Chapter 27: Pervert!

2.2K 27 4
                                    

a/N: si charlie po yung tulog 

_____________________________________________________________________________

(Charlie's POV)

Tok* Tok* Tok*

"charlie?"

uhmmff...

nasa kalagitnaan ako ng mahimbing kong pag kakatulog...

"Charlie gising na!"

ARGHH!!! rinig ko ang kalampag sa pintuan ng kwarto ko...

Si manang yolly eh katok ng katok....! (-_____-)

sinilip ko yung alarm clock ko sa side table and tinignan kung anong oras na.... nakita ko 6 am...

what?????!! O.O

6 am? Ok lang ba si manang? Sa pagkakaalam ko saturday kahapon so ibig sabihin sunday ngayon ...which mean... WALA akong pasok.... at kahit may pasok ako hindi ganito kaaga ang gising ko noh!!!

"Charlie? Gising ka na ba iha?"

Sheesh! Bakit naman ba ang aga mambulabog ni manang?

At teka?! Parang may narinig pa ko isang boses sa labas? (0.o)

"manang eto na nakuha ko na yung spare key...." sabi ng isa pang boses na familiar sakin!

Awp!

dali dali akong napatayo sa kama...

anak ng putingput puting tupa!!!

hindi ako pwedeng magkamali...si kumag yon!!

bago pa man ako makalundag papunta sa c.r eh...

"goodmorning charlie ko!!! ^_^" bungad ni kumag sakin na may nakakalokong ngiti habang si manang naman eh akala mo nakakita ng multo....masindak ba sa mukha kong bagong gising???!

makapal na mukhang pumasok si kumag sa kwarto ko at si manang naman eh umalis na...

"hoy teka! Unggoy bat ka nandito?"-ako

"eh???....batukan kaya kita jan para maalala mo? Diba date natin ngayon?"

imba din talaga boyfriend ko eh noh? Babatukan ako? How sweet!! hanep!

At oo nga pala... may date kami ang stupid ko naman para makalimutan >_< ....

"ano tara na?"tanong niya habang busy siya magkalikot ng kung ano ano sa kwarto ko...

"tara??? tara your face! Kita mo ba itsura ko? Mukha bang ready to go na ko?"

tumingin ako sa salamin at talaga namang kasindak sindak ang itsura ko...

walang nakakatawa!!

sinong tao ba ang natutulog na hindi nagiging magulo ang buhok pag gising ha?! Di bale na lang kung kalbo...

napatalukbong ako bigla...

EERRR!!!

nakakahiya!! >_<

ikaw ba naman ang gumising pagmulat mo eh eto ang boyfriend mong fresh na fresh in his denim short and pale blue tshirt na emphasized na emphasized ang well toned chest and biceps....oh diba? Sarap ng breakfast???

YAK!! ang manyak ko anubeh!!

pero totoo!! nakakahiya naman ang itsura ko kaya nagtalukbong ako......wala ako mukhang maihaharap...

naramdaman ko na lang hinigit niya yung blanket na tinataguan ko...

" ano ba? Amfufu naman oh aga aga eh!"

Who's that freaking admirer?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon