Chapter 2 - unang paguusap

70 4 0
                                    

Chapter 2

Naglakas-loob si Andrew na kwentuhan at tanungin ng kung anu-ano si Kim dahil iniisip nya na baka hindi na ito mangyari ulit. At kung mangyari man ulit, baka mapanghinaan na sya ng loob.

“Transfer student ka ba dito?”

“Ah, oo. Kakalipat lang kasi namin dito ng lola ko.”

“Ah, ganon ba? Saan naman kayo nakatira dati?”

“Taga-Cavite kami dati, naisipan lang ni Lola na lumipat dito, dahil maganda nga daw kalidad ng pagtuturo dito sa school niyo.”

“Ah, oo nga. Kasi ako simula pa 1st year highschool dito na ako nagaral. Maganda talaga dito no. alam mob a di sa pagmamayabang per---” nang mapansin nya na nakatulala si Kim ngunit nagdadrawing pa din sya. Napansin ni Andrew na kung saan nakatitig si Kim, ay gayang gaya nya yung sa drawing nya.

“Huy, Kim! Nakikinig ka ba?”

“Ay, sorry! Ano nga pala ulit yung sinasabi mo?” Bago pa makapagsalita si Andrew, ay nagring na ang bell at agad silang tumayo at nagmadaling umalis si Kim palayo kay Andrew.

Andrew’s POV

Bakit kaya parang may tinatago sya sa pagdadrawing nya e, ang galing naman nya?

Bago pa makaalis si Andrew sa kinakatayuan nya, ay may napansin siyang papel na nasa kinauupuan nila ni Kim kanina. Kinuha nya ito at:

*le inserts some weird drawing here*

“Huy, Andrew. Saan ka naman nanggaling ha? Bakit ka MIA?” Sabi ni Ignacio, ang bestfriend ni Andrew.

“Nako, Ignacio. Mahaba---.”

“Opps! Anong IGNACIO ka dyan? IGGY nga lang diba Bes?”

“Ay, oo nga pala. Haha. Bes kasi, may nakilala akong babae. Ang ganda nya, siya na ata yung babaeng mamahalin ko. Alam mo yung ganong impact sa buhay mo? Yung kapag nakakakita ka ng mga---”

“Oo na, pre. Gets na kita. Alam ko yan. Oh, nadiskartihan mo na ba?”

“Yun nga pre eh. Tila mailap sakin si Kim.”

“Kim pala pangalan nya? Ang common naman ng name non. Tila ang hirap naman hanapin non, bes. Basta kung ako sayo, wag mo ng pakawalan yon. Kahit mailap. Baka pagsisihan mo pa kapag nakuha yan ng iba.”

“Hindi pare. Di ko hahayaang makuha sya ng iba.”

Kim’s POV

Hay salamat. Natakasan ko din yung lalaking yon. Phew!

Ako. Ako nga pala si Kim San Juan. Maraming nagsasabi na magaling daw akong magpinta at gumuhit. Pero para sa akin, hindi. Kasi--- Hay. Di bali na nga. Bagong lipat pala ako sa Roosevelt College System. Malaki ito compare sa school ko dati. At infairness, maraming opportunities ang makikita kong pwedeng ipinta dito.

Kung itatanoong niyo kung sino yung lalaking yon? Aba, malay ko ba. Nabunggo nya lang ako, tila guilty’ng guilty pa sya at sinamahan nya pa ko sa Lagoon. E gusto ko nga mapagisa. Mga lalaki talaga!

Papuntang klase si Kim ng maisip nyang “Napansin kaya nya kung paano ako matulala?” “Baka tanungin nya ako, ano na lang sasabihin ko?” Nang mabunggo na naman sya, at di sinasadyang si Andrew ang nakabungo sakanya.

“Kim! Hi!”

Ang laking ngiti naman nitong lalaking ‘to. Tila hindi kami magkausap kanina.

“Ah, hello sayo ahhmm..”

“Andrew. Andrew Manansala nga pala. Ang daldal ko no, pero di mo pa naman ako kilala. Hehe.”

“Ah. Hi, Andrew.”

“Ayan, magkakilala na tayo. Friends na tayo diba?”

“Ah, oo sige.” ANg kulit naman nitong Andrew Manansala na ‘to. Tila, di ko na naman matatakasan. Tila magiging buntot ko na naman siya buong araw.

Teka, makapagisip nga ng paraan.

“Kim, mahilig ka ba mag’drawing?”

“Hindi, singer ako. Kaya nga puro paint brush dala ko eh. Ang husay ko din kayang mag’make up. Gusto mo make-upan kita? Tas ilibing na din kita? Oh ano?”

“Ang sungit mo naman. Nagtanong lang naman ako. Naiwanan mo kasi yu---“

“Ay! San mo nakuha ‘yan? Bakit nasa’yo yan?! Akin na nga iyan!”

At tuluyan na kong umuwi sa bahay. Kahit na may isa pa akong subject.

Astral LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon