Isabel

580 12 3
                                    

Isabel by Callalily

Everythings unfair for us
I'm here and you are there
But I can't even see u

Harley's POV

It's been a while since I last hang out with my friends. Masyado akong nag-focus sa pagtatrabaho, or should I say, sa pagpapakalulong sa trabaho. Namiss ko  rin kahit paano ang tropa.  Pero kailangan ko talaga ngayon ng makakausap, pakiramdam ko sasabog ang utak ko dahil sa pagkikita namin ni Krizia. Ang akala ko hindi na darating ang panahon na magkikita kaming muli. Pero eto, wala pang isang taon, pinagtagpo muli kami. Asar lang eh. 

Nakarating na ako sa Java Ave. Ang tagal na rin nang huli akong pumunta dito. Halos wala namang nagbago mas dumami pa nga ang ata ang tao. Pumasok na ako, I have a VIP card here so I don't need to stand in line just to get in. nasa may VIP area tiyak ang tropa. Doon kasi kami madalas tumambay, nakakapag-usap pa rin kasi kami doon. Hindi gaanong maingay at walang mga istorbong babae na basta basta na lang lalapit. 

Tumaas na ako at hinanap sila. Madali naman silang makita. 

"PARE!"bati sa akin ni James, isa sa mga tropa. College pa lang kami, magkakakilala na kami, ang iba high school pa lang tropa na. Pero noong sumali kami ng frat sa College, mas dumami ang tropa. James and I used to be best buddies. pero nagbago ang lahat. 

simpleng tango lang ang sinagot ko sa kanya. Nakipag-handshake ako sa lahat ng brods. Umupo na ako sa vacant seat which happens to be beside James. great! just great Umorder na rin ako ng inumin. I ordered a hard drink. parang gusto kong magpakalasing. pero alam kong hindi pwede, may pasok pa sa office bukas. 

"Pare kamusta ka na?" tanong sa akin ni James. Ito ang ayaw ko sa kanya e, masyadong matanong. 

"Ok lang pare. "maikling sagot ko. 

"that's good. Ngayon ka na lang nagpakita sa amin ah." sabi nito. "buti naman at nakapunta ka ngayon."

"yeah. medyo namiss ko rin ang tropa. " sagot ko. Nang dumating ang order ko, inisang lagok ko ito. Hindi ko mapigilang mapapikit. I miss this. madalas akong mag-inom or should I say magpakalasing simula ng umalis si Krizzia, pero iniwasan ko nang sumama sa barkada. Alam kong magiging pathetic lang ang tingin nila sa akin. Bakit? most of them have a happy ending. Most of them are engaged, some are already married. Ako na lang yata ang hindi pa nakakahanap ng tamang tao. Akala ko kasi siya na e, yun pala hindi pa. 

Nagkakagulo nanaman ang tropa. ang dami nilang pinag uusapan pero ako nakikinig lang. Masaya ako at masaya sila. 

"Buti pinayagan kayo ngayon ng mga kumader nyo." sabi ni Chad, isa sa mga nandito na hindi pa rin nakatali. 

"ganon talaga pare. nagsabi naman kami kaya ok lang"sagot ni Rod, isa sa mga engaged na sa tropa. 

"ay sayang kala ko pa naman may susugod na dito na isa sa mga kumander nyo" natatawang sabi ni Chad. 

"wala no! good boys ata kami. hindi katulad mo. puslit ng puslit." sabi pa ni Chad. 

Nagpaalam muna ako sa kanila, pumunta muna akong CR. Nang makapasok na ako, nandun din si James, may kausap sa phone. 

"Hon naman. di ba sabi ko uuwi naman ako e." sabi ni James. Hindi nito napansin na nasa loob na din ako ng CR.Nakatalikod kasi ito sa may pinto. 

"yeah I understand. Basta ingat lang kayo ah. wala ako diyan." Bilin pa nito." Iyang bestfriend mo, pakalmahin mo."... "ok bye."

Last Lie ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon