If Love Was The Answer, Please Repeat The Question. <3

155 5 4
                                    

Author's Note:

Hello Readers! This is my 4th story. Sana po magustuhan niyo ang mga story ko. Please comment po, be a fan, or vote. Thank you! ^_^

 Dedicated nga pala ito kay Ms. Storygilr05! Thanks sa pag-fan. Sana magustuhan mo 'to. ^_^

        -------------------------------------------------------------------------------------------------

Start here: >>>

I'm Zen Hernandez, magfo-fourth year highschool this june.

Nagulat ako ng makitang kaklase ko ang ultimate crush ko, si Carlo Villaraza, pero hindi ko pinahalata. Tatlo lang kami ni Anna at Ayna ang nakaka-alam na crush ko si Papa Carlo. xD

Third quater ng inannounce ang Oral defense ng History ng mga lugar sa Pilipinas at ang pag-cope up ng mga tao sa way of life nila sa lugar na iyon. Nakakainis! Hindi ko ka-grupo si Carlo! Di bale, pag-aaralan ko ng mabuti ang report ko, para mapansin niya ako.

Kaso naman po, may mga epal talaga na sarap itapon sa Mars! Si Sofia Domingo! Kaklase siya namin, na over na over, patay na patay kay Papa Carlo. -_-

One time, nagpunta ang buong klase namin sa library para makapag-research at makapag-finalize ng report. At dahil sa sobrang flirt ni Sofia, naging close sila ni Carlo, at nagpatulong pa talaga siya sa report nila! Selos talaga ako that time!

Ano kaya ang nakita niya sa Sofia na 'yun? Wala nang ibang inatupag kundi ang mag-flirt! Humanda talaga siya! 

Sa report niya bukas, tatanungin ko talaga siya!

Dumating ang oras ng pagre-report nila ng grupo niya. 

Ako ang unang nagtanong. Pinandidilatan na ako ng mga kaibigan ko, pero tinuloy ko pa rin.

"How can you prove to us, that people in Baguio can stand the cold weather?"-Ako

Tiningnan ako ni Carlo, parang naiinis siya. Ha! Excuse me ha! Care ko?

Hindi nakasagot si Sofia, nakatayo lang siya, kaya naman umupo nalang ako. Hindi nasagot nila Sofia, kaya ang teacher nalang namin ang sumagot. 

After nung class, nagpa-iwan ako. Kumupya pa ako ng pointers. Sila Anna at Ayna may meeting daw sa swimming.

Nagulat ako ng may nagsalita. Akala ko kasi, ako nalang ang nandun. Si Carlo pala!

"Hindi mo dapat ginawa 'yun, Zen."-Carlo

"Ang alin?"-Ako

"Pinahiya mo si Sofia."-Carlo

"Sandali nga, kasalanan ko ba kung hindi siya nag-aral?"-Ako

Wow ha! Galing naman! Kasalanan ko pa pala kung bakit sadyang malandi lang talaga si Sofia?

"Alam nang lahat na hindi katalinuhan si Sofia, kailangan mo pa ba talagang ipamukha sa kanya 'yun? Alam mo ba ang pakiramdam ng nakatayo ka lang, kasi hindi mo alam ang isasagot?"-Carlo

"Well, hindi ko siya pinahiya! Nagtanong lang ako. At kung hindi ko man naranasan 'yang sinasabi mo, that's because nag-aaral ako!"-Ako

"Humanda ka sa report niyo. Tatanungin kita."-Carlo

Kinabahan ako sa sinabi niya! The hell? Bakit ba siya ang nagagalit? Siya na ba ngayon si Sofia? Nag-aral talaga ako. Ayokong ipahiya lang sa klase!

*DAY OF ORAL DEFENSE*

Hay! Mamamatay nalang ako sa nerbyos nito!

Grupo ko na ang magre-report. Nung dumaan ako sa upuan ni Carlo, nagsalita siya?

"Ready ka na?"-Carlo

Ngumiti siya ng nakakaloko! Hindi ko siya pinansin. Baka malimutan ko pa ang pinag-aralan ko!

After ng report, siya agad ang nagtanong.

"Based from your report, hindi niyo napag-alaman kung ano ang alamat ng lugar na 'yun."-Carlo

Tumango ako.

"If I were to ask you, can you make your own legend of that place?"-Carlo

"This question is pointless. Now, if I tell you that I can make a legend out of it, ikaw, kaya mo ba? And kung meron man, ano naman ang kwento mo?"-Ako

"Yeah, I'll make one, kung saan, ikaw at ako ang main character. What if I tell you, I like you? May sasabihin ka rin ba sa akin? And-"-Carlo

"Mr. Villaraza, related pa ba 'yang sasabihin mo?"-Miss Cruz

"Ms. two minutes lang po."-Carlo

Tumango si Miss Cruz. The hell! Hindi ako makasagot!

"So, Zen, what can you say?"-Carlo

"T-this is an oral defense! Not a-"-Ako

"Come on Zen! Hindi ka matutulungan nila Ms. Cruz dito. Ikaw lang ang makakasagot nito, and hindi ka uupo, habang wala kang sinasabi tungkol sa sinabi ko."-Carlo

Halos himatayin na ako sa sobrang kilig! Carlo ha! Walang ganyanan! 

"I'll answer that later."-Ako

Umupo na lang ako sa upuan ko, habang tinutukso ng mga classmates ko. Si Carlo naman, lingon ng lingon sa habang nakangiti.

Ang masasabi ko lang, this is the best school year so far! Hihi ^_^

                                                        -THE END-

Hello there! :)

I hope nagustuhan niyo ito. :)

Please, comment po, be a fan or vote po. :)

And, pa-read nalang po ng ibang stories ko. Thank you! :)

🎉 Tapos mo nang basahin ang If Love Was The Answer, Please Repeat The Question. <3 🎉
If Love Was The Answer, Please Repeat The Question.  &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon