Kabanata VIII

1 0 0
                                    

A/N: Sa wakas! Natapos na rin ang first day nila sa Ganymede's Villa. Haha. Please vote and be a fan!!! ^_^v



***



Kinabukasan ay nagtipon-tipon kami sa tapat ng Head Office. 5 am pa ngayon at sobrang aga pa. Well, mas mabuti na yung maaga.



"Ready na ba ang lahat?" Tanong ni Sir Kiel. Tumango naman kaming lahat. Lahat rin kami ay may dalang maleta.



"Hindi ako pwedeng sumama sa inyo dahil walang mamamahala ng Mishanbe Office. Tutal galing naman sa mundo ng mga ordinaryong tao sina Z at Field ay sila na ang bahala sa inyo. Good luck guys." Sabi pa ni Sir Kiel. Patay kami nito.



"Tandaan ninyo na bawal may makakita na ginagamit ninyo ang Power Abilities ninyo maliwanag?" Tumango na lang ulit kami.



"Gosh! Parang ayaw ko kayong isabak sa misyon na yun!" Sabi ni Sir habang nakayuko.



"Okay lang 'yan Sir Kiel! Besides, kasama naman namin sina Z at Field diba? We trust them." Sabi naman ni Aya. Ugh! Sana maglaho ako mamaya.



"Oh siya. Wag kayong masyadong maging ignorante hah?" Paalala ulit ni Sir Kiel. Tumango ulit kami.



"Don't worry Sir. Hindi naman siguro kami ma-iignorante sa mga things, gadgets, and stuffs nila doon. Mas advance pa nga ata yung mga  gadgets natin eh! Siguro, maninibago lang kami sa place tsaka sa mga pagkain dun." Sabi naman ni Gidget.



"Oh sige na. Ayoko namang mag-teleport kayo papunta dun dahil hindi naman alam ni Herix kung saan yung exact place na pupuntahan ninyo. Ipapagamit sa inyo ni Sir Lothar yung personal car niya na ginagamit niya kapag lumalabas siya ng villa. Field, marunong ka bang mag-drive?" Napatingin naman kami kay Fierce.



"Ako?" Tanong ni Fierce sabay turo sa sarili niya.



"May iba pa bang Field dito?" Pangbabara ni Aya.



"Opo. Marunong po ako." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Seryoso? Marunong siyang mag-drive?



"Sige. Eto ang susi." Sabay hagis niya kay Fierce nung susi.



"Tutal alam mo na naman ang pasikot-sikot sa mundo ng mga ordinaryong tao ay ikaw na ang bahala okay?" Patay si Fierce nito!



"Saan po pala kami pupunta na exact place?" Tanong ni Fierce.



"Sa Manila. Alam mo na siguro yun." Nag-nod naman si Fierce.



'Nababaliw ka na ba? Hoy! Ano ba ang iniisip mo hah! Tsaka alam mo ba talaga kung nasaan yung lugar na Manila?'

Tanong ko kay Fierce. Paano naman niya malalaman kung nasaan yung lugar na yun?



'Remember, 26 years old na 'ko sa panahon na pinanggalingan ko. Hindi ko pa pala nasasabi sayo na nakapunta na 'ko sa iba't ibang lugar.'

Sabi naman ni Fierce. Seryoso? Ba't hindi niya sinabi sa akin na nakarating na pala siya sa mundo ng mga ordinaryong tao? Halos mamatay tuloy ako kanina kakaisip sa kung ano ang mga pwedeng mangyari!



'Sorry.'

Nag-smile na lang ako.



"Lumabas na kayo ng compound. Nasa labas yung personal car ni Sir Lothar." Pumunta naman kami sa compound at sinabi na  nila yung magic word. Pagkalabas namin ay may van na nakaparada sa labas. Seryoso sila? Van yung personal car ni Mr. President?


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Conflagration: War of the Dead WorldsWhere stories live. Discover now