bigay ni mama.


" HOY! TUMAYO KA! " Inangat ko yung tingin ko at nakita ang Isang batang lalake na Nakakatakot yung mata nya kasi kulay green , kaya dahan dahan akong tumayo habang humihikbi pa , Nginuso nya yung dereksyon sa harap ko at nakita yung tatlong bata na nakaluhod sa harap ko.

" WALA KAYONG SASABIHIN! " Sabay sabay lumingin yung tatlong bata sa akin

" S-sorry " sabay sabay na sabi nung tatlo

" WALA NA KAYONG SASABIHIN?! " sigaw mo pa rin dun sa tatlong bata at sabay sabay din sikang umiling .


" LAYAS! " sigaw mo at para kang presidente dahil sinunod ka kila at saby saby na kumaripas ng takbo.


" T-hank yo-- " nagulat ako ng bigla mong hilain yung kwelyuhan ng suot kong polo


" HOY ANU KABA? KALALAKI MONG TAO TAPOS UMIIYAK KA , KUNG AKO NAGING LALAKI HNDI AKO IIYAK BUBUGBUGIN KO SILA! " binitawan mo yung pag kakahawak sa akin at pinunasan yung mukha ko gamit yung T-shirt na suot mo.

" B-bakit B-babae ka ba? " muntik na kong masubsob ng bigla mo kong binatukan ng malakas


" TAE KA BA?! SYEMPRE!  " nagulat ako sa ginawa mo kaya medyo lumayo ako sa'yo baka batukan mo uli ako.

Para kay ArawWhere stories live. Discover now