Kabanata XIV.

580 8 0
                                    

Kabanata XIV.

Clarice POV

Tulad nga ng sabi ni Inchan nandito kami sa lamay ni Eliza...

"Ok lang ba?" tanong ko sakanya

baka magalit kasi ang pamilya ni Eliza,

"tara?" mugto pa rin ang mga mata niya,

Hinawakan niya ang mga kamay ko.

Pumasok na kami sa loob at nakita ako ng mga magulang ni Eliza

"Ang kapal din naman pala ng muka mo?" sigaw niya sa'kin

"Umalis ka rito! wala kang karapatang makita si Eliza!!"

bulyaw nila sakin.

Napa yuko na lang ako sa sobrang hiya maraming tao sa loob ng chapel,

"Ano?! pagtatawanan mo ang anak ko na namatay dahil sayo?"

"h-hindi po... s-sorry po" lumuhod ako sa harapan ng mga magulang ni eliza

"Tumayo ka!!..HALIKA RITO!"

hinawakan ako ng nanay ni eliza at kinaladkad ako papunta sa kabaong ni eliza

"Tita tama na po"

"Anong tama na? kakampihan mo pa tong babaeng to?"

pumapalag ako habang hawak niya ang mga kamay ko.

Hinila na niya ko papunta sa tapat ng kabaong ni Eliza

"NGAYON TIGNAN MO ANG ANAK KO!!"

halos ingudngod na niya ko sa salamin ng kabaong ni Eliza

"s-sorry po ..pasensya n-a po"

"ABO PANG MAGAGAWA NIYAN? MABUBUHAY BA NIYANG ANG ANAK KO?!!"

"sorry po... sorry eliza" niyakap ko ang kabaong ni Eliza

at sa isang saglit..

nakita kong..

dumilat ang mga mata ni eliza

"AAAAAAAAHHHH!!"

"CLARICE?!!" sigaw ni Inchan sakin

natumba ako sa sahig sa sobrang takot

"B-bakit?!!" tanong sakin ng nanay ni Eliza

"s-si e-eliza po"

Nag kagulo sila at nag sipuntahan sa kabaong ni Eliza

Biglang may humawak sakin para makatayo ako...

"s-salama--"

naputol ang sasabihin ko ng makita ko ang bride na duguan hawak ang mga balikat ko.

Maraming tao sa Paligid namin pero para bang hindi nila kami nakikita,

"Maghintay ka..papatayin kita"

"AAAAAAAAHHH!!"

halos mapatingin silang lahat sakin sa sobrang lakas ng sigaw ko

"clarice?" tanong sakin ni inchan

"Bukas kailangan na nating maka usap si eliza"

=====================================================

Hello itsmeKJ

RinigWhere stories live. Discover now