I Fell In Love with a Girl

35 1 4
                                    






Hi, Ako si Eimaiah Zestino, Emay for short. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kinalabasan ng pangalan ko, ang layo naman kasi ng connection ng name ko sa name ng parents ko. Ang pangalan ng mama ko ay Novina Zestino, pangalan naman ng papa ko ay Ramdred Zestino, oh diba ang layo? Novina at Ramdred, wala man lang ka connect-connect sa pangalan ko.

Anyway, mabilis talaga ako ma-fall kahit nga sa picture lang eh, kaya madalas din ako masaktan dahil minsan yung gusto ko may GF na pala o di kaya naman may ibang gusto. Hindi ko alam kung bakit ganito ako, nakakalito kung talagang malandi ba ako o sobrang lambot ng puso ko.


Sabi sa 'kin ng mama ko, bawas-bawasan ko daw yung pagtingin sa mga lalake, eh paano ko titigilan? Buti sana kung nasa all girls school ako! Eh hindi eh, co-ed school kaya 'yong school ko. Minsan pag nafa-fall ako sa picture, pinagsasabihan ako ng mga kaibigan ko. Wag daw ako ma-fall dun, wag makipagkita, wag kausapin kasi 'di ko daw kilala, si Zeb nalang daw. Tsk. Kasalanan ko ba na ayaw ko talaga si Zeb -.-

Bakasyon, bakasyon ko siya nakilala, yung sobrang nagpatibok ng puso ko, yung nagpabago sa ugali kong madaling ma-fall, siya si Tuwi pero di niya tunay na pangalan. Ang cool ng nickname niya noh? Parang siya ang cool din. First time 'tong nangyari sa akin, yung hindi na ako nafa-fall sa mga lalaking cute, gwapo, gentlemen, caring, matalino, etc...... siya lang sapat na.

Nasa kwarto ko ako ngayon dahil wala akong- kaming lakad, nakahiga ako at nagbabasa ng libro ng favorite auhtor ko. Wala si Tuwi dito, wag kayong ano, baka kung ano-ano na iniisip niyo diyan. Kahit madali akong ma-fall (dati) di ako ganun kaya don't me. Hahahahaha. Joke lang. Tahimik akong nagbabasa nang.

~YOU'VE GOT A CALL * YOU'VE GOT A CALL~

Yang ang ringtone ko, astig noh? Hahaha LT nga eh, ang cute pa nung boses, pang baby eh. Pangalawang sabi palang nung ringtone ko ay sinagot ko na. Si kuya kasi 'yong tumatawag.

"Emay! 'Di ka ba lalabas ng kwarto mo? 'Di ka ba sasama sa amin?" Sabi ni kuya. Sasama saan? Aalis ba kami? Saan nanaman pupunta? Papagudin lang ako eh.

"Saan nanaman tayo pupunta? 'Di ko tuloy matapos-tapos 'tong binabasa ko! Tinawagan mo pa ako eh pwede namang kumatok sa kwarto ko diba? Sayang load mo kuya Rezino. Tsk." Sabi ko. Pwede naman kasing katukin nalang ako sa pinto eh, nagsasayang lang ng load si kuya, ang magaling kong kuya. Tsk. Heartthrob daw yan sa RSCU, 'yong school niya. -.- Natawa ako nung sinabi sakin yun ng kaibigan ko. College na kasi si kuya, second year. Heartthrob daw, saan parte? Sa ngipin? -.- tsk.

"Shonga ka ba Emay? Eimaiah para ipaalala ko sa'yo 3rd death anniversary ni lolo Pan ngayon! Pati ba naman yun kakalimutan mo  Emay? Ano nanaman nasa isip mo? 'Yang Tuwi ba 'yon? Boyfriend mo na ata eh. Tsk. Mas naaalala mo na yata yang lalaking yan kaysa sa aming pamilya mo eh!" Medyo pasigaw na sabi ni kuya. Akalain mo yun! DA pala ng lolo ko ngayon. 'Di ko inaasahang ngayon yun, akala ko bukas. Late nanaman yata utak ko. Tsk. "At kanina pa kita kinakatok diyan sa kwarto mo pero parang di mo naman naririnig kaya tinawagan nalang kita. O siya, magbihis ka na. Yung decenteng damit ah. Para mas maayos yung color black nalang. Bilisan mo ah!" Sabi niya at tinapos ang tawag. Kanina niya pa ako kinakatok eh wala naman talaga akong naririnig. Ang gulo ah. Baka naka focus ako masyado sa pagbabasa. Makapagbihis na nga. Nadamay pa si Tuwi eh👊🏻 'Di ko pa naman bf yun eh. Topak talaga 'tong kuya ko.


***

Nakarating na kami ngayon sa cemetery kung saan nandun ang bangkay ni lolo Pan. Pero bago kami pumunta sa kung nasaan yung kabaong niya ay bumili muna kami ng apat na kandila, tag-iisa namin at isang bouquet ng bulaklak. Hayyyy, buti pa si lolo binibigyan ng bulaklak samantalang ako wala manlang kahit isa. Tsk.

I Fell In Love with a Girl[One Shot]Where stories live. Discover now