Chapter 29

74.1K 993 828
                                    

Chapter 29

Pagkasakay namin ng bus..alam kong pinag-uusapan na kaming dalawa..actually patunay nun ang barkada nina Mia..ang sasama tumingin sa akin,,

"siguradong nagpapaawa lang yan para mapansin" bungad nya
"oo nga.. since kasi na iniwan na xa ni Aidan..kay Yueh naman xa umeepal"
"malandi"

hindi ko na dapat xa papansinin kaso..itong kasama ko..mukhang hindi yata trip na tumahimik..nilapitan nya sina Mia..

"Alam nyo..kung wala kayong sasabihing maganda..tumahimik na lang kayo..kasi nakikita yang mga tinga sa ngipin nyo" tapos hinila na nya ako..

pagkalingon ko..josku..mga naglabasan ang salamin at tinitingnan nga kung may tinga..iiwww

Pagka-upo namin..

"Ayos ah..ganda ng banat mo" sabi ko sa kanya
"nakakapikon na kasi"
"sus..wag ka nga..pabayaan mo ang mga yun.." tapos ibibigay ko yung jacket nya..pero umiling xa
"sayo muna..gamitin mo"
"hindi ka nilalamig?"
"hindi.."

Tapos noon..tumulala na ako sa labas..ayaw ko ng makarinig pa ng music.. mahapdi sa puso.. siguro sa pagod ng mga mata ko..hindi ko na namalayan na nakatulog na ako..

Aidan's POV (A/N: ang hinihintay ng lahat!hahaha)

"Ikaw..Aidan?" tanong nya sa akin
"sige..dito na lang ako" nasabi ko na lang

Tiningnan ko lang xa kasama si Yueh habang pababa na ng bus.. napansin ko na tiningnan ako ng masama ng pinsan ko..pero hindi ko na pinatulan..

Si Yueh? Hindi kami close nyan..pinsan ko xa sa mother side ko..pinsan din nya ako sa mother side nya..nung mga bata pa lang kami lagi na lang kami nag-aaway.. halos parehas kasi kami ng hilig..the same color, same toys, pati favorite instrument which is the piano parehas kami.. kaya lagi kami nag-aagawan..may competition.. matindi ang galit nyan sa akin kasi itinuturing syang black sheep ng pamilya namin..samantala ako.. galing sa kanya ako daw yung 'napakagaling' nyang pinsan..pero simula ng bumalik xa galing sa Japan..naging iba na xa..nabalitaan ko na namatay ang girlfriend nya nung anniversary nila.. kaya alam ko kung bakit naging mas malamig sa lahat.. tapos nahilig xa sa mga anime..na hate na hate ko naman..lahat ng ayaw ko..gusto nya..lahat ng ayaw ng tito ko (na father nya)..ginagawa nya.. He hates me because the attention I got, while I hate him because he had the freedom that I don't have.. masaya xa kasi nagagawa nya ang gusto nya..sa palagay ko lang..kahit na sabihin na namatayan xa..at least, hindi xa katulad ko na parang ibong naka-hawla..

Pero yun lang ba talaga ang gusto ko mula sa kanya?

"Friends??"

ngumiti ako.. siguro namiss ko lang talaga xa

"friends" naglakad na ako paalis
"Kwago!"
"ANO NA-"
"Pwede bang hayaan mo ako na umiyak?"
"ba-" ano daw? Umiyak???
"para kapag nakita kita ulit..naiiyak ko ng lahat..ayos na ako"

natigilan ako..nag-isip.."sige.." ngumiti ulit ako at umalis na

Nakasalubong ko si Yueh..alam kong pupuntahan nya si Iexsha..dadamayan..

Kung magagawa ko lang sana yun..

Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko..hinayaan ko lang xang umiyak kanina.. kaya hindi ako makatingin..alam ko..pinaiyak ko na naman xa..sinaktan.. kaso wala ako magawa.. hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko sa kanya..

Buti na lang at walang tao ngayon..pumikit ako.. naramdaman ko na lang na nakatulog na ako..

"alam mo ba kung gaano kita kamahal???" medyo nagulat ako sa sinabi nya..

O_O

O_O

MAHAL NYA AKO????

'oo..nagmamanhid-manhidan ka lang kaya akala mo hindi mo alam' sabi ng konsensya ko

Naglakad xa papunta sa dagat at sinundan ko xa.. gusto ko marinig pa ang mga gusto nyang sabihin

"Pinigilan ko ang sarili ko..na mahalin ka" hindi ko alam kung paano ako mag-rereact sa mga sinasabi nya..ewan ko..kaya tiningnan ko na lang xa"mayabang..akala mo kung sino..pilosopo..matigas ang ulo..pakialamero. yun ka..pero bakit minahal pa rin kita??" lumapit na ako..

"Hindi ko alam..hindi ko alam kung anong meron ka..at kahit alam kong palabas lang ang lahat.na xa ang mahal mo..minahal pa rin kita"

"ie-"

"sandali..ako muna..gusto ko ilabas ang lahat ng ito..Hindi mo ba alam na nung gabi na natapos ang kasunduan natin..dun ko lang nalaman na mahal kita? Weird.." pinunasan ko ang luha ko ng kamay ko "sabi ko..hindi na ako iiyak sa harapan mo..leche talaga.. bumalik tayo.. nung sinabi mo may surprise ka..akala ko..sasabihin mo na rin sa akin na mahal mo ako..kaso..tanga ako para mag-assume..injerness na-surprise ako sa nakita ko..pero alam mo ba..nung Makita ko na nakaluhod xa..akala ko..wala ka ng gagawin..kaso ng niyakap mo xa at..at.." "at..hinalikan.." "ang sakit..ang sakit-sakit..parang nadurog ito..sampung beses ang sakit higit kay Rye..hindi mo ba alam kung gaano kasakit sa akin nung sinabi mo na masaya ka at kayo na ulit?hindi-"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.. bawat salita nya..tumatagos sa puso ko..lalo ako nalilito sa nararamdamn ko sa kanya.. niyakap ko xa..

"I'm sorry"

"kaso..kailangan kita palayain" narinig kong sabi nya.."masaya ka sa kanya..at dun lang kita nakitang ganung kasaya.." ngayon ko lang naramdaman na may nagmamahal sa akin ng ganun..

nilayo nya ang mukha nya sa akin.. nagulat xa..hindi ko alam kung bakit..tapos nilagay nya ang mga kamay nya sa magkabilang-pisngi ko..at

pinahid ang mga luhang hindi ko alam na nandoon..

"wag mong sayangin ang mga luha mo sa akin" ngumiti xa..

bakit? Bakit kailangan pa nyang ngumiti??? Mas nahihirapan ako dahil doon..

"kahit masakit sa akin..mas gusto ko na Makita kitang masaya..kasi sa totoo lang..mas masakit sa akin..na hindi kita kayang pasayahin ng ganun"

"..mas masakit sa akin..na hindi kita kayang pasayahin ng ganun"
"isunusuko na kita..."

Nagising ako sa panaginip ko na iyon ang huli nyang sinabi.. oo..panaginip.. panaginip lang..pinakalma ko ang sarili ko..

Pero bakit..bumabalik na naman ang sakit?

Sakit?

Meron??

Kinapa ko ang sarili ko..

Bakit??

Bakit ako nasasaktan??

Napatingin ako sa kabilang side ng upuan ko..nakita ko ang babaeng laman ng panaginip ko kanina at ang pinsan ko..parehas silang tulog.. si Iexsha? Nakahilig xa sa balikat ni yueh..suot nya ang jacket ng pinsan ko..si Yueh? Nakahilig din sa ulo ni iexsha.. magandang tingnan..

Maganda nga ba??

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spaces To Fill Book 1: Recuperation (COMPLETE)Where stories live. Discover now