Chapter 18

5.3K 128 1
                                    

Chapter 18

Bumaba ako na ako..wala na si toot..buti naman.. Nakita ko si matandang babae (oops..di ko po alam ang itatawag sa kanya)

"aalis na po ako" sabi ko

"Naku!Iha..hindi ka pwedeng umuwi.."

"po?"

"tingnan mo ang sarili mo..puro ka sugat..para kang ni-rape ng apat na lasing"

Aray ko naman si manang..

At dun ko lang napansin ang mga sugat ko

"wala po ito..malayo sa bituka"

"ay hindi..linisin natin yan..tingnan mo pati damit mo..puro dugo na"

O_O

OO NGA!!!

"wow..para akong natagusan sa harapan!" narinig kong tumawa yung matanda

Sumunod ako sa kanya..dinala nya ako sa may kusina..

Ooohlala!!

PURO LAFANG!!!

Bawat cabinet PUNONG-PUNO ng PAGKAIN!!!(bakit kasi salamin ang unahan ng mga yan!Asar)

Napaupo na lang ako habang hinihintay yung matanda..lumabas eh..kukuha siguro ng first-aid kit..

Ilang saglit pa..dumating yung matanda..dala ang first-aid kit.. At t-shirt..

"Ito ang damit..kay sir yueh ito..siguro naman kasya ito sayo..hindi kasi pwede ang akin" napangiti ako..

Nilapag nya yung itim na tshirt sa lamesa at umupo xa sa unahan ko.. Nilinis nya ang mga sugat ko..injerness..mahapdi xa..pero kinaya ko pa rin.. Ako pa!!

Ilang minuto pa..puro band-aid na ang buong braso ko..naku..patay ako sa bahay nito..

"anong sasabihin ng mga magulang mo pag nakita ka nilang ganyan?" nag-aalalang sabi ng matanda

"Manang-"

"Cely"

"Manang Cely..sasabihin ko na lang po na hinabol ako ng aso..tapos ginamit ko p \o lahat ng adrenaline ko kaya napaakyat ako ng puno kaso..dahil nga po sa..you know..bumigay po yung puno..ayan nga ho..nagkasugat sugat po ako!"

"Naku..iha..wag mong sasabihin yan!" tumatawa nyang sabi

"sus..ako na po ang bahala dun!"

Tapos narealize ko na hindi ko pa pala nasasabi ang pangalan ko..how rude naman of me!

"Sorry po..ngangayon ko lang po naalalang magpakilala..ako po nga pala si Iexsha.."

"ahh..yisha?" naku po..

"Iexsha po"

"ano?" sabi ko na eh.. Napabuntong hininga na lang ako

"Kylie na lang po" iww..napakapambabae naman nun

"ahh..Kylie..napakaganda namang pangalan"

"salamat po"

"sandali po..san po ako pwedeng magpalit?"

"ay dun sa banyo" tinuro nya yung isang pintuan.. Kinuha ko yung damit at dumerecho sa banyo..

Pagdating ko sa banyo..what can I expect? Bongga pa rin yung banyo..hehe

Tapos binuklat ko yung damit..

O_O

O_O

OMG!!

T-SHIRT NA MAY MUKHA NI TOSHIROU!!

TAKTE!!!!!!!!

PWEDENG AKIN NA LANG ITO???

AARBORIN KO ITO!!!!

Inalis ko na yung damit ko..na super dami ngang dugo..tiningnan ko naman ang sarili ko..okey..walang galos..sa braso lang talaga..sinuot ko na yung damit (infairness luwag pa xa sa akin!At ang bango!!!!) Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin..josku.. Bongga din pala ang buhok ko..buti na lang at hindi ko pa rin pala naaalis ang body bag ko (talaga naman!) At nagsuklay at pulbo na rin ako..

Lumabas na ako ng banyo.. Nakita kong nagluluto na si Manang Cely..

"Aalis na po ako.." sabi ko

"naku..magtanghalian ka na dito!"

"wag na ho..nakakahiya"

"naku..wag ka ng mahiya..ako na lang din naman ang kakain.. Si sir Aidan naman ay umalis na..mamaya pa siguro ang gising ni sir Yueh"

"pero-"

"please?"

"sige po" ngumiti xa "tulungan ko na po kayo"

"wag na..patapos na rin naman ako atsaka alam kong masakit pa yang mga sugat mo"

Ilang minuto pa natapos na sa pagluluto si manang cely.. Nag-insist ako na tutulong sa pag-aayos ng mesa pero umayaw na naman xa..kaya ayan..kumakain na lang ako ng hamonado (sarap!) Bonggang-bongga naman ang lafang ko..hehe

"Manang Cely?"

"ano yun?"

"pangalawang beses ko na po kasi pumunta dito..sabi po ni Yueh dati sila lang po ni..err..pinsan nya dito at wala po silang katulong"

"ahh..si sir talaga..katulong ako ng pamilya nila..dun sa isa nilang bahay.. Tuwing weekend lang ako nandito..nililinis ko lang ang bahay kapag andito ako at kinukuha ko na rin ang mga maduduming damit..dati si sir Aidan lang ang nandito..buti nga dumating na si Sir Yueh..kaso hindi masyadong nag-uusap ang mag-pinsan"

"ah" yun lang ang nasabi ko..wala eh..walang lumabas

Umiinom ako ng juice ng..

"ano bang relasyon mo kay sir Yueh?Nililigawan ka ba nya?"

Natalakan naman ako dun..

"hoh?"

"nililigawan ka ba ni sir yueh?"

"HINDI HO!"

"o sige..e ano kayo?" intrigerang matanda ito!

"magkaibigan lang po kami..andito po ako kasi may project po kaming gagawin" paliwanag ko

"ah..may kaibigan pala si sir..simula kasi ng mawala si ma'am reina-"

Yun..narinig ko na naman..

"sino po ba si Rei-"

"Manang"

Parehas kaming napalingon ni manang sa may pintuan

"Sir Yueh" napatayo si Manang Cely

Tiningnan ako ni Yueh

"Anong ginagawa mo dito?"

Spaces To Fill Book 1: Recuperation (COMPLETE)Where stories live. Discover now