Never Love Her Again

250 15 35
                                    

Ang hirap minsang isipin na ang taong minahal mo noon ay hinding-hindi na babalik sayo kailan man.

Minsan, inuusig ako ng nakaraan.

Bumabalik sa aking isipan ang bawat oras na kami ay magkasama.

Pinipilit ko siyang kalimutan at sa bawat pagtibok ng puso ko ay may pangungulilang nadarama.

Mahirap minsang kalimutan ang inyong pinagsamahan.

 Ang bawat tawanan, ang bawat biruan at bawat tampuhan na inyong pinagdaanan.

Pero iniisip ko na hindi na dapat kami magsasama kailanman dahil buong mundo na ang humusga sa aming relasyon at siya'y bumitaw na sa pangakong aming ginawa.

Mga pangakong ginawa upang pagsasama namin ay lumago at umusbong.

Mga pangakong sinabing tutuparin ngunit tinangay na ng hangin.

Binitawan na niya ang lahat ng aming mga pangarap, ang bawat pangako at bawat samahan na aming pinagsamahan.

Sumamana sa iba't , kinalimutan na akong lubos.

Ngunit hindi ko siya sinisisi o hinuhusgaan.

Ako'y masaya na dahil alam kong siya ay masaya.

Panahon na rin siguro upang siya ay aking kalimutan na rin.

Burain sa aking isipan at ibaon na siya sa limot.

Magbagong buhay at humanap ng bagong daan upang ako'y sumaya.

Ang lahat ng nangyari sa amin ay pawang mga pagsubok lamang.

Sinubok nito ang pagiging matatag ko't nagsilbing aral sa akin.

Kaya aking naisip na sa bawat taong dumarating sa ating buhay, may sari-sarili silang parte upang baguhin ang iyong buhay.

Minahal ko siya noon,  at dapat ko na siyang kalimutan ngayon.. (TO INFINITY AND BEYOND)

by: JIGSAW_26

Never Love Her AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon