Chapter 32: The Moves, Dre.

31.3K 267 34
                                    

Thanks, everyone, para sa votes, comments, pag-add nito sa list nila, pag-fan at pagsubaybay. Thank you talaga. :>

And, by the way guys, base sa calculations ko, nasa may gitna na tayo ng Shut Up and Marry Me! Yey! Hahahaha. xD

Love you guys. Stay handsome/gorgeous, sweet and kind. :) God bless. ;)

**

Few days had already passed when that 'pregnant' issue broke out but they're still pestering me about it.

And for heaven's sake, I'm not pregnant!

 

 

New Year’s Eve na new year's eve, binubwisit ako nila lolo Martin. =_____=

Pero infairness, hindi ako inaaway ni handsome idiot. Lagi nga lang syang tahimik. Di tulad nung dati. Bigla-bigla nalang mambubwisit. Di ko alam kung alin yung mas gusto ko. Pero mabait na sya sa akin. ^_^v

And, oh yes. Mukhang maganda ang salubong ko sa new year. Kasi nga, di ako binubwisit ni Nathan, tapos, si lolo, pinalitan na yung kotse ko! Woohoo! Haha. Eh kasi naman, vintage na ata yung sasakyan kong yun. Dejoke lang. Lol. Kaya lang gustong gusto ko lang talaga na mapalitan na yun. And guess what? BMW yung gift sa akin! Nyahahaha! Mahal no? Sus. Si Nathan nga, puro kotse at motor yung regalo eh. May condo pa! Kung sabagay. Medyo demanding si Nathan eh. Di tulad ko. Minsan lang talaga ako manghingi. Eh kasi naman kahit halos kay lolo na ako lumaki, di naman nya talaga ako kadugo di ba? Hehe. I mean, si Nathan naman talaga yung apo. Ta's nung namatay sina mama, ewan ko na anong nangyari sa negosyo nila. Basta  kasosyo nila sina tita Arielle. Ta's yun nga, namatay sila. Si lolo Martin na ulit yung nag-handle ng company. Tinatanong nga dati ni lolo kung gusto kong pag-aralan yung business namin eh. Kaya lang tumanggi ako. Malay ko ba dun. Eh wala naman akong interest dun. Buti pa kung design-design eh. Pwede pa talaga. May trust naman ako kay lolo Martin tungkol sa bagay na yun. And I know that he loves me. :)

Ang bait kaya ni lolo. Super cool pa. Makulit nga lang minsan. Pero ayos lang yun. Naglalambing lang sya nun. Ewan ko nga ba kay Nathan ba't galit na galit kay lolo. Si lolo daw may kasalanan ba't namatay parents namin. As if naman si lolo yung bumaril sa parents namin no? Duhh.

And speaking of Nathan, nasan na ba yung lalaking yun? Hinanap ko na sa 1st floor ng bahay, wala naman. Pati sa 2nd floor, wala! Nung namang tinanong ko sa mga security kung lumabas ng bahay, hindi naman daw dumaan sa gate. Asaan na ba yun?

I stepped out of the house and headed for the garden. Baka naman nagtatago dito yun? Pero, di naman siguro. Tsk. Saang lupalop ba napunta yung lalaking yun? Itatanong ko pa naman kung bumili sya ng... lusis ba yun? Di ko alam anung tawag dun. Basta mukha syang mahabang palito ng posporo tapos kulay gray yung sa dulo. Tapos pag sinindi mo, nag-i-spark! Ang ganda tignan. Nakita ko lang nilalaro yun nung batang kapitbahay namin eh. Kaya lang di ko natanong kung ano tawag.

Shut Up and Marry Me! (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon