Chapter 1: Familiar

19.5K 401 58
                                    

TIFFANY'S POV

6:35 ngayon, nagreready na kaming siyam, kasi papunta kaming airport. Saturday ngayon, kailangan kasi pumunta ng halos lahat ng kpop groups sa Pilipinas. Including, F(x), Sistar, 2ne1, Super junior, EXO, Bigbang, at marami pang iba.

Kinakabahan nga kami, at the same time, excited rin. Huehue. 

"Girls!" tawag sa'min ng leader naming si Taeyeon, napalingon naman kami.

"Get ready!" sigaw niya ulit. Hindi naman siya mahilig sumigaw, 'no?

"Tapos na pong maligo!" sigaw naming walo pabalik sa kanya. Natawa siya at tumango na lang.

Tutal, tapos na kami, inantay nalang namin yung van na susundo at maghahatid sa amin sa airport.

"Matagal pa naman ata yung van, di ba pwedeng matulog muna 'ko?" bored na tanong ni Jessica, sabay hikab. Masanay na po kayo sa kanya. Hahaha.

"Sige, matulog ka. Pero iiwanan ka namin.." biro ni Sooyoung sabay tawa, kaya naki-tawa rin kami. 

"Edi wag." sabi ni Sica sabay irap. 

After a few minutes, dumating na rin sa wakas. Sumakay na kaming lahat, dala ang mga gamit namin. 

(Few minutes later)

Ilang minuto na lang ay nasa airport na kami. Boring nga ngayon eh, tulog kasi silang lahat.

Nakaramdam naman ako na naiihi ako.

"Kuya, paki-hinto po muna dun sa may gasoline station.." sabi ko sa driver namin kaya tumango naman siya at itinabi ang van sa may gasoline station.

Bumaba na ako at hinanap yung cr tapos nagcr na ko.

Pagkalabas ko ng cr, medyo binilisan ko ang paglakad ko para makabalik na agad sa van, kaso nagulat ako nang may naka-banggaan akong lalake. 

"Ay sorry!" sabi ko sa kanya. Pero mukhang tulala ata siya?

"Excuse me.." sabi ko ulit. Dahil naman dun, mukhang natauhan na siya. 

"Ay, sorry, miss!" sabi niya at nagbow pa. Ngumiti na lang ako. 

"Ayos lang. Sige, mauuna na 'ko." sabi ko at naglakad na palayo.

Habang naglalakad ako palapit sa van, biglang nag-flashback sa'kin yung itsura nung lalakeng nakabangaan ko. Omg, ang cute niya pala. He looks familiar, though.

---

LUHAN'S POV

7:00 na, wala pa yung van na maghahatid sa aming Exo sa airport. Ang tagal na nga naming nag-aantay eh.

Pupunta kasi kami sa Pilipinas.

Yung iba sa amin nakatulala na lang habang nag-aantay.

"Kris, wag kang yumuko. You'll hurt yourself!" pang-aasar ni Tao kay Kris, kaya nagtawanan naman kami. Halata na kasing inaantok si Kris, kaya napapa-yuko na siya.

Sinamaan lang kami ng tingin ni Kris kaya napatahimik kami, pero si Tao natatawa pa rin. Kahit kailan talaga 'tong adik na 'to eh. 

Pagkatapos naming mag-antay ng ilan pang sandali, dumating na yung van, sumakay na kaming lahat.

(Few minutes later)

Nagpagas kami. Eksakto, magc-cr ako. Nagpaalam muna ko sa kanila. Tapos lumabas na ako at nagtungo sa cr.

Malapit na sana ako sa cr nang bigla na lang akong may nakabanggang babae. Nagulat naman ako nang makita ko ang mukha niya. 

"Ay sorry!" sabi niya. Napatitig ako sa mukha niya, ang ganda talaga niya.

"Excuse me.." sabi niya ulit kaya natauhan naman ako. Natulala na pala ako, hehehe. 

"Ay, sorry, miss!" sabi ko at nagbow. Nakaka-hiya naman sa kanya. Ngumiti siya.

"Ayos lang. Sige, mauuna na 'ko." sabi niya at naglakad na palayo. Argh! Ambilis naman niya. Hindi niya ba ako nakilala?

---

YURI'S POV

Andito kami ngayon sa parkingan ng gasoline station. Nagcr kasi si Tiffany unnie. 

Tumanaw ako sa labas ng bintana at nakita kong may nakabanggaan siyang lalake. In fairness, ang cute ah? Huehue. 

Di ko nga lang talaga marinig yung pinagsasabi nila. Chismosa mode. 

Tapos biglang tumakbo na si Fany-unnie pabalik dito, yung lalake nakatingin pa rin sa kanya. Ayy, runaway bride ang peg ni unnie. 

"Fany! Sino yun?" tanong ko sa kanya. Baka sakaling kilala niya, cute eh. Huehue. Pero, mukhang 'di ata niya kilala.

"Ahh.. Wala, nakabanggaan ko lang" sabi niya sabay kamot sa ulo at ngiti, tapos umupo na siya. 

"Ang cute nya.." sabi ko habang kinikilig pa. Lahat naman ng lalake cute para sa'kin eh, joke huehue. Mukhang nagulat si unnie.

"Ahh.. Oo" sabi niya na lang. Abaaa! Nagblush. Mukhang type ni unnie yung cute na yun, sige, sa kanya na lang yun. Huahuahua.


--------------------






One Meeting (EXOSHIDAE) [COMPLETED] [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon