Graduation (One Shot Story)

215K 5.6K 1.6K
                                    

 Graduation

1 year and 2 months. I never thought that we would last this long. Lalo na at alam nating dalawa na bawal akong magboyfriend. Natatawa nga ako kasi ang lakas ng loob kong sagutin ka kahit na alam kong hindi pa ako pwedeng magboyfriend.

Pero anong magagawa ko? Mahal kita eh. Kaya natuto akong magsinungaling sa parents ko. Oo nagiguilty ako pero kasi masaya ako pag kasama kita. And you are the only one who kept me sane amidst all the pressures sorrounding me. You are my constant reminder that I should enjoy my college days. Na ang college life ay hindi lang tungkol sa pagiging deans lister, sa paghahagad ng latin honor, it's also how you enjoy being in college.

Hindi ko makakalimutan ang kaba ko two Christmas ago at isang buwan na tayong magboyfriend. Christmas vacation and I lost my cellphone. Nakitext ako sa pinsan kong lalaki para sabihin sayo na nawawala ang cellphone ko but I never thought that you would have the guts na magtext sa number niya. Ang tigas ng ulo mo. Sinabi ko nang wag kang magreply pero nagreply ka pa din.And you dare told them who you are.

And worst, when my cousin told my parents and they ask me who Aidan is and I told them, classmate ko na makulit. Kinabahan ako ng todo nun. Hindi mo lang alam kung gaano. I stammer in front of my parents and I know that they didn't buy my excuse but still I'm glad that they didn't pursue the topic.

And I couldn't believe na tinawanan mo lang ako nung sinabi ko yun sayo nung nagkita na tayo. Nagsorry ka nga pero hindi ko naman nakita na remorseful ka sa ginawa mo. You even told me:

"So, kilala na pala nila ako." And you even smiled at me. Naawa naman ako sayo that time. Alam ko naman na gusto mong ipakilala na kita pero hindi talaga pwede. Ayaw kong dumating sa point na papipiliin ako ng parents ko between you and my studies. And that day i promised you, na ipapakilala kita on my graduation day.

Alam kong maghihintay ka na naman. Palagi ka na lang naghihintay. Limang buwan kang naghintay bago kita sagutin, 3 times a week kang naghihintay na matapos ang 9PM class ko kahit hanggang 7:30PM ka lang. At hinihiling ko na naman na maghihintay ka ng mahigit isang taon bago kita mapakilala sa parents ko. I'm sorry Aidan.

Ganito na pala tayo katagal, parang kelan lang. Parang kelan lang pinuntahan mo ako sa clinic kasi may sakit daw ako when in fact ayaw ko lang pumasok sa calculus ko. And parang kelan lang, tinuruan mo ako ng calculus kasi hindi ko talaga makuha and your exasperation na kahit ikaw na ang magturo di ko talaga ma gets.

Graduation (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon