‡ 7th Chaptie

106 14 1
                                    

JIRO's POV

"Deal, deal! Nakakainis na deal 'yan."

Sabi ko nga, galit siya. Pero kasi... ayaw ko naman siya iwan ng ganito na lang. Chk. Sino ba kasi yung lalake kanina? Bakit ang epal 'nya? Nakanto tuloy si Lorraine ko.

"Oh... ingat kasi."

Muntik na siya matapilok. Hindi niya siguro napansin na may mini steps. Mabuti na lang nahagip ko 'yung braso niya.

"T-thank you."

Ngumiti na lang ako sa kanya. Ang cute niya mag-blush. Hehehehe.

"Pwede mo na ako bitawan." sabi niya.

"A-ah.. ehe, saan ka ba kasi pupunta?"

"Kakain."

"Kakain ka nanaman?!" - Lian

Napatigil naman si Lorraine.

"Raine, kakain ka nanaman? Hindi ka pa nabusog 'dun sa kinain mo sa kabilang canteen?" - Lian

"Ano bang nakain ko? Hindi ba tumawag si Mommy? Tapos dumating pa 'yung last letter na 'yun. Nakanto ako sa table, tapos dumating pa 'to (turo sa 'kin) kaya hindi ako nakakain. Psh. Mata mo lang naman ang busog eeh."

"Hindi ka naman galit 'nyan?"

Ito talagang si Jillian iniinis pa? Tsk. Badtrip na nga si Rai--

"Bakit Raine? Uhm... libre na lang kita, Lorraine!!"

Death glare. Pero ngumiti din agad. Hala, baliw?

"Sige, ilibre mo ako. Lika dali."

"Hoy!! Paano ako??" - Jillian

"Kung gusto mo, ililibre ka din ni Jiro."

Nagpataas baba pa 'yung kilay niya na sabi kay Jillian. Ang babaeng 'to talaga, ang hilig magpalibre. Nandadamay pa? Akala mo naman siya 'yung gagastos.

"Ok lang." sabi ko na lang, alangan namang hindi-an ko, 'dba? Sayang 'yun points. Mehe~

"Ok lang daw, Beff. Lika na."

Tumakbo naman si Jillian papunta samin na parang bata-- kulang na lang lollipop eh! Hahaha~ and btw, ok lang talaga... nakahawak naman siya sa braso ko eeh.

^_______________^

RAINES's POV

Nagke-crave pa naman ako sa pizza. Tsk. Sorry talaga, Jiro. Pero natatapat ka lang talaga minsan eh. Nag-aya ka pa ng libre, ayan tuloy.

Hinahatak ko na siya palabas ng school. Hehehehe. Malayo ng kaunti ang greenwhich pero keri lang.

"Saan tayo pupunta? May canteen naman ha?"

Nagtataka na siya. Wala kasi akong pasabi ng gusto ko, tapos hinahatak ko siya palabas.

"Gusto ko ng pizza."

Tanging sabi ko sa kanya. Hinatak niya naman ako. Sheeeez. Nagulat ako dun ha?

"Malayo ang greenwhich dito ha? Lalo na ang pizza hut, kasing tapat lang 'rin ng greenwhich ang yellow cab. Sobrang layo~"

"Ok lang. Kaya ko lakarin yan, makakain lang ng pizza. Ayaw ko pati pumasok sa next class ko." sabi ko naman, desperada.

"Ano? Hindi tayo papasok sa next class?" tanong niya.

Something 'Bout the Rain [ᴏɴ ɢᴏɪɴɢ ♕ ɢ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon