Chapter 4

4K 65 21
                                    

Ay shet!! Nakatulog ako!

Kinapoy ako kagabi. Nakakainis na hindi ko siya na replyan at natulugan ko pa. Hinintay niya kaya na magrereply ako? Sinubukan ko lang naman ulit pumikit dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Napakamot ako sa aking ulo sa sobrang inis. Tinatamad akong gumalaw dahil nanghihina ako at napakahirap bumwelo kay Nikki dahil wala rin naman akong ma ita-topic kapag nag-usap kami. Naalala ko lang na lahat naman ng nangyayari eh may dahilan. Siguro may dahilan kaya ko siya natulugan. Pero ano? Mangyayari na walang mangyayari sa aming dalawa? O kaya naman ayaw ako masaktan ni God dahil baka akalain ko raw eh magrereply si Nikki sa akin pero wala. Baka ma-save-my-number-zoned lang daw ako.

Tumayo na agad ako para makapag ayos. Minsan nakakapagtakang kung kailan maaga natulog eh ayun din yung pagkakataon na tanghali ka magigising. Pero hindi pa naman ako masyadong late. May mga bagay lang na hindi ako magagawa dahil hindi naman ito ang normal kong gising. Sa tingin ko hindi ako makakakain dahil matagal ako kumain sa umaga. Napakarami ko kasing orasyon. Isipin ang ex, isipin ang taong sunod na magmamahal sa akin, mga gagawin sa school, isipin kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Kaya minsan ang sarap nalang isipin na wala nalang muna akong pakealam sa mundo eh. Tipong sarili ko lang muna ang iisipin ko at wala na muna ang ibang tao pero parang imposible. Yung mga tao na iniisip ko palagi ang nagiging inspirasyon ko sa umaga.

Minsan naiisip ko na number one fan ako ng kalungkutan. Minsan ok naman ako. Pero iniisip ko ang nakaraan kaya nalulungkot ako bigla. Hangga’t wala akong nahahanap na iba eh hindi ko makakalimutan si Jhodie. Pero naiisip ko na unfair din ako sa taong mamahalin ko sa susunod. Parang rebound ang labas niya at ginamit ko lang siya para maka-move on. Pero paano pala kung biglang bumalik sa akin si Jhodie? Paano na si Nikki? Este yung future ko pala. Pero sana si Nikki. Pero gusto ko makasigurado muna. Madalas kasi ganito ako eh. Porket maganda eh mahal ko na agad. Porket maganda eh hinahabol ko na agad. Naniniwala kasi ako na kaya ko naman silang mahalin after ko ma attract sa kanila. Pero madalas infatuation lang talaga. At sobrang unusual yung may makaka MU ako na maganda dahil hindi naman ako ganun ka-pogi. Pero alam ko naman na mas gusto ng mga kababaihan yung mahilig lang magpatawa kaya sa tingin ko eh pasok naman ako dun.

Pumasok na ako ng banyo at binuksan ang shower. Pero wala ako mismo doon sa pinapatakan ng tubig. Nasa gilid lang ako. Malamig eh. May mga ritwal pa akong ginagawa. Pinipikit ang mga mata pero walang iniisip. Para akong nag memeditate. Minsan iniisip ko na lulutang kaya ako kapag pumikit at nag focus na lilipad? O sadyang lutang lang ako mag-isip kaya ako ganito?

May heater ang shower ko pero nasa katawan ko pa rin ang lamig ng aircon kaya kailangan ko muna tumayo ng matagal sa gilid ng shower. Onti onti akong gumalaw. Binasa ko muna ang braso ko. Onti onti pa kong gumalaw. Inabot na ng tubig ang balikat ko. Napamulat ako then BOOOM!!! Sugod ang buong katawan sa rumaragasang tubig at biglang napayakap sa sarili sa sobrang lamig. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa maligo sa umaga eh. Natutuyo naman ito pagpasok sa eskwela. Pero sabagay, hindi naman talaga maipagkakaila na napakasarap maligo. Nakakatamad lang. Parang sa pag-ibig lang, nakakatamad maghanap ng taong mamahalin dahil alam mong masasaktan ka lang pero ang sarap sa feeling kapag nakahanap ka na. Astig talaga ng Love. Kahit saan eh pwede mong i-relate. Ayun siguro ang ganda ng isang bagay na walang eksaktong depinisyon kung ano talaga. Kahit kanino mo itanong, iba iba ang sagot nila kapag tinanong mo kung ano ang Love para sa kanila.

Love?! Nakakain ba yun?”

“Love?! Ahh! Dalawang taong nagmamahalan.”

“Love?! Ahhhh!! Ang pakiramdam na isa lang ang nagmamahal!”

“Love?! Ahhh! Ano yun? Flavor ng Ice cream?

At kung ano ano pang ka bitteran nila. May mga seryoso din naman. May mga nagsasabing:

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#NakaraanzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon