Chapter 35

19.9K 187 7
                                    

Kung hindi siya faithful sayo, wag ka ring maging faithful, para fair, diba? :D

-kathycarrot26

 Chapter 35

 

 

Scarlet’s POV

Sino bang nagpapadala ng mga to? May mga chocolates kasi sa table ko. Inilagay ko sa basurahan.

“Jewelle?” tawag ko sa secretary ko.

“ Sino na namang nagpadala nito?” tinuro ko yung mga chocolates na nasa basurahan.

Kasi last time, cakes, cupcakes, minsan flowers. Eh nakakainis kasi kung sino man siya lagi niyang nilalagyan ng basura ‘tong office ko -_____-

“Eh mam, kanina pa po yan diyan bago pa ko dumating andiyan na.” laging ganyan sagot ni Jewelle.

“Wala ka na bang ibang kayang sabihin kundi iyan?” sabi ko.

“Eh mam, yun naman po talaga alam ko eh. Yaan niyo bukas aagahan ko pumasok para Makita ko kung sino ang nagbibigay ng mga yan.”

Ang nakalagay lang lagi dun sa mga binibigay letter B, so anong ibig sabihin nun? BOBO?

“Wag na, pupunta na lang ako sa security, may CCTV naman ‘tong office natin eh.”

“Mam! Alam ko na, pumunta na lang kayo sa security may CCTV naman tong office niyo eh.” Ngumiti siya.

“Eh  ginaya mo lang yung sinabi ko eh!”

“Ah ganun po ba? Sorry, lalabas na po ako, tawagin niyo na lang ako if you need something po.”

Lumabas na siya. Hays. Umagang-umaga shushunga-shunga -______-

Naglakad na ko palabas ng office ko, you know, nagiging close kami ni Dilan, pag lunch magkasama kami and minsan naman kumakain kami sa labas. Sinabi ko na sakanyang si Cade ay magiging asawa ko na and mahal na mahal ko si Cade bale magkaibigan lang talaga kami ni Dilan.

Ooohhh Baby... (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon