Chapter 2

1.1K 11 0
                                    

‘’Andito na si Sophie.’’wika ng iilang estudyanteng nakakakilala sa dalagang sikat na sikat sa campus dahil sa ganda at talino niya.

‘’Grabe nasa dean’s list at reigning campus queen napaka swerte ng lalakeng magiging gf niya.’’wika ng isang binatilyo sa mga ka tropa nito.

Lagpas tenga ang ngiti ni Sophie ng marinig na naman ang mga papuri ng kanyang mga schoolmates.As usual snobbish ang dalaga at halos walang kaibigan dahil sa katarayan niya.Simula ng Manalo siyang campus queen todo look down siya sa mga babaeng hindi kagandahan at mga mahihirap na nag aaral sa eskwelahan niya.Though everyone admires her brain and beauty she was also hated because of her bratty and bitchy attitude.

‘’Excuse me your in my way kaya TABI’’wika ng maangas na si Sophie ng makitang nakaharang ang iilang girls sa kanyang daanan.

‘’Bakit kami tatabi ikaw ba ang may ari ng campus ha?’’wika ng naglakas loob na sagutin ang reigning queen ng Campus na si Sophie.

‘’Your existence is quiet annoying bitch,at ang pasilyo hindi lugar ng tsismis daanan to ng tao wag pairalin ang kabobohan sayang ang perang ginagastos ng mga magulang mo kung polpol naman ang laman ng utak mo.’’wika ng mataray na si Sophie sa tila napahiyang babae na hindi kasing bilis ni Sophie kung mambara ng nagiging kaaway nito.

Walang nagawa ang mga babae kungdi padaanin si Sophie na naka sarcastic grin na dumaan sa gitna nila.Another victim of her nasty attitude,wala pang estudyante ang kayang mapataob sa barahan at sagutan ang brat na campus queen na si Sophie.

‘’So boring!’’wika ni Sophie ng matapos nito masagutan ang exam papers sabay bigay sa teacher na namangha dahil sa bilis sumagot ng isa sa mga pinaka matalinong estudyante ng kanilang klase.

‘’You can go now Sophie as expected from you 100 percent correct na naman ang result ng exam mo.’’wika ng nakangiting teacher sa taas noo na si Sophie na pag titinginan ng napamanghang mga kaklase.

‘’Where will I go now? Well kaka bored mag shopping na nga lang.’’wika ni Sophie na agad uutusan ang driver na dalhin siya sa mall.

Sophie loves to shop,halos 30k ang nagagastos nito araw araw sa pamimili ng mga bagay na hindi naman niya palaging nagagamit.Nasa kalagitnaan siya ng pamimili ng biglang makabunggo siya ng isang lalake may makapal na eyeglasses at naka silver braces ang ngipin.

‘’Define stupid.’’wika ni Sophie na agad pupulutin ang mga nahulog nitong shopping bags.

‘’Im sorry hindi kasi kita nakita.’’wika ng lalake na nakangiting nakatingin sa mandidiring si Sophie.

‘’Sa kapal ng eyeglasses mong yan hindi mo pa ako nakita? Anong klaseng katangahan yan?’’wika ni Sophie na agad iisnabin at tatalikuran ang binata na tatanggalin ang eyeglasses at braces at malalantad ang isang gwapong mukha na nakangiting nakatingin sa papalayong si Sophie.

Pagod na umuwi si Sophie na agad inasikaso ng mga takot na takot na mga katulong.Matapos makapag bihis ay hindi na ito kumain at dumeretso sa kama para matulog ng mahagilap ng kanyang mga mata ang mga glass slippers na bigay ng kanyang kababata.

‘’He looks like that guy with a loser face kanina, hmmm well kung siya yun hindi parin nagbago ang kapalaran niya he is still a loser.’’wika ni Sophie na mapapangiti at hihiga sa kanyang kama upang matulog.

‘’Hoy gising! Gising sabe eh!’’wika ng isang matandang babae na gigising sa natutulog na si Sophie.

‘’What? Ang aga aga nambubulabog ka ah! Sino k aba!’’wika ni Sophie na naiinis sa pang gigising ng isang d kilalang matanda.

‘’Ako lang naman ang taga pangalaga ni Master Garen na kanina pa naghihintay sayo sa baba.’’wika ng matanda sa naguguluhang si Sophie.

‘’Sinong Garen? Baliw ka ba?’’wika ni Sophie ng biglang pumasok ang attorney ng kanyang pamilya na si Vic Gomez na seryoso ang tingin sa kanya.

‘’Sophie iha kailangan nating mag usap.’’wika ng abugado kay Sophie na hindi maintindihan ang mga nangyayari sa paligid nito.

Babangon ang dalaga at pupunta ng banyo para maghilamos habang nakatingin ang matandang babaeng naiinip sa kanyang kaartehan ang kabagalan.Nang mapansing nakabantay ang matanda ay yamot na isasarado nito ang pinto ng kanyang walk in closet upang magbihis at harapin ang hindi inaasahang bisita sa baba.

‘’Finally natapos ka rin ang dami mong arte.’’wika ng matandang babae sa tila wala sa mood makipag sagutan na si Sophie.

Pagdating sa sala makikita ang isang binatang may chinitong mga mata,mapupulang labi,matangos ang ilong at kilay na parang inukit ng isang artist na lalong nagpadagdag sa kagwapuhang taglay nito.Napa taas ang kilay ni Sophie at sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng paghanga sa misteryosong lalake.

‘’Sophie this is Garen Javier,Garen this is Sophie Valdez the only daughter of the family.’’wika ng attorney sa tila emotionless na binata na tila dedma sa existence ni Sophie dahil nakapako ang mga mata nito sa ipad.

‘’Mr Gomez paki straight to the point na ang batang ito para maayos ko na ang kwarto ng aking amo.’’wika ng matandang babae sa tila nagulat na si Sophie.

‘’Anong aayusing kwarto? Vic what is this?’’tanong ni Sophie sa abugadong tila ayaw siya tingnan sa mga mata at nahihirapang I explain ang mga pagbabagong nangyayari sa buhay ng dalaga.

‘’You see Sophie your parents owe Garens parent’s a lot of money.Napag desisyunan ng mga magulang mo na ibenta sa kanila ang lahat lahat ng ari arian dahil sa biglaang pagka lugi ng negosyo nila.As of now they are no where to be found at missing sa hindi malamang dahilan.Im sorry iha pero kailangan mo ng umalis ng bahay dahil gusto ng lumipat ni Mr. Garen sa mansion nato.’’wika ng abugado sa hindi makapaniwalang si Sophie.

‘’You cant evict me in my own house!your lying attorney! My parents are rich, we are rich!’’wika ni Sophie ng biglang makikita niyang ibaba ni Garen ang ipad na hawak nito at titingin ng deretso sa mga mata ng dalaga.

‘’Define LOSER.’’wika ni Garen na sarcastic na napangisi sa nanlaking mga mata na si Sophie na naasar sa mala demonyong ngisi ng binatang umaangkin ng ari arian niya sa mga oras na iyon.

‘’Im not a loser.’’wika ni Sophie na tatalikuran ang binata at nagpasiyang bumalik sa kwarto nito ng hilahin ng matandang babaeng tagapangalaga ni Garen.

‘’At saan ka pupunta iha?’’tanong ng matanda sa nagpupumiglas na si Sophie.

‘’Eh di sa kwarto ko so let me go!’’wika ni Sophie na mapapatingin sa papalapit na si Garen na itataas ang kanyang finger sabay senyas ng NO sa dalagang si Sophie.

‘’My room now not yours anymore can you escort this girl outside Yaya Minda’’wika ni Garen na agad susundin ng matandang katulong at ipapatawag ang mga bodyguards ng among binata.

‘’You cant do this! This is my house you idiot! Let me go! Let me go!’’sigaw ni Sophie habang bitbit ng dalawang naglalakihang bodyguard sabay hagis sa may labas ng gate ng kanyang bahay.

ITUTULOY

MY BRATTY MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon