3: A little warmth

798 13 18
                                    

JETT

"What’s the occasion? Tagal na since we last ate together, ah. So what’s with the plastikan?” Si Guess lang ang may ganang dumaldal sa kanilang tatlo. "Family thing aren't our thing. Especially you, kuya. This is so not you. How were they able to convince you, I'm impressed."

Binigyan lang niya ng masamang tingin ang kapatid. "Shut up, Guess. You should be the one to tell us what to do, since ikaw naman ang expert sa pagpapanggap, right? Guide me well, or I might ruin the scene.”

Sasagot pa sana si Guess pero saktong dumating na ang main character, their dad.

"Good morning, dad!" masiglang bati ng bunso niyang kapatid, si Bench.

"Where's Kayela?" tanong naman ng daddy nila nang makaupo na.

"I'm so excited to see her, daddy! I really wanted to meet her!" matinis na sabi ni Bench na two years old pa lang nung umalis si Kayela.

Hindi nila pinansin ang tanong ng daddy nila at nagsimula nang kumain.

"Ate, paki-akyat naman ho si Kayela nang makasabay sa amin." Matapos utusan si ate Sally, siya naman ang hinarap ng daddy niya. "May kailangan akong ayusin sa farm, your tita needs me there so I would appreciate kung wala akong maririnig na kung anong kalokohan mo dito habang wala ako."

"Whatever" sagot niya na lang.

"Jett, she's not fine, yet. So stop pulling those silly games and for once-"

“What's with the lecture, dad? Wala pa nga akong ginagawa” sabi

“You should know it the most, Jett. She's still hurting. So do me this favor.”

"Too long" sabat niya pa rin sa daddy niya.

"Jett-" Magpapatuloy pa sana ang lecture ng daddy niya kung hindi lang sumisigaw na bumaba si ate Sally mula sa second floor.

"Kuya! Kuya!"

"Ate, ano ba ‘yon, kumalma ho kayo. Anong problema?" mahinahong tanong ng daddy kay ate Sally.

"Eh kuya, si mam po kasi. Ang init- ang init-init, inaapoy ata sa lagnat."

Agad pinatawagan ng daddy niya si Doc. Peralta, ang kanilang family doctor, saka inakyat si Kayela sa kuwarto niya. Saglit din siyang sumilip at nakita si Kayela kahit paano. She's too pale. Weird, just yesterday she's full of energy to fight him.

Nagsimula namang pumasok ang kung ano-ano sa isip niya. When he went back to the dining area, Bench and Guess were still talking about her. Tanong kasi nang tanong si Bench tungkol kay Kayela. Nagpunta na lang siya sa sala at nanood ng NBA. Pag-alis ni Doc, pinatawag na naman siya ng daddy niya sa office nito.

"What again?" bungad niya.

"Hindi ko alam kung anong nangyari nung nag-usap kayo kagabi. Sabi ni James, it's just a fever and she'll be fine. It's nothing big-"

"Then what's with the fuss?”

“Nilalagnat daw siya mula pa kagabi. For whatever reason, nadulas daw siya at nalaglag sa pool," madiin ang pagkakasabi ng daddy niya. "Jethro, I am too busy for these tricks you're playing! You know what, you should be the one to take care of her. While we're not around, make sure she takes her medicines. Remember, December break ngayon, our helpers are not around. Even si ate Sally, may emergency. Sasabay lang siya sa akin, kaya nandito pa siya. Malaki na kayo, Jett. Act your age, okay?”

Gustuhin man niyang umangal ay inalisan na siya ng daddy niya. Samantalang siya nga dapat ang mag-walkout, naunahan lang siya. Mag-tatay nga sila.

Napaisip naman siya, Hindi ba siya nag-iisip? Ang lampa niya naman para magkasakit dahil lang kinuha niya ang wallet niya sa pool? Nagsinungaling pa. Nadulas? Gagawa na lang ng istorya 'yung pambata pa. Hindi ko kasalanan kung nagkasakit siya dahil lang doon, kaya bakit ko naman siya aalagaan? So, anong ginagawa ko rito sa harap ng kwarto niya?

I love you but I hate youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon