Chapter 3-- Stalker ko?!Sino?!

248 4 0
                                    

(Kylie's POV)

Kakagaling lang namin sa restaurant na pinag-apply-an namin ni Kath and siyempre natanggap kami. Ako as a singer and Kath as a waitress. Bukas kami mag-uumpisa. Pauwi na kami ngayon ng biglang--

*BLAAAAG!*

May maingay na nagmula sa likuran ko, parang may natumba or something. Then nakita ko si Kath na natumbahan ng isang babaeng sa tingin ko ay high schooler din dahil sa petite frame niya.

"Ouch! Who the hell are you?Dahan-dahan nga --"  si Kath.

Napansin ko na familiar yung babae, in fact kamukha nga siya ng cousin ko na si-

"PEARL?!" Sigaw namin ni Kath.

"Err- aheheh. Hehehe. Ate Kylie ,ate Kathyreen kase ano.ahehehe."

"Pearl bakit ka nandito? Diba may summer class-" ako

"WAAAAAAHH!! PEEAAARRRL TAKBOOO!"

Napalingon na lang ako at hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil sa mga sigaw na 'yon.

At nakita ko ang mga kaibigan ko na kasama ko sa dorm. Silang tatlo ay tumatakbo papalapit sa 'min.

"TUMAKBO NA KAYONG LAHAT! BILIS!!!" sigaw ni Louisse sa amin

Naguguluhan pa rin ako sa nangyayari pero nahablot na kami ng tatlong babaita kaya napatakbo na lang kami. Napadpad naman kami sa isang bistro ata 'to.

"Teka a-ano ba ang nangyayari?!" sabi ko habang hinihingal pa. JUSKO!! Mga 'to nandadamay.

"Naku Grasha si Pea- MMM!MMM!" tinakpan ni Pearl ang bibig ni Cristalle. Aba't involved pala 'tong si Pearl ha! Ma-interrogate nga mamaya 'to sa dorm.

"Wag kayo makinig kay Talle. Err-kasi may. . . ma-may. . ." Pearl is stammering.

Aba't nag-iisip ng sasabihin ang loka. Ano kaya ang kalokohang ginawa nito?

"May humahabol samin na-- MMMM!MMMMMM!!!" Napabitaw si Pearl kay Cristalle at tinakpan ang bibig ni Mikay.

"Teka nga ano ba talaga?!" Sumabog na si miss KatKat Pikon.

"Hinahabol kami nung mga lalaki na stalkers ni Pearl!!!" Nagsalita na si Cristalle.

"Yown! Sakto!! At hindi lang basta stalkers ha! Yung iba ex-boyfie pa ni Pearl." Louisse

"Aba Pearl Celestin what are they talking about?!" sabi ko, 'coz ang alam ko e hindi marunong manlalaki itong si Pearl.

"Ate let me explain ganito kasi--" Naputol yung sinasabi ni Pearl kasi may biglang nagsalita galing sa may likuran namin.

"Pearl!!" sabi nung lalaki na siguro isa sa mga stalkers ni Pearl. Pero bakit kung mag-salita siya parang close sila? "Pearl, please ipakilala mo ko sa kanya!" Sino naman kaya ang gustong makilala ng lalaking ito?Eto namang si Pearl hindi umiimik.

"Pearl please pakilala mo na ko kay Miss Kylie Grace."

"Pwede ba Jec?! Wag mo na siya i-stalk!!" BOOM! Sumigaw si Pearl

Holo?! Ako?! Grabe naman sa pagka formal nito at may 'Miss' pa talaga ha? Buti hindi pa ko lumilingon.

Lilingon na sana ako para tanungin kung sino siya pero may tumawag sa akin. "Kylie? Diba bukas pa kayo magsisimula?"

I'm In Love With Mr. Imperfect?!Where stories live. Discover now