Chapter 3- Ekis ka...ekis

7.6K 220 5
                                    

Merjie's POV

Bakit? Bakit natalo na naman ang Ginebra? Talo na nga Ateneo eh...pati Ginebra talo...
Natatanaw ko pa si Tonton at ang mga kunehong Beerman.

"Uy, nakasimangot ko... pangit mo sa stage." Puna ni Tuts.
"Talo Ginebra." Sagot ko.
Tumawa ito at binigyan ako ng maligamgam na tubig.
"Magpalit ka na kasi ng team." Sulsol nito. Natawa pati si Pedz, bassist namin at si Migs yung key board namin.
"Tigilan nyo ako." Sagot ko sa kanila.

Hanga lang ako sa mga kasama ko. Kahit puno ng tattoo sa katawan hindi sila nagyoyosi. Umiinom oo, pero hindi naninigarilyo.

"Meron pa tayong 3 set ng kanta...Sana Malaki ang tip ngayon. Meron akong bibiling bass." Simula ni Pedz. Addict sa bass guitar ang loko...Hindi nakakaipon. Akala mo shop na ng bass ang bahay niya.

"Aanhin mo naman yang bass na yan? Kakabili mo lang dong." Tanong ko.
"Kaya hindi ako nag-syota eh dahil ganyang matanong." Pedz replied to me.

I rolled my eyes.
Hindi kaya sila nanghihinayang sa mga kinikita nila. Ang ipon ko, nilalagay ko sa investment. Natuto ako sa mga members ng club... Makinig ka lang sa usapan nila, may mapupulot ka... Sabi nga nung Neil, magandang investment ang paupahan sa University Belt. Lumilipad na naman ang isip ko kung magkano ang kailangan kong bayaran sa isang lingo... Kung anong raket pa ang kailangan kong gawin para mapagkasya ang gastusin.

Natanaw ko si Yumi na papasok...Ayus, nandito na ang sagot sa tanong ko.

"Uy Yumi... bakit parang pagoda ka girl? Beer gusto mo?" tanong ko sa kanya ng makalapit siya sa table namin na nasa gilid ng stage.
Umiling siya at umupo sa tabi ko. Naka-slack ito, white na long sleeve na blouse, suot ang salamin na tumatakip sa mukha niya. Ang buhok ay nakapusod na naman sa bumbunan.
Maganda siya eh, mahaba ang pilik mata. Mapula ang labi kahit walang lipstick. Pati pisngi kulay pink. Kaso manang si girl.

"Ok ba kayo sa biglaang gig? Pwede ba kayo bukas?" tanong nito. Halatang pagod na at stress.
"Minsan nakakatampo ka eh. Panakip butas mo kami kapag wala ka ng makuha eh." Biro ko dito.
Namula ang mukha nito at yumuko.
"Pasensya na. Requested kasi nung bride na yung kaibigan nya yung tutugtog, eh kaso hindi makakauwi galing Qatar. Kanina ko lang nalaman. Please help me Merjie."pagsusumamo nito.
"Wala akong practice Yumi. Pambihira ka." Sagot ko.
"Dagdagan ko na lang.. Sige na...please... Tuts...Pedz...Migs... please help me...." Naiiyak iyak na paki-usap nito.
"Magkano dagdag?" Tanong ni Pedz.
Tinitigan ko ito ng masama.
"Nagtatanong lang... kailangan kong pandagdag eh." Sagot nito.
"25%."sagot ni Yumi.
"Doble." Sagot ni Pedz.
"50%... yan lang budget ko." Yumi said in resignation.
"Okay na Yumi. Bigay mona yung list of songs mo. Anong oras ba ang kasal?" tanong ko.
"10am... sa garden lang naman."Yumi replied.
"So wala kaming chance magpractice? Teka, tawagin ko si Baste, para makausap mona din." I volunteered. Lumapit ako sa table kung nasaan si Baste.
Nataas ang kilay ko ng makita kung sino ang kakwentuhan niya.

Kilala ko si Ton-ton Bernales. Ok naman kami.. Civil lang. Ang hindi ko inaasahang makita ay si Redgie Rivero. Ang numero unong mayabang sa loob ng court.

"Excuse me... Baste, pwedeng makausap ka lang saglit ng grupo. Nandoon kasi si Yumi." Tinuro ko ang table namin using my thumb.
"Ay Merj, kateam ko..." pakilala ni Ton-ton sa mga kateam niya.
Tinaas ko ang kanang kamay ko para batiin sila at tumango ako.
"Pahiram muna kay Baste ha." Tumayos si Baste at sumunod sa akin pabalik sa table.

Pero bago ako makaalis sa table ng mga player nadinig ko si Rivero... dinig na dinig ko...
"Kang kong..." napasinghap ang mga kasama nito.
Tumingi ko ako sa kanya...mata sa mata at tinaas ang middle finger ko.

Naningkit ang mata nito at nagtawanan ang mga kasama.
Ngumisi ako bago bumalik sa table namin.
Ekis ka Redgie Rivero. Markado ka ng pula sa akin.

Last Song (Grace Series Book 1)- CompletedWhere stories live. Discover now