Chapter 18 : Moment of Truth

248K 13.2K 6.2K
                                    

Puma's Point of View

Muli kong pinagmasdan ang bolang bigay sa akin ni Chord. Kahit na ano man ang marinig ko mula sa iba, hindi parin ito sapat para mawala ang tuwa ko. Chord gave it to me. He really did gave it to me.  

Para akong timang kung buong araw kong hahawakan ang bola kayat mas minabuti ko itong ilagay muna sa locker ko. Nang maisara ko ang pintuan ng locker ko ay nagulat ako nang bumungad sa akin si Hurri.

"Hey Pums." Bati niya sa akin habang nakangiti kaso ang ngiti niya ngayon ay iba na kumpara sa mga ngiti niya noong nakaraang mga araw. May bahid na ng lungkot sa mga mata niya. Parang alam ko kung bakit.

Gusto kong ngumiti kaso nahihirapan ako. Masama ba akong tao? Bakit parang nakokonsensya ako?

"Hey." Bati ko sa kanya pabalik.

"Nakita mo ba si Chord?" Hindi ko maiwasang nagtaka sa naging tanong niya. I mean come on, may cellphone si Chord ano ako hanapan ng nawawalang impakto?

"Not since back at the soccer field." Napayakap ako sa dala kong portfolio. Gusto ko na agad maglakad palayo kasi naiilang na ako sa sitwasyon kaso muli siyang nagsalita. Ni hindi ko nga magawang makatingin ng deretso sa mga mata niya.

"Lokong Chord na 'yon nahiya pa siyang ibigay sa akin ang bola." Nakangiti niyang sambit.

Hindi ko alam ano ang dapat kong sabihin kayat hinayaan ko na lamang siyang magsalita.

"Sa akin niya dapat ibibigay ang bola kaso nahiya ata siya kayat nag-playsafe ang loko at sayo na bestfriend nalang niya ibinigay." Ipinagdiinan pa talaga niya ang salitang bestfriend kayat ngumiti na lamang ako kahit pilit. "Sa totoo lang nalungkot talaga ako kanina kasi nag-expect ako na sa akin niya ibibigay but then again wala naman siguro akong dapat ikaselos kasi inspiration lang naman. Besides you guys are like siblings right?"

Ewan ko ba pero bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko. Siguro dahil narin sa kaba. Hindi ko talaga alam ano ang sasabihin kayat ngumiti nalang ulit ako.

Isinandal niya ang likuran niya sa katabi kong locker. Napabuntong-hininga siya na tila ba maraming pinoproblema.

"Tatanggalin na ang cast ko mamaya sa paa."

Nagtaka ako. Dapat masaya siya dahil makakapaglakad na siya ng maayos pero bakit mukha siyang malungkot?

"Its a good thing right?" Tanong ko.

"I dont know. Sa totoo lang kinakabahan ako, baka kasi naaawa lang siya sa akin or nakokonsensya kaya parati niya akong sinasamahan. Natatakot akong kapag maayos na ako eh lumayo na siya sa akin. Alam mo pakiramdam ko hindi girlfriend ang turing niya sa akin," Napayuko si Hurri ngunit pinipilit niyang ngumiti. "He doesnt even hold my hand. We havent even kissed yet. I mean what kind of relationship do we have? Ni hindi pa nga siya nakakapagsabi ng i love you sa akin. Kung hindi niya inanunsyo sa maraming tao na girlfriend niya ako, aakalain kong kaibigan lang ang turing niya sa akin." Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya kayat hindi ko din maiwasang makaramdam ng lungkot. 

Ginawa lang ba yun lahat ni Chord dahil sinabi kong gusto kong maging sila? Kung ganun nga, kasalanan ko rin kung bakit nalulungkot si Hurri. Kasalanan ko tong lahat.

Biglang itinaas ni Hurri ang ulo niya. "Oh well. Mamaya ako na mismo ang magtatanong kay Chord kung ano ba talaga ang meron sa amin. Bahala na si Batman. Ganun ba talaga ka-torpe ang bestfriend mo? Minsan talaga naiinis na ako sa pagiging torpe niya."

Napangiti ako nang maalala ko ang alaala ng nakaraan lalong-lalo na noong mga bata pa kami.

"Kahit na may pagka-torpe man si Chord alam kong matino siya kung mag-mahal. Kilala ko siya, oras na magmahal siya pangmatagalan na yan at hinding-hindi ka niya ipagpapalit sa iba. Alam mo ba noong mga bata pa kami, nagkaroon siya ng isang aso. Three years later namatay ang aso kaso ni-minsan hindi siya nagka-interes na magkaroon pa ng bagong aso o pet man lang kasi----" Natigil ako sa pagk-kwento nang makita kong para bang may namumuong luha sa mga mata ni Hurri.

Teka masyado bang nakakaiyak yung kwento tungkol sa aso ni Chord?

"Puma... Puma wala ka naman sigurong feelings para sa boyfriend ko diba?" Nauutal niyang tanong at bigla na lamang akong tiningnan sa mga mata. Dali-dali akong umiwas ng tingin.

Sa tanong na iyon ay  tuluyan ng nanlamig ang kamay ko. Masama ba akong kaibigan kung aaminin ko ngang meron? Mapupunta ba ako sa impyerno kung magsisinungaling ako at sasabihin kong wala akong nararamdaman para sa kanya?

"I mean come on, bestfriend lang naman ang turing mo sa kanya diba?" Wala na ang ngiti sa mukha ni Hurri.

Shit anong sasabihin ko. 

"S-sino nga ulit ang pinag-uusapan natin dito?" Nauutal kong tanong kayat napabuntong hininga si Hurri.

"Puma naman. Just answer my question. Do you have feelings for Chord? Do you have feelings for my boyfriend?" She insisted.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Mas malala pa ang tanong na to kesa sa isang math equation. Shit! Pwede bang math equation nalang?

"Chord... Chord is a good guy," Napabuntong hininga na lamang ako. "He might be shitty. He might be a jerk sometimes but he's a good catch. Maswerte ka kasi ikaw ang naging girlfriend niya." I tried my best for my voice not to crack. I just hate this kind of questions and situations.

"Nga pala may gagawin pa ako. Babay!" Ngumiti ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanya kaso muli siyang nagsalita.

"So you really do have feelings for Chord." Natigil ako sa paglalakad. Hindi ko magawang lumingon sa kanya. Natatakot akong makita ang expression sa mukha niya. Hurri is a good friend to me. I dont want to hurt any of my friends.

"K-kung meron man akong nararamdaman para sa bestfriend ko, hindi naman ibig sabihin nun aagawin ko siya mula sayo. Feelings come and go Hurri, please dont be mad at me." Ewan ko ba pero sa tindi ng kabang nararamdaman ko tuluyan nang bumuhos ang luha mula sa mga mata ko.

"Stay away from Chord."

Napapikit na lamang ako sa narinig. Dapat ba nagsinungaling nalang ako?

"You said it yourself Puma. Chord is a good guy. Baka makonsensya siya pag-nalaman niyang may gusto ka sa kanya. Baka mapilitan siyang makipag-relasyon sayo, gusto mo ba yun? Puma please dont take him away from me. Chord is the only person I have." Hurri's voice is cracking like she was tearing up. Ayokong lumingon kasi baka mas masaktan lang ako kung makita ko siyang umiiyak dahil sa akin.

Tumango na lamang ako. "Hindi ako mang-aagaw Hurri pero hindi ko maipapangakong lalayuan ko ang bestfriend ko."

Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, dali-dali na lamang akong naglakad palayo.

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now