Chapter 30: She drives them crazy.

32K 277 36
                                    

Waaaaaaaaaaaaa! Happy 21 000+ views guys! HAHAHA. I'm so happy! xD

Thanks sa lahat ng naghintay, nag vote, comment, fan and add nito sa list nila. Pinipiem ko kayo kaya lang namumurit si watty. duplicate message kahit di naman. HAHAHA. So, thank you sa inyong lahat. :))

enjoy kayo! ;)

**

*Gianna's POV*

Inilapag ko yung mga T-shirts na ginawan ko ng design. Sinong mag-eexpect na nakakapagod pala gumawa ng shirt design? Gumawa pa ako ng design sa computer tapos p-in-rint ko pa sa transfer paper tapos nilipat ko pa sa shirt. Eh ang dami ng ginawa ko. Sumakit pa ata mata ko dahil sobrang tutok sa computer. Sana naman magustuhan nila yung ginawa ko.  May kaugnayan kasi sa kanila eh. Tulad ng kay Nathan, (oo, ginawan ko sya ng regalo kahit badtrip ako sa kanya. Mabait ako eh.) "Breathe if you want a kiss." yung design nung shirt nya. Tapos, yung kay Sam (fave ko to. xD), "3 words, 8 letters. Say it, I'm yours. --'I got food.'" naman. Hehe. Tapos, yung kay Ashley, "I'm beautiful in my own way." na tingin ko naman eh bagay sa kanya. Yung kay Des naman, "No one can predict Destiny." which really fits her. Why? She's so unpredictable. Haha. Sa mag-love birds naman, couple shirt ginawa ko. Yung kay Denice, "He's the man." yung nakalagay tapos yung kay Aaron, "But, she's the boss." naman. Wag na kumontra. Bagay yun sa kanila! Hahahaha.

So, ang kailangan na lang gawin ay maghintay na matuyo talaga yung mga shirts para mailagay ko na sa mga paper bag. Maaga pa naman so I decided to soak myself in my bathtub. Matagal-tagal pa ang midnight. 6 PM palang kaya naman pwede pa ako magrelax. Wala naman akong gagawin kundi kumain mamaya at hintayin si Christmas! Haha. Ay. Pati nga pala si Sammy, hihintayin ko. Pero sabi naman nya kaninang tumawag at nagsorry sya (kasi daw nasira date namin dahil sa mga ex nya. Sweet. Nagsorry pa talaga sya. :>) mga 7PM nalang daw sya dadating. Makikipagchat muna daw sya sa parents nya.

Matagal-tagal din akong nagbabad sa bathtub. Eh kasi naman, ang lamig pag gabi. Warm water pa naman gamit ko so nag-enjoy ako. Hehe.

Pagkatapos ko magbabad at maligo, nagbihis na ako agad. Tapos nilagay ko na rin yung mga shirts sa kanya-kanyang mga paperbag. 7PM darating si Sam eh. So mabibigay ko sa kanya yung gift ng saktong midnight. Eh sina Destiny, Ashley, Denice and Aaron, mamayang past midnight pa yung dating. Kaya di ko agad maibibigay sa kanya. Ay. Yung gift ko nga pala kay lolo. I bought him a colorful necktie. I dunno why but I just think it fits his colorful peronality. Hehe.

Lumabas na ako agad nung tapos ko na ayusin yung mga gifts ko. And, guess what? Paglabas na paglabas ko palang, naamoy ko na agad yung amoy ng mga niluluto ni Manang Lorna. Hindi ko alam kung ano niluluto nya pero ang bango ng amoy! Ginugutom na ako agad! Hahaha. Tapos maririnig mo rin yung mga Christmas carol na pinapatugtog sa DVD namin. Christmas na christmas talaga! Ang lamig pa naman. Hahaha. Dumiretso ako sa veranda kung saan nakita ko si lolo na pinapanuod yung iba't ibang kulay ng mga christmas lights na pinapalibutan yung mga halaman at puno ng garden namin. Kahit nakita ko na to dati pa, feeling ko mas maganda sila ngayon. Kasi nakikisabay yung christmas carols, yung amoy ng mga nilulutong pagkain at lamig ng hangin. It's great. :)

Shut Up and Marry Me! (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon