Chapter 49-Reconciliation

3.3K 41 4
                                    

Rev's POV

A week later, lalo kong napagtatanto na lalong nalalim ung feelings ko kay Kylie. Ung kakaibang feeling na nararamdaman ko sa kanya, hindi na katulad ng dati. Mas sumaya pa ako.

Gusto ko na sanang tanungin sya kung pwede ko na ba syang maging girlfriend pero mukhabg si God na ung nagsasabing hindi pa ito ung tamang oras.

Alam nyo ung kahit friends kami, hindi parin namin maitatago sa aming sarili na may special saming dalawa. Dumating na nga sa point na akala nina Enzo, kami na.

Nag-iisip pa ako ng sobrang extraordinary and romantic na way para sagutin nya ako. Ayoko nung basta bastang pagtanong sa kanya. Gusto ko ung magiging memorable sa kanya. Gusto ko, maipadama ko talaga kung gaano sya kaimportante sakin.

"Hoy! Ano na ba? Kanina ka pang nakatulala jan! Aba! Imik imik din pag may time!"

"Pucha naman Enzo oh. Kailangan bang sumigaw?! Tsk." naiinis na sambit ko.

"Eh ikaw kasi. Lagi ka nang natutulala. Iniisip mo na naman siguro si Kylie." sabi nya.

"Napaka-mind reader mo talaga."

"Ako pa! So what now?"

Kami ni Enzo ang magkasama sa rehearsal room. Sunday na nga pala ngayon and may practice kami ng sayaw.

"Iniisip ko lang kung... paano ko tatanungin si Kylie para maging girlfriend ko."

"Just think of a romantic way pero ung dapat parang di mo pa nakikita sa ibang couples. Tsaka, wag muna yan ang isipin mo. Dapat muna kayong magkaayos ni Jared." sabi nya.

Napahalumbaba ako sa aking tuhod, "Haaay. Isa pa yun."

"Mag-ayos na kayong dalawa. Di mo alam, baka mas matulungan ka nya dito." sabi nya.

"Matagal ko na namang gustong makipagayos eh. Kaso, di ko lang sya mahanapan ng tamang tyempo."

"Gusto na namin kayong magkaayos ayos. Para alam mo na, kumpleto na ulit ang barkada. Move on na ung dalawa sa isa't isa at ayos na si Kristelle at Kylie kaya kailangan nyo na ding magkaayos." sabi ni Enzo.

"Tama. Kailangan na naming magkaayos." determinado kong sambit.

"Oo tama. Kaya kumain na muna tayo." aya nya.

"Wala akong ganang kumain ngayon." sabi ko.

"Huh? Anong walang gana ka jan? Ikaw? Mawawalan ng gana? Sus! Asa pa!" sabi nya.

"Ayoko talagang kumain ngayon. Wala talaga akong gana."

"Kumain ka na! Namumutla ka oh. Anemic ka ba?" tanong nya.

"Siguro. Pero wala talaga akong ganang kumain. Pakiramdam ko sobrang pagod ako."

"Haaay. Dahil lang siguro yan sa kakapractice. Oh sya, kakain na muna ako ah. Kaw din kumain ka na." saka sya tumayo at naglakad palabas ng rehearsal room.

This past few days, madalas na akong mawalan ng ganang kumain. Minsan hindi ako nakain ng breakfast dahil wala talaga akong gana.

May nakakapansin din pala na pumuputla ako. Siguro nga talaga anemic ako. Haaay. Kailangan ko nang magpa-check up. Kaso wala pang time.

Nakakainis na din. Nung nagppractice kami, kapag nagkakamali ako ng galaw tas matutumba, ang dali kong masugatan. Ung gasgas lang naman pero grabe na agad dumugo. Kakasura tignan. Kaya ngayon, may band aid ang tuhod ko.

Nung weekend din, nilagnat ako kaya hindi ako nakapagparamdam kay Kylie. Siguro inis na yun sakin. Pero parang sinat lang naman ung nangyari sakin.

My Bully Best FriendWhere stories live. Discover now