Limerence: Extra Chapter

28.2K 960 137
                                    

Author's Note: Sinulat ko ito kasi gusto kong makita niyo yung side ni King... Nakailang revision ako sa POV niya dahil gusto kong i-execute ng maayos ang side niya. I hope you can understand him.

Isa pa: Ginawa ko na siyang public para mabasa ng marami. ^^ (Kaso nabura ko yung mga naging messages nung dating nag-comment. *facepalm*)

• • • • • • • • • • • • •

“Alam mo King, para sa isang taong hindi mahilig magsalita, ang galing mo pagdating sa pananakit. Ang talas pala ng dila mo.Salamat sa oras mo. It was a pleasure meeting you.”

Halos isang taon na ang nakalipas noong sinabi niya sa akin ang pinakamasasakit na salitang narinig ko sa buong buhay ko. Looking back, madami akong naging pagkakamali. Alam kong nasaktan ko si Sofia sa mga nabitawan kong mga salita at hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa ginawa ko. I regret everything. Kahit hanggang ngayon iniisip ko kung ano sana ang nangyari sa amin kung hinayaan ko siyang magpaliwanag.

Nalaman ko lang ang totoo nang kinausap ako ni Mama noong binisita siya ni Sofia, araw ng prom. Naalala ko kung paano ako nagmadaling pumunta sa ceremony at hinanap siya sa gitna ng magulong mga estudyante. Sa gitna ng tuxedos and gowns.

Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko. I want her to take me back. Kahit lumuhod pa ako sa harap niya, gagawin ko.

Noong nakita ko si Mama na walang malay noong pagkamalas-malas na araw na ‘yon, itinayo ko agad yung pader na naging comfort zone ko. Isinisi ko kay Sofia ang mga bagay na ako ang may kasalanan. Sa loob loob ko, hindi ko lang talaga kayang sisihin pa ang sarili ko. Sobrang dami na ng mga bagay na nagdulot sa akin ng lungkot at pagsisisi, nadagdagan pa yung sa kondisyon ni Mama… hindi ko na kayang madagdagan pa iyon. I guess naging outlet ko si Sofia sa lahat ng frustration ko. Ibinuhos ko sa kanya lahat ng galit ko at pinagsalitaan ng masasakit na mga salita.

Isa pa, naging uncomfortable ako sa atmosphere na dinala niya. Yung atmosphere na parang gusto ko nang laging sumaya. At kasabay ng pagsaya na iyon ay ang tuluyan kong pagpapaubaya kay Grace at sa naging relationship namin. Oo inaamin ko, hindi ko pa siya gaanong napapakawalan sa puso ko kaya masasabi kong kahit gaanong therapy sessions ang pinagdaanan ko, hindi pa din ako completely healed. Si Sofia, binuksan niya yung possibility na makaramdam uli ako ng saya… at pagmamahal sa ibang tao bukod sa pamilya ko.

Mahal ko siya.

Nakakahiyang aminin na ang tagal kong na-figure out ang isang bagay na dapat ay matagal ng obvious para sa akin.

Mahal ko siya.

Sa tulong ni Venny, nakita ko siya. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya noong sinabi niyang ituturo niya sa akin kung nasaan si Sofia. At napakalaki ng pasasalamat ko sa kanya noong tinawag siya bilang Senior Prom Queen at dinaanan si Sofia.

Pero nawala siya sa paningin ko noong nagsimula na uli yung sayawan. Pinuntahan ko yung lamesa niya pero wala siya doon. Si Dan lang ang nakita ko. Hiningi ko din ang tulong niya. Alam kong siya, bukod kay Inna, ang malapit kay Sofia. Isang matalim na tingin ang binigay niya sa akin bago siya pumayag kasabay ng pagsasabihng, “Isang maling kilos mo lang Rodriguez, humanda ka sa akin.”

Sinasayaw ni Dan si Sofia at nakita ko siyang tumatawa habang nasayaw sa masayang pinapatugtog ng deejay. Inalis ni Dan ang tingin kay Sofia at hinanap ako sa ballroom. Tumango siya sa akin noong nagtama ang tingin ko.

Kinakabahan ako habang lumalapit ako sa kanya. At noong inikot siya ni Dan papunta sa akin, mas lalo akong na-overwhelm sa kanya. Parang ang lakas ng tunog ng paglunok ko. Yung mga palad ko namamawis na sa kaba. Kinakabahan ako sa kanya. That’s new. Hindi ako isang poetic na tao pero nasisisguro ko na makakasulat ako ng isang tula sa itsura pa lang niya.

Limerence: Extra ChapterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon