1] The Deal (Kathryn's POV)

80.1K 518 38
                                    

Author's Note or A/N: This is my first ever FanFic story here in wattpad...

Just an FYI, I'm not a KathNiel fanatic po. Nacucutan lang ako kay Kathryn, pero hindi ko kilala si Daniel. Not until I discovered Wattpad. Pasensya na, hindi ako madalas manood ng TV. Hehe... :D

At dahil nga sa trending ngayon ang KathNiel story, 'eto at gumawa rin ako... Hope you'll like it... :))

Please comment and vote kung feeling nyo maganda yung story... ^_^

 

- Sarrah ♥

 

>>>♥<<<

THE MANHATER VS. THE WOMANIZER

written by Sarrah Armenta A.K.A sjmcarmenta

Copyright ©

All Rights Reserved 2012

>>>♥<<<


1


Kathryn's POV    

"Waaaaahhhhhh!!!" bigla akong nagsisigaw pagtingin ko sa wall clock ng kwarto ko. Kagigising ko lang.

"O bakit anak?! Anong nangyari?!" dali-dali namang pumasok si Mama sa kwarto. Malamang narinig yung sigaw ko.

"Ma naman, bakit hindi nyo po ako ginising?!"


"Eh bakit? Alas sais pa lang naman ah?"


"Huh?! Eh bakit 7:30 na po sa orasan?" nagtataka ko namang tanong.  

"Hay naku anak, nakalimutan mo na ba? Sira yang wall clock mo. Hindi ko pa napapalitan yung battery."


"Ai oo nga po pala... Hehe... Sorry naman..."


"Hay naku. Ikaw talagang bata ka. Pinapakaba mo ako. Akala ko kung ano na nangyari sa'yo. O sige na, mag-prepare ka na habang nagluluto ako ng almusal." At pagkatapos ay lumabas na sya ng kwarto ko. 

Nag-inat muna ako ng kaunti bago tuluyang tumayo at pumunta sa banyo para maligo.

January 2 ngayon at first day ng klase, kaya naman binilisan ko ang pagpe-prepare para makapasok din ako ng maaga. Naalala ko tuloy yung kanina. Para akong tanga. Hahaha... Nagulat tuloy si Mama...  

Eh bakit? Kasalanan ko bang makalimutan na sira yung wall clock sa kwarto ko? Hindi naman, diba? Diba? Diba???

The Man Hater vs. The WomanizerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon