chapter thirty two

1.6K 78 50
                                    

Maymay's Point Of View


FALLING

" Edward .. M-mahal kita .. " Bulong ko habang nakayuko

" W-what? " Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. Lumipat ang tingin ko kay Heaven na nasa tabi niya " Look I dont even know you " dahil sa sinabi niyang yun, Nag awtomatikong pumatak na naman ang luha ko

" Mahal kita.  " Ulit ko dito . Bahala na kung magalit sa akin si Heaven ang mahalaga masabi ko na sa kanya yung gusto kong sabihin

Nakakunot ang noo ni Edward habang nakatingin sa akin " Babe.. Tara na. Nababaliw lang yan " Ani Heaven kaya tiningnan ko siya ng Masama

" Tumigil ka sa Ilusyon mo . Ako ang Mahal ni Edward. Get Lost! " Sigaw niya sabay hila kay Edward. Si Edward naman nagpatianod lang kay Heaven..

Hinabol ko sila at humawak sa kamay ni Edward pero agad din niya itong kinuha .. Ganto ba talaga siya kapag nakalimot? Kahit yung Puso niya di na gumagana ng maayos?

" Dont touch me. " Napaatras ako ng bahagya ng sabihin niya iyon at tingnan ako ng masama . Si Heaven naman nakangiti lang sa nakikita niyang nangyayari sa amin ni Edward

" Please Edward. Si Maymay to. Mahal moko diba? Mahal din Kita .. " Halos lumuhod na ako sa pagmamakaawa sa kanya pero di padin sapat iyon dahil sumunod padin siya kay Heaven habang ako eto hinayaan niya lang na nakaupo sa sahig.

Tiningnan ko sila habang patawid sa kalsada .. Hindi ako papayag na makalimutan mo ako Edward .. Halos wala nang nag sisink in sa Utak ko.. Ang sakit sakit na ng mga nangyari . 

Diko namamalayan na habang tinitingnan ko sila nakatayo na pala ako at paunti unting naglalakad sa Kalsada..

Nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy padin ang pag iyak ko ..





*BEEEEEEEEEEP*

Isang malakas na busina ang narinig kong paparating kaya napatingin siya saakin. Nginitian ko siya at kumaway ..

Pagtapos nun. Naramdaman ko nalang na nasa sahig ako.. May mga tao sa paligid ko.. Ang Bigat bigat ng pakiramdam ko.. Ganto ba talaga kasakit ang mag mahal?

" Te may ? Te may? " Rinig kong tawag sa akin ni Rita

Diko na kaya.   Inaantok na ako


" Te may! gising!!! " Napadilat ako dahil sa malakas na Boses ni Rita habang inaalog pa ako.

Napatingin ako sa kanilang lahat na parang nag aalala sa akin. Napahawak ako sa mga mata ko.. Bakit basa?

Tiningnan ko yung paligid ko.. Andito pa kami sa Kotse.. Hindi totoo yun! Panaginip lang lahat!

Dahil sa takot at saya na naramdaman ko, Napayakap ako kay Rita . Naramdaman ko din na nakayakap na sa akin sila Fen at Bayb habang hawak naman ni Kisses ang Kamay ko

" A-akala ko totoo na .. " Aniko habang umiiyak

nagkalasan sila para tingnan ako. " Alam mo ba na sobra kaming nag alala dahil umiiyak ka habang natutulog? Akala tuloy namin na binabangungot ka " Pag aalala ni Bayb

" Napanaginipan ko si Edward.. " Wala sa katinuan kong sabi . Nakatulala lang ako habang iniisip ang masamang panaginip na iyon

Naramdaman ko naman ung higpit ng hawak sa akin ni Kisses " Te may .. " Banggit niya sa pangalan ko

" Okay lang kung di mo ikukwento sa amin.. " Ani Fenech

" Nakalimutan daw niya ako.. sumama daw siya kay Heaven.. Ang sakit lang.. Sobrang sakit na kung kelan mahal mo na siya.. Siya naman itong lalayo " Kwento ko habang sumisinghot singhot pa dahil sa sipon ko

Somebody To You √Where stories live. Discover now