LITP Part2:Handkerchief

207 4 0
                                    

The next day umalis ako ng bahay at pumunta sa park para mapag isa..Hanggang ngayon..hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kagabi..kaya ako pumunta ng park para makapag isip...at makapag move on na lang..

The usual thing I do pag down ako is look at the sky and reminisce different memories..Which is what I'm doing right now..Just letting my bad decisions sink in to me..

Hindi ko parin maiwasan medyo maluha sa mga memories na alam ko naman ay past na..and it will never happen the same way ever again..pero minsan,masarap balik balikan ang nakaraan mas lalo na kung ito ang pinaghuhugutan mo ng lakas..

Pero..lahat naman tayo may feelings,maliban na lang kung manhid ka.Kahit sabihin natin na masaya ang past mo,hindi mo parin makakalimutan ang mga masakit na moments..moments na..iniiba ang mga pananaw mo sa buhay over time..

Habang ako'y nagiisip sa sarili..hindi ko na namalayan ang tuluyang pag agos ng mga luha ko papunta sa mga pisngi ko.

Binuksan ko ang bag ko at nakita ang handkerchief na binigay sakin ni Ricci.

Gagamitin ko na sanang pamunas sa mga luha ko ang handkerchief nang may tumabi sakin at kinausap ako.

"Ms...okay ka lang?" Tanong niya sakin.

"Ah..eh..oo.." Sabi ko naman sakanya habang umiiwas ng eye contact para hindi niya makita ang mga mata ko na kasalukuyan ay namamaga kakaiyak.

"Ms,alam kong umiiyak ka" Sabi niya saakin.

"Sorry kung naistorbo kita pero hindi ko lang maiwasang hindi tumingin sayo lalo na't alam kong may pinagdadaanan ka" Sabi niya muli saakin.

"Sorry..may..naalala lang kasi ako..." Sabi ko sakanya na medyo paos ang boses.

"Ano? Heartbreak?" Tanong niya sakin.Hindi naman ako nagsalita at tumango nalang sakanya.

"Lahat naman yata tayo napagdaanan na yan" Sabi niya sakin at ako naman ipinangpamunas ang handkerchief ni Ricci.

"Alam mo Ms,mas lalong hindi ka makakapag move on kung mga gamit ng ex mo ginagamit mo" Sabi niya.Pano naman niya nalaman na kay Ricci to?

"Pano mo nalaman?" Tanong ko sakanya.

"Ayan o" Sabi niya sakin sabay turo sa embroidered na pangalan ni Ricci sa handkerchief.

"Uhm..tutal wala naman tayong kasama..would you care to join me?" Tanong niya sakin.Pumayag naman ako.

Bumili kami ng ice cream at nakaupo sa malawak na field ng park at nagkekwentuhan.

"Oo nga pala,hindi ko natanong pangalan mo kanina" Sabi ko sakanya.

"Kim.Kim Fajardo.And you are..?" Tanong niya rin sakin.

"Cyd.Cyd Demicillo" Sabi ko sakanya.

"Are you here most of the time?" Tanong ko sakanya.

"No not really..but I come here for the same reason you are right now.An escape from reality and heartbreak.Just going back to past memories..you know..away from responsibilities and worries.Until I saw you and I wanted to meet someone who share the same thing I do." Sabi niya sakin habang nakatingin sa langit.

Inabot kami ng gabi sa kwentuhan at feeling ko magiging matalik kaming magkaibigan ni Kim.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at bumalik na rin ako sa bahay.Habang nagdadrive,may narealize ako.

"Omg nakalimutan kong kunin number niya!" Sabi ko sa sarili ko.

"Pano ko tuloy siya makakausap pa!" Sabi ko sa sarili ko.

Nakarating na ko sa bahay at sa sobrang pagod hindi na ko nakaligo pa at dumirecho na sa kama para makatulog.

Lost In The PastWhere stories live. Discover now