II

0 2 0
                                    

REO

Since wala akong magawa, lumabas ako ng mansion at naglakad lakad.

"Nakakainis, baby sister lang ang tingin niya sakin!" Sinipa sipa ko ang bato na nakaharang sa daan. Sinipa ko ito ng malakas papunta sa may talahib

Plok

"Aw!"

Hala may tinamaan ata o.o Mula sa may damuhan, lumabas ang babaeng duguan ang noo. Shit

"Miss, Sorry di ko alam na may tao dun." Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at agad na tinapal ito sa noo niya.

" May galit kaba sakin Reo?" 

"Maroon? Hala ikaw pala yan! Im sorry, di ko naman alam na may tao pala dun."

" Ano ba kasing ginagawa mo dun?" Litanya ko pa.

" Reo, mamatay na ko. Ikaw na bahala magsabi kila daddy. Wag kang mag alala hindi kita mumultuhin." At umubo ubo pa siya

" Sayo na ang lahat ng underwear collections ko eeerkk" siraulo to ananhin ko naman underwears niya, Isasabit ko nalang sa kwarto ko at ipapalaminate. Namula ako sa naisip.

Shit, Hindi to oras ng landi, kailangan ako ng mahal ko.

"Nooo! MK, hindi ka mamatay! You hear me? Jan ka lang tatawagan ko sila Mang Kanor"

" No don't leave me. Nakikita ko na ang liwanag.. "

" Wag kang pumasok jan, Maroon! "


Shit antanga ko kasi, sana hindi nalang ako lumabas sana hindi ko nalang sinipa yung bato edi sana buhay pa siya.

"Maroon! Wag mo kong iwan. Magpapakasal pa tayo. Mahal na mahal kita"

Narinig ko ang mahinhin niyang tawa. I immediately look at her. She's busy laughing her ass while I'm crying over her.

Lalo akong humagulgol, I thought tuluyan na siyang nawala sakin.

" Hey, I was just tripping. Don't cry. Sorry, natuwa lang ako sayo. " she said habang inaalo niya ko.

" I'm okay oh, maliit lang malayo sa bituka "  Tinignan ko siya at saka hinampas.

"You fool! Pinag alala mo ko." Sabi ko sa kanya at pinaghahampas siya.

"OA ka lang bata! Hahah maliit na bato lang yun eh 😂" sabi pa niya habang sinasalag ang mga advances ko.

"Ewan ko sayo, hindi magandang biro. Alam mo namang pagdating sayo hindi ako makapag isip ng matino."

I saw her blush sa tinuran ko.

"Halika na, gamutin na natin yang sugat mo." Hinila ko na siya at naglakad kami pauwi sa bahay nila.

"Oh what happened there?"

"Dad, naumpog lang." sabat agad ni Maroon.

"Next time mag iingat ka ah?" Tumango naman tong katabi ko.

"Andito pala ang daughter in law ko " sabi naman ni Daddy. Hehe nakikidaddy na rin.

"Hi Tito, gagamutin ko lang po itong anak niyo. Baka maubusan ng dugo ayoko naman mabyuda mg maaga" Tumawa naman si Tito

"Sabi ko daddy na rin ang itawag mo sakin at mommy naman sa asawa ko. "

Lumabas si Tita from dining
"Magtatampo kami niyan pag di yun ang itawag mo samin."

"Hahah yes mom and dad, akyat napo muna kami sa taas ah. Para malapatan na to mg first aid " sabay nguso kay Maroon na kanina pa tahimik sa tabi ko.

"Anak, wag masyadong pakipot ah, Reo iha, ikaw na bahala jan ah. Magdedate pa kami ng mommy niyo. Kasama namin parents mo. Dito kana matulog, kami na ang magsasabi sa kanila okay?"

" Yung totoo Dad, siya ba ang anak niyo? " Sabi ni Maroon habang bumeso sa mommy at daddy niya. Nagbeso rin ako sa kanila saka kinaladkad siya patungo sa kwarto niya.

"Gusto ko ng siyam na apo ah!" Sigaw ng daddy niya saka sila nagtawanan ni Tita este Mommy.


"Pasaway talaga ang dalawang yun. Ginawa pakong lalaki.  Pagpasensyahan mo na."  Ngumiti lang ako sa kanya.

"Aray naman, dahan dahan." 

"Yan napapala mo pinagtripan mo kasi ako kanina"

"Ako nalang maglilinis, sinasaktan mo lang din naman ako eh. "

Pilit niyang inaagaw yung peroxide at cotton pero ayaw kong bitawan.

Lumayo ako sa kanya di ko namalayan na edge na pala ng bed to


At gaya ng mga scenes sa TV bago pa man ako mahulog eh nahila na niya ko palapit sa kanya. Napapatong ako sa ibabaw niya at napatingin sa mga mata niya. Nakakalunod



"ehem, sabi ko naman kasi ako na eh."

————————————————————————————————————————

Push and Pull Where stories live. Discover now