Chapter 12: Suffer or Decipher

20 3 0
                                    

Unting unti kong imunulat ang aking mga mata. Habang binubuka ko ay naaalala ko ang lahat ng nangyari. Fuck. Siya rin ba ang kumidnap kay Anthony. I was so scared on the situation.

"We-wendy? Gising ka na ba?" Naaninag ko ang isang lalaki ng nakatali sa katabing posteng pinagtatalian ko. Naiyak ako ng narinig ko ang boses nito.

"Anthony! Ayos ka lang ba? I am so worried about you." I told him. I want to get closer to him. I want to make sure we will get through this. Walang mamamatay.

"Wendy, Calm down." sabi sakin ni Anthony. Sinubukan pa nitong ngumiti para mapagaan ang aking damdamin. "Please save yourself. And get out of here as much as possible."

"P-paano ka Anthony? Hindi kita pwedeng iwan dito." I won't leave here kung hindi siya kasama. Why does this need to happen ngayon at sa pinakaimportante araw naming dalawa.

"Basta tumakas ka na habang kaya mo--" napatigil siya ng pagsasalita ng biglang pumasok ang isang lalaki. Naka black coat ito at nakasalamin. Dahil sa layo nito, hindi ko maaninag ang mukha nito.

"What do we have here? Tapos na ba ang date niyo?" tumawa ito ng napakalakas. Pero hindi ito ang panahon para matakot ako.

"Hayop ka! Sino ka ha? Bakit kami nandito?!" Sumigaw ako ng napakalakas at nagbabakasakaling may makakarinig sakin sa labas.

"Let's just say," lumapit ito sakin at hinawakan niya ang baba ko. "We have a big surprise for you," ngumiti pa ito sakin. Dahil sa kapal ng sunglasses nito, ay hindi ko parin makilala kung sino ang nagsasalita.

Pumalakpak ito ng tatlong beses at may mga lalaking pumasok sa kwarto. Siguro sila ang mga ibang kasama para makidnap si Anthony. Mga hayop sila.

"Let's give Wendy her surprise already," tumango naman yung mga lalaki. Ang sunod ko ng nakita ay kinalas nila ang tali ni Anthony. Habang si Anthony naman ay sumisigaw sa takot. I want to help him. I want to help him. I WANT TO HELP HIM!

Pero wala rin akong magawa para matulungan siya. Wala akong nagawa kundi sumigaw. How can they do this to us? Ano bang ginawa naming mali?

Kinaladkad nila si Anthony papalabas ng kwarto habang nagpupumiglas.

"So tell me Wendy, Ano ba sayo si Anthony?" sabi niya habang nakatayo parin sa harapan ko.

"Please wag mo siyang saktan please, please, please." pagmamakaawa ko. Pride doesn't matter here. It's Anthony's life ang nakataya dito.

Narinig ko ang bawat pagsigaw ni Anthony sa likod ng pinto. Rinig na rinig ko rin ang bawat pagpalo sa kanya ng latigo.

"Tapos na ba yan?" tanong ng lalaki sa kasamahan nito.

"Yes sir." sagot nila. Mga hayop sila! Anong ginawa nila? Patay na ba si Anthony?

Unti unti akong nanlambot ng hindi ko na narinig ang sigaw ni Anthony. Nanginginig ang buong katawan ko. Mas lalo akong kinalibutan ng biglang bumukas ang pintuan.

"Happy anniversary to us~ Happy anniversary to us~ Happy anniversary~ Happy anniversary~ Happy aniversary to us." Narinig ko ang tinig ni Anthony habang may hawak na cake. Naghahallucinate na ba ako? Ito na ba ang kaluluwa ni Anthony?

"A-anthony?" Ibinaba nito ang cake at hinawakan ang aking mukha. Sa haplos nito ay nabawasan ang takot ko sa mga nangyayari.

"Wendy, tumayo ka na dyan." nakangiti pa nitong sabi. Tinulungan pa niya akong tumayo ng ayos. At hanggang ngayon ay nararamdaman ko ang panginginig ng binti ko.

"A-anong ibig sabihin nito?" May kutob na ako.

"Happy anniversary Wendy!" Pagkatapos niya itong sabihin. Hindi ko napigilan ang mga kamay ko na sampalin siya.

The First Case: SapphireWhere stories live. Discover now