Dalag Story (Short Story)

128 3 2
                                    

[A/n: Hohoho. Ngayon ko lang napag isipan na ipost ko yung dalag story. ^^ totoong nangyari to. haha. Nung bata pa kami. Enjoy =)) Kahit share lang po :) ]

Dalag Story

May mga magkakaibigan. Dalawang lalaki; Si Reagan at Ace. At tatlong babae; Si Alison, Sienna at Rei. Si Reagan at Rei magkapatid maski si Alison at Ace. Si Sienna naman, pinsan ni Alison at Ace.

Isang araw, umulan ng malakas na malakas. Yung mga dalag sa parang field na nagiging pond pag bumabagyo, lumabas sa lupa! Halla! Di, jokes. Haha. Pero naglabasan talaga yung mga dalag. ^^

Siyempre, di pinayagan maglaro sila Reagan, Rei, Alison, Ace, at Sienna kasi sabi ng parents nila, di daw maganda yung ulan ngayon. 

So, the next day. Lumabas yung barkada. Nagyaya si Ace na maglaro dun sa may parang field na nagiging pond pag bumabagyo. Pero, hindi siya naging pond, sinipsip kaagad nung lupa yung tubig ulan kasi tuyong tuyo yung lupa. Yung feeling na uhaw na uhaw ka tapos nakainom ka ng tubig? Ganun. Kaya yung field, nagmistulang palayan! Putik putik. Tapos si Ace, napaslide dun sa field! Wooo! Galing! Palakpakan. 

Pumunta si Reagan kay Ace at tutulungan niya sanang tumayo si Ace, pero napaslide rin si Reagan!

Nagtawanan sila Sienna, Alison at Rei nung nakatayo na si Reagan at Ace kasi mukha silang nakatae! Tapos si Sienna, nakakita ng dalag: UYY!! DALAG OH!!

Tapos nagkaidea si Reagan: Manghuli tayo ng dalag!

Sumang-ayon naman si Rei, Ace, at Alison: Sige ba!!

Edi yun, naghuli huli sila ng dalag hanggat nag mistulang batang yagit sila. 

Naglalakad si Rei at Alison nung nashoot yung paa ni Alison sa parang quick sand na ewan! 

Natanggal ni Alison yung paa niya, pero yung Spongebob niya na tsinelas naiwan dun sa parang quick sand na ewan.

Sabi ni Rei: Alison, tara, ipahukay natin kay Ace yung tsinelas mo, dun muna tayo sa bahay, baka makatapak ka ng bubog.

Nag oo si Alison: Sige. Sana mahukay ni Ace yung tsinelas ko.

Pumunta si Alison at Rei dun sa bahay nila Rei, habang si Ace, naghuhukay dun sa quicksand na ewan na parang aso. Yung parang Scooby Doo siya.

Tapos si Reagan at Sienna, nakahanap ng malaking dalag dun sa isang butas na puno ng putik.

HULIIN NATIN! Sigaw ni Reagan.

Sige! Sabi ni Sienna.

Maya maya. Sa bahay nila Rei at Reagan.

Ate, di ko nahanap yun tsinelas mo. Sabi ni Ace kay Alison.

Sabi ni Alison: Ay, okay lang un.

Sabi ni Reagan kay Rei: Ading, kuha lang ako tubig. Ace, tulungan mo ako.

Umo-oo si Ace at sinamahan si Reagan sa loob.

Biglang kinilig si Sienna. Napatingin si Rei at Alison sakanya. 

Kiti-kiti Sabi ni Rei.

Kinikilig ako! Sabi ni Sienna.

Bakit naman? Tanong ni Alison.

Kasi nga, ganito.. Edi kwinento ni Sienna.

Umalis daw sila Rei at Alison. Malayo daw si Ace sakanila ni Reagan. Tapos, yun, hinuhuli nila yung dalag na malaki. Tapos, maya maya, sabi ni Sienna at Reagan ng sabay: Nakuha ko na yung dalag! 

Inangat nila yung kamya nila at....

Yung kamay niya nahawakan ko!! Yung kamay niya!! Nagholding hands kami!! Kilig na kilig na sinabi ni Sienna.

Yie! Crush niya si Reagan! Sabi ni Rei at Alison.

Dumating sila Reagan at Ace. Uminom sila ng tubig at naguwian na.

The following day, ilang beses ng inulit ni Sienna ang pagkwento sa holding hands nila ni Reagan. Siyempre, wala sila Reagan at Ace nung nagkwekwento siya.

At hanggang ngayon, laging niloloko nila Rei at Alison si Sienna ng Prinsesa Dalag.

~~~

A/n: Hindi na close sila Reagan at Ace kila Rei, Alison at Sienna. Wala na yung barkada :( Si Reagan magcocollege na. Si Ace, Grade 6 sa susunod na school year. Si Rei incoming fourth year.  Si Sienna incoming 3rd year at si Alison incoming 2nd year. Si Rei, Sienna at Alison magka age lang. Haha ;)) ]

Dalag Story (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon