Chapter 12: Rain

2.2K 79 1
                                    

Share ko lang, sa mga kpop fan.

Yung feeling na biglaang may nag tinda sa school ng kpop merch at nag kataon pang naiwan yung money, hay! Buti nalang may classmate akong mabait at ipinaheram sa akin yung money niya, so yun lang haha

Mamaya next UD
***
It's the day three of our exhibit and until now I feel so bored, hindi naman kasi big deal ang mga pinapa exhibit nila sa amin except doon sa may mga lumang libro na yun lamang ang nagustuhan ko.

As usual nandito kaming lahat sa cafeteria, eating together and of course mawawala ba ang pag ka madaldal ng mag pinsan? Of course not, hindi ata nila matatapos ang isang araw na hindi nag dadaldalan.

"Alam niyo ba marami na tayong schoolmate na namatay dito, at saka tuwing gabi ay nag papakita sila, hindi sila matahimik kahit na nabigyan na sila ng hustisya, sabi pa nila, sa girls dorm, room 107 may nag paparamdam daw na babae doon" pag kwekwento ni Niel na ikinataas ng mga balahibo ko, geez! I hate ghost, yun na ata ang pinaka kinatatakutan ko."Tapos alam niyo ba-"

"Stop it Niel,that's nonsense " sabi ko dahilan upang mapatingin sila sa akin, seriously? How come na alam niya yung room number namin ni Gina?

"Totoo yun Chea, may babaeng duguan ang naninirahan sa may com lab" dadag pa ni Gina dahilan upang mas lalo kong naiimagine yung ikinukwento nila.

"I said stop" hindi na sila nakakatuwa

"Hahahaha" they burts out laughing except kay Xanon na nakapoker face lang habang may ginagawa sa phone niya.

"You're so funny" komento ni Reid"but I found it funny" napatingin ako sa kanya ng masama.

"Waahh!! Bagay kayong dalawa" dagdag pa ni Gina na tila ba ay kinikilig pa siya sa sinasabi niya.

Me and Reid? Nah! Hindi kami bagay, tao kaya kami. Aaminin ko, medyo nakuha ni Reid lahat ng katangian ng lalakeng gusto ko, not his being handsome but his being intelligent and gentleman, lahat na ata nasa kanya na.

Teka nga, bakit ka ba iyan iniisip, grr! Ginugulo lang nila ako at pinag tritripan pero duh! As if I care.

"Insan may naisip na akong pangalan para sa kanilang dalawa" rinig kong bulong ni

I heard Xanon murmured 'tsk' that's why I look at him, tapos na pala siyang kumain at hula ko, aalis na iyan at makikasama sa mga basagulero niyang mga kaibigan, sa tingin ko naman ay hindi talaga siya masamang tao,sadyang na influensyahan lang siya.

"Aalis na ako" see? I'm right

"Where are you going?" tanong ko pero tinignan lang niya ako ng walang ka emo-emosyon, blanko ang mukha niya, hindi manlang marunong ngumiti.

"wala kang pake" sabi niya at umalis na, nag simula na naman sila sa pang babash sa akin.

"Ano na insan? Sige na, sabihin mo na" excited na saad ni Gina sabay tingin sa akin ng nakakaloko, this girl really

"Reid + Cheana = Rain, o di ba? Ang talino ko" Rain? The hell! Ang layo, mag rereact sana ako pero pinili kong tumahimik nalang para tumigil na sila, kung kasi patuloy akong mag rereact sa kanila ay mas lalo nila akong lolokohin.

"That's sounds great! How about Xanon?" Argh! Tumayo na ako at inayos ang gamit ko."Joke lang naman iyon Chea" sabi niya at napapout pa which is my weakness, argh!

"Aalis na ako" pag papaalam ko at nag lakad na ako palabas ng cafeteria, narinig ko pa nga silang nag usap at sinabi ang pangalang..

"Xanea" so corny, ang kokorny nila promise, nakakaimbyerna.

Tutal biyernes ngayon at allowed naman ang mga estudyanteng umuwi pag ganito kaya napag desisyunan kong umuwi nalang muna para kunin rin ang iba ko pang gamit na naiwan sa mansion namin.

I was about to call a taxi but a car suddenly stop in front of me, binuksan niya ang bintana ng porsche niyang kotse at tumambad sa akin ang pag mumukha ni Jeydon.

Jeydon Sweart? My childhood friend, he is three years older than me and he is the baddest agent in our organization, yeah! The baddest 'cause he already captured a lot of criminals from all over the world, I admit that I admirred him once because of his intelligent.

"Why are you here?" tanong ko sa kanya pag kapasok ko sa loob

"good thing hindi mo na ako pinahirapan sa pakikipag usap sa guard" sabi niya at pinaandar na ang sasakyan, hindi manlang niya sinagot ang tanong ko.

"Take me home Jey" sabi ko pero hindi niya ako pinansin, he just smirk at me.

"We have a mission"

"I have my own mission Jey" sabi ko naman at inayos ang buhol buhol na buhok ko.

"Call me by my codename" napabuntong hininga nalang ako, ito na naman ang mga pesteng misyon na iyan

"Fine! Red! Happy?" inirapan ko siya"So what's the mission?"

"May magaganap na transaction sa may isang birthday party bukas, kailangan nating makasiguro kung ano ang mga ginagawa nila, kung ito ba ay illegal o hindi, yun lang" he smirk.

"Easy, ikaw nalang kaya ang pumunta tutal mahilig ka sa mga party na iyan at saka may pupuntahan rin ako bukas"

"But I need you to act like my girlfriend" I rolled my eyes, ito na naman siya sa fake girlfriend niyang ideya, wala na bang ibang bago? Palagi nalang fake girlfriend o di kaya asawa ang role ko kapag nag kakaroon siya ng malaking misyon na katulad nito.

"Have you forgotten about the accident two years ago?" tanong ko sa kanya at napailing siya"you almost killed me because of your freaking mission" dadag ko.

I almost died two years ago because of it, natamaan ako ng bala sa may beywang ko noon at napuruhan pa iyong liver ko, at saka nag iwan pa iyon ng marka na hanggang ngayon ay hindi pa natatanggal.

"I know, I never forget about it" sabi niya, buti naman hindi niya pa nakakalimutan"But you have to work with me"

"Fine! Oo na" as if I have a choice, kung siya na kasi ang nag sabi ay kailangan ko itong gawin, he's my senior after all.

I guess, kailangan ko itong sabihin kay Gina, na hindi ako makakapunta sa birthday niya, maiintindihan naman siguro niya.

Because of this freaking mission of him!

Inihatid na niya ako sa bahay at ng maibigay na niya lahat ng instruction para bukas ay umalis narin siya, should I help him? I'm really have no choice.

***

Her Code Name Is Blue(UNPUBLISHED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon