September Rain: That Nerd is my wife! = Chapter 37

11K 189 19
                                    

Hindi ko alam kung bakit inilhim sakin ni brice ang tungkol kay mika. Hindi ko din alam kung bakit naging sekretarya niya si mika at hindi ko alam kung bakit umalis ang dating sekretarya ni  daddy zane. Hindi ko alam kung Kelan sila nagsimula magkasama. Bakit Ganito? Wala akong alam?

Si mika lang naman kasi yung babaeng kina iinisan ko eh.  Kung makikita niyo lang si mika parang umiitim ang buong paligid niya dahil sa black aura niya.

I really hate you brice for not telling and sharing the truth! Paalis na ako ng Building at padabog akong naglalakad. Sumusunod naman si Erika at Anna sakin. Pasakay na kami ng kotse ng biglang bumukas ang elevator sa basement at dali dali tumakbo si brice papalapit sa kotse ni anna.

“Anna. Tara na” malamig kong sabi.Pina andar na ni Anna yung kotse. Naiinis talaga ako kay brice.. Pinapainit niya talaga ang ulo ko ngayong araw. Nasayang ang effort ko.

“beb! Open the door!I’ll explain. P-lease just open the door!” pagsisigaw ni brice at kinakatok niya yung salamin kung saan nasa backseat ako ng passenger seat.

Hindi ko siya nilingon kasi kung lilingon ako. Mawawala nanaman ang lahat ng Galit ko sakanya. Siya kasi yung tipong  lalaki pag tiningnan mo mawawala lahat yung pagod , lungkot at galit mo.

“Damn it! Open the door! Ano ba anna at erika! Buksan niyo nga to!” pagsisigaw pa rin ni brice. Halatang galit na galit na talaga ito. Hindi ko na napigilan at umiyak na ako. Ewan ko ba. Gusto ko umiyak. Nagseselos talaga ako at naiinis.

“Ano na?” tanong ni erika at nilingon ako ni anna.

“U-malis na tayo.” Sabi ko habang pinupunasan ko yung mga luha ko.

--

BRICE POV

“Damn it! Open the door! Ano ba anna at erika! Buksan niyo nga to!”pagsisigaw ko habang kinakatok ko si Kimmie. Alam ko naman na mali ko rin eh. Shit! Bat di ko ba agad na realize ito.

Nakita kong tumulo ang munting luha ng asawa ko. Kaya mas lalo kong nilakasan ang pagkatok na parang bang mababasag ko na yung salamin ngunit Hindi talaga ako pinagbuksan ni kimmie. Pinahurot na rin ni anna ang kotse at tumakbo ako para habulin ito ngunit hindi ko naabutan.

Dali dali ako pumasok sa main door ng building at tinungo ang elevator. Pinindot ko ang 5th floor kung saan ang main office ko. Nang bumukas ang elevator. Lahat ng mga empleyado ko lahat sila nakatingin sakin. Im sweating and my hair came up  messy.

 

“nag-away ata sila ni Maam kimmie”  

“Oo nga! Parang galit kasi umalis yung asawa niya.”

“Ano kaya ang rason noh?”

“Tanungin mo sa pagong! Napaka chismosa mo talaga!”

 

Narinig kong bulong bulongan nila habang dumadaan ako. Agad ako pumasok sa opisina ko at naabutan ko pa si mika na nakaupo sa swivel chair ko.

“I knew it. Alam kong babalikan mo ako… O-uch! Ano ba brice! Nasasaktan ako!” Galit na galit kong hinablot ang mga braso ni mika.

BOOK 2: September Rain: That Nerd is my wife! [FIN]-PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon