First Love

805 11 19
                                    

Alam mo yung feeling na kung sino pa ang hindi napasayo ni minsan, sya pa yung minahal mo?

That's what my story was all about. Tignan kung may makakarelate. Haha

Eto kasi

Nung highschool ako, binalak ko talaga magmadre. Promise. Hahaha.

Ayoko kasi nun ligawan, magkaboyfriend, mag-asawa. Hahah

Simple lang ako with eyeglasses pa haha. Malabo kasi mata ko.

Mabilis lang ang 1st year, nagsimulang umikot ang buhay ko nung 2nd year..

Syempre first day, ang  adviser magseset ng seating arragement.

Nasa "P" kasi surname ko, asa naman sa harap ako diba?Haha

"Ms., dito ka sa harapan, kasi malabo mata mo." -adviser

Eh ang napaglipatan ko, dala-dalawang seats lang kada-row. Hindi ko pa kilala katabi ko, kasi galing syang ibang section. Nalipat sya sa amin kasi star section kami. (Di naman ako matalino)

Ah, Ross pala pangalan nya. Noon lang kami nagkakilala, kasi transfery ako. Ansaya nya katabi, kulitan, Tumagal tagal, lalo ko pa sya nakilala. Nakilala ko din sya sa pagiging "rocker" mahilig sya sa ganun eh. Eh ang mga tugtugan ko pa nun, westlife. Hahah.

Ewan ko ba pero, alam mo ba yung feeling na.. Pag gusto mo isang tao, magiging interesado kadin sa mga bagay na interesado sya? Yung lahat ng bagay na gusto nya, gusto mo na din.

Dun ako nahilig sa mga \m/ haha ewan ko ba. Dun ko lang naramdaman yung ganun.

Bakit nga ba ganun?Ano meron? Hindi ko maintindihan eh.

Basta alam ko, lagi akong gumigising na nakangiti, kasi iniisip ko makakatabi ko nanaman sya

Lagi kaming magkasama sa classroom

Lagi na kaming nagkakatext, sinusubuan pa nga nya ako ng fudgee bar dati sa pinto eh pag breaktime. Haha

Lagi pa kami magka-friendster noon, haha. Minsan nagbukas ako.

"Ang ganda ng mga mata mo."

-Ehhhh? Haahahaha

Dun na kami simula natutukso sa classroom.

Syempre, tuwang tuwa ako. kilig na kilig.

Naalala ko pa nung may pa-concert ang school namin, Parokya ni Edgar.

Lahat kami bumili ticket

Pagkauwi ko, may nagtext, "Sabay tayo manood?"

Syempre, tuwang tuwa ako, pero nireplyan ko "Magkakasabay naman talaga tayo kasi sa school yun eh. Syempre section natin magkakasama."

Nagreply sya "Hindi, yung hiwalay sa kanila."

Sheeeettt ramdam na ramdam ko ang butterfies sa stomach ko. Hahaha

Sabi pa nya "Ihahatid kita pauwi ha"

Kaso hindi natuloy eh, kasi takot ako sa tatay kong sinundo ako. (sayang!)

Pero saya, malapit naman sya sakin nun, nagkakakkulitan padin kami.

Andami ko naalala no?3rd year college na ako ngayon, it's been 4 years.

Pero ang maliligayang araw, natatapos yan.

Tapos na ang sophomore life, pero may nalaman ako.

Ang gusto pala nya, kaklase ko. :'( Aray lang?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First LoveWhere stories live. Discover now