Sir....

651 38 20
                                    

Like.You.Love.You

Yvan Marcus PoV

Nagulat ako sa biglang sinabi ni Denis. Hindi na niya ako tinawag na Sir at ang lakas ng loob niyang sabihin sa harap ng maraming tao yung ginawa ko sa kanya sa resort at sa loob ng sasakyan ko.

Ganito ba talaga itong taong ito kapag nakakainom?

Sige! Ikaw ang naghamon sakin kaya huwag kang magrereklamo sa pipiliin ko Denis Lindsey!

"Lindsey! Tigil na!" Narinig kong saway ulit nung tinatawag nilang Koy. Hindi naman ako manhid para hindi mapansin yung kakaibang pakikitungo at tono ng pananalita nung Koy na iyon kay Denis.

"Astig ni Denis oh!" Komento ni Lorenze.

Dinampot ko ang inilapag na baso ni Denis at mabilis kong ininom iyon. Matapos kong ilapag ang baso ay bigla akong tumayo at inilapit ko ang mukha kay Denis hanggang sa maglapat ang aming mga labi.

"Whoooohhhh...." narinig ko mula sa mga kasama ko.

Shit! Ang lambot ng labi niya. Hindi ko alam kung ilang segundo tumagal ang pagkakalapat ng labi ko sa kanya dahil sa kakaibang pakiramdam ko.

Napatulala siya sakin nung maghiwalay ang labi namin.

Teka.. ano ba sasabihin ko?
Dapat hindi maging awkward.

"Satisfied? Kaya tama na ang inom" sabi ko sabay balik ko sa upuan.

Napansin ko ang mga mata ni Pj na nanlilisik. Nakatitig siya sakin. Bakas sa mukha niya ang galit na nararamdaman dahil sa ginawa kong paghalik sa boyfriend niya. Kay Denis.

Yung Tito naman ni Denis ay napatahimik at seryosong nakatingin lang kay Denis.

"Bhe san ka pupunta!!?" Tanong ni Danica nung biglang tumayo si Pj at alam kong sinadya niyang sagiin ang lamesa para maiparamdam ang galit sakin. Wala kaming narinig na sagot mula kay Pj.

"Hayaan mo na yun. Baka dala lang ng alak. Iba rin kasi ang tama ng lambanog" segunda naman ni Mike kay Danica nung aktong tatayo ito.

"Ikaw Yvan ha! Ayos ang ginawa mo! Kinikilig tuloy ako" ngiting sabi sakin ni Danica.

"Yvan shot mo na oh" sabay abot ni Lorenze ng baso.

Si Denis naman ay tahimik nalang na nakaupo sa tabi. Nahulasan na ata ng tama ng alak dahil sa ginawa ko sa kanya.

"Oh bakit natahimik ka Denis? Diba pinapili mo kanina si Yvan?" Pang-aasar ni Lorenze.

"Pasensya na.. excuse punta muna akong CR" mahinahong sagot niya at kaagad tumayo at naglakad papalayo.

Sabay sabay napatingin sa kanya ang mga kasama namin. Napansin ko nga rin ang makahulugang tingin ni Mike sa kanya.

"Excuse.. sundan ko lang si Denis. Baka hindi na kaya ang tama ng alak" sabi ko sa kanila at sumunod na agad ako.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa harapan ng bahay. Doon ko kasing nakitang dumaan si Denis.

"Nananadya ka ba talaga Lindsey! Diba sinabi ko naman sayo na ayokong magkakalapit kayo ni Yvan! Tapos ganun pa ginawa mo!" Narinig kong malakas na sigaw ni Pj.

Wala akong naririnig na kahit na anong sagot muka kay Denis. Siguro nagsisisi siya sa nangyari. Pero ako wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko. May parte nga sa katawan ko na nagsasabing gusto ko pang maulit yung nangyari saming dalawa.

"Lindsey ayokong bigyan mo ng pagkakataon si Yvan para lalo kang magustuhan. Sakin ka Lindsey. Akin ka" narinig ko nanaman kay Pj.

Tanginang lalake to ah! Wala siyang pakialam kung gusto ko si Denis. Lakas ng loob ng lalakeng itong angkinin si Denia samantalang siya may karelasyong iba! Siraulo tong lalakeng ito! Bahagya akong sumili sa kanilang dalawa.

"Lindsey mahal kita. Natural magselos ako. Natural magalit ako. Kung pwede nga lang na huwag na tayong bumalik sa Cavite at dito nalang tayong dalawa eh" narinig kong sabi niya habang nakayapos kay Denis. Napansin ko ang pagpupunas ni Denis ng pisngi niya. Naiyak siya.

Iniharap ni Pj ang mukha ni Denis sa mukha niya.

"Lindsey.. alam ko mahirap itong sitwasyon natin.. pero promise magiging maayos rin tayo.." bahagya siyang tumigil sa pagsasalita at pinagdikit niya ang noo nilang dalawa.

"Makikipaghiwalay na ako kay Danica.." dugtong niya.

Umawang ng kaunti si Denis. Siya naman ngayon ang humawak sa mukha ni Pj.

"Powell wag.. wag na natin dagdagan pa ang maling ginagawa natin.." mahinahong sabi ni Denis.

"Please.. ayos na yung ganito.. saka hindi naman tayo nakakasigurado kung  tayo tal-"

"Lindsey mahal kita.. mahal na mahal kita..." putol ni Pj.

Niyapos siya ni Denis.

"Ayoko ng maulit yung nangyari kanina ha.. umiwas ka na kay Yvan" -Pj

"Powell.. Gusto kong maging honest sayo.. pero huwag kang magagalit ha.." sabi ni Denis. Mukha ngang may tama ng alak. Iba kasi yung tono ng pananalita niya.

"Ano yun?"

"Gusto ko si Sir Yvan..." biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung marinig ko iyon mula sa kanya. Pakiramdam ko ay gusto kong tumakbo papalapit sa kanya at halikan ulit siya.

"Lind-"

"Oooops! Wag magalet. Gusto lang naman.. saka ikaw nga may Danica eh.. saka mawawala din to. Nandiyan ka naman ee" makulit na pigil ni Denis sa dapat na sasabihin ni Pj.

Tangina! Ano ba tong nararamdaman ko. Nawala bigla ang tama ng alak sakin.

"Mahal mo ako?" Tanong ni Pj.

Tanginang lalake to ah!

"Syempre naman..." malambing na sagot ni Denis.

"Kung mahal mo ako.. tara sa loob na tayo.. nasa labas naman lahat sila..." mapang-akit na yaya ni Pj kay Denis.

Tangina talaga tong lalakeng to ah! Mukhang hindi ko yata gusto ang gusto nitong gawin kay Denis!

Kusang kumilos ang katawan ko ay naglakad ako papalapit sa kanilang dalawa.

"Sir?" Gulat na bungad ni Denis.

"Lets go back.. kanina pa kayo hinahanap don" diretsong sabi ko sa kanilang dalawa.

"Nananadya ka talaga Yvan noh!? Hindi kami babalik don! Saka pwede ba dapat alam mo kung hanggang san ka lulugar alam mo naman na ma-"

"Pre kanina ka pa hinahanap ni Danica. Bumalik ka na don. Baka makita pa kayong magkasama dito" biglang sulpot ni Mike sa likuran namin.

"Lindsey sumunod ka na agad sakin" bilin ni Pj habang nakatitig sakin.

Kinuha ko ang kamay ni Denis at sinabay ko na siya sa paglalakad pabalik. Sa loob dumaan sila Pj at dito naman kami sa labas dumaan ni Denis.

Tahimik lang si Denis habang naglalakad kaming dalawa.

"Sir pasensya na nga po pala sa nangyari kanina.. dala lang po ng alak" seryosong sabi niya sakin.

"Hindi yun dala ng alak Denis. Ginawa mo yun kasi may nararamdaman ka na sakin. Pareho tayo ng nararamdaman" serayosong sagot ko rin sa kanya at tumigil ako sa paglalakad at humarap ako sa kanya.

"I like you Denis.. and I'm starting to love you.." -Ako

"Sir.."

Hinawakan kong muli ang magkabila niyang pisngi at muli kong inilapat ang labi ko sa napakalambot niyang labi.

Author: Salamat po sa nagbabasa nito :)

Pengeng comments and votes :)

Right Love, Wrong Time - Right Time, Wrong LoveWhere stories live. Discover now