6YHP 5

32 0 0
                                    

         The mansion

     Katherine POV

Naalimpungatan ako ng may tumapik saakin .

"Bunso,were here!" Rinig Kong sabi ni ate

Kinusot kusot ko pa ang mata ko bago bumaba tapos tumambad saakin ang isang lugar na maganda ang laki ng bahay no Mali ata ang pagkakasabi ko mansyon pala ang ganda may fountain pa ng angel sa gitna wow just wow .

"Halina  kayo para makapasok na tayo" daddy said

"Dad,is this yours?" Tanong ko

"Probably yes" sagot ni daddy

"Manang melva " tawag ni mommy sa isang katulong pero imbis isa  lang ang lumabas halos lumabas lahat pati guard,body guard, and drivers.luminya sila na parang nagbibigay ng daan saamin  huling lumabas ang matandang babae na 50s or 60s ang edad siya yata ang mayodroma kasi iba sa lahat ang uniform niya .

"Hello manang melva !" Bati ni ate sa kanya 

"Magandang umaga po manang melva!" Bati ko naman
Tinignan nya ako na parang sinusuri tapos parang may napagtanto siya at biglang lumaki ang mata

"K.Katherine" sabi ni manang na parang hindi  pakapaniwala sa nakita tapos humakbang siya para mayakap ako .

"Gising kana ?" Tanong niya saakin pero binalingan niya si daddy

"Yes,manang melva supresa namin" nakangiting sabi ni daddy .

"Buti  naman nagising kana apo akala ko talaga..." May sasabihin pa sana si manang ng biglang sumingit si daddy

"Oh sya sya kumain muna po tayo manang yung  high blood nyo" natatawang sabi ni daddy

"Mabuti pa nga" sabi ni manang melva

Habang kumakain napansin ko na bakit ang dami atang katulong sa bahay guard pati driver eh dalawa lang naman ang kotse na nandito most probably lahat nasa  manila kasi doon  talaga nakatira sila mommy..

"Kung nagtataka kung bakit maraming katulong sa bahay tinulungan yan ni daddy ng walang kapalit pero ayaw nila tutulong na lang daw  sila sa bahay kaya hayun pinayagan nalang  ni dad alam  mo naman!" Sabi ni ate sa tabi ko

"Pati guard and drivers?" Tanong ko

"Yes" sabi niya bago binalingan ulit ang pagkain.

Ahh kaya pala ang bait talaga ni daddy..

Pagkatapos kumain napagpasyahan Kong pumunta sa kwarto,napansin ko na maraming paintings na nakatabit pati vase .

sa kalagitnaan ng paglalakad ko nakalimutan ko kung nasaan ako o yung kwarto Hindi ko din alam pero may narinig akong nagsasalita kaya sinundan ko ang boses  .

"Happy birthday Mildred " sabi ng kasambahay sa isa  siguro yung  babae ang Mildred ,binigyan nya ng regaro ang Mildred

"Thank you janise pero wag mong sabihin Kay sir huh?baka mamigay pa yun  nakakahiya naman " sabi nya na nakangiti

"Ammp excuse me!" Singit ko sa usapan

"Ohh ma'am Katherine ano po yun?"tanong nya

" wag na ang ma'am,Katherine nalang  .alam  nyo ba kung saan ang kwarto ko?"tanong ko na nakangiti nung una natulala pa sila .

"Excuse me?" Bakit tulala sila

"Ahh o.opo Alam ko po" sabi ni Mildred

"Never mined the po nagmumuka akong matanda" sabi ko dito

"Ahh sige dito " sabi nya kumaway lang ako Kay janise bago ko sinundan si Mildred

Huminto sya sa puting  pinto

"Dito ang kwarto ninyo miss Katherine " sabi nya binuksan ko ang pinto tumanbad saakin ang malinis na kwarto sky blue ang color puti at malinis ang kama at may sariling banyo and mini ref

"Pupunta na ako miss Katherine" paalam ni Mildred

"Ahh wait" pigil ko sabay abot  ng isang paper bag na may lamang  dress

"Ah!ano po yan miss Katherine?" tanong

"Dress yan narinig ko kasing birthday mo so ayan sayo na and by the way happy birthday" bati ko sakanya

"Hindi ko po yan matatanggap miss Katherine" sabi nya bakit ayaw nyang tanggapin?

"Sige ka pag hindi  mo to tinanggap sasabihin ko kay daddy na birthday mo" blackmail ko sakanya

Kaya ayun ang ending tinanggap nya ...haha

6Years had pastWhere stories live. Discover now