Chapter 13

5.2K 110 10
                                    

Dj's POV


Nandito ako ngayon sa airport. Nag hihintay ng flight ko to Cebu. 

Mag isa lang ako ngaun. Mabuti na yun. Gusto ko din naman mapag isa eh. Para naman ma-start ko ng ang pag hanap sa sarili ko. Ayoko na munang isipin si Kath. For now, wala munang babae sa buhay ko kundi ang aking mga pinsan at lola. Yun na lang muna.

"DJ?!"

Tinanggal ko ung shades ko. Nakita ko isang babae.

Diba kakasabi ko lang na wala munang babae sa buhay ko? I need space to think.

"Zharm?" oo si zharm ung nakita ko. Tadhana nga naman oh.

"Dj! Ikaw nga! Kamusta?" Sabi ni Zharm.

Si Zharm nga pala. Ex ko. Matagal na yun. Pero somehow, hindi pa din ata sya nakaka move on. 

Ata lang ah. Ayokong mag assume. Hindi ko na ramdam ung spark eh. 

"Ayus lang. Ikaw ba?" Kahit na hindi ako mejo ok ngaun dahil litong lito ako, yun na lang sinabi ko.

"Im great! Im actually going to boracay. Ikaw? Anong ginagawa mo dito mag isa?" Tanong ni Zharm.

"Ahh bibisita lang ako sa lolo at lola ko." sabi ko.

"Eh diba sa Cebu yun? Anong oras flight mo?" Tanong ni Zharm.

"Yeah. Uh 3pm. Ikaw?" sabi ko.

"3pm din! Naku same flight ata tayo ah!" Naku po. I guess fail ung alone time ko.

"Siguro nga." sabi ko.

"Oh anyways, ill go ahead na. I have to go with my family na eh. Nice seeing you. See you around." Sabi ni Zharm.

Okay now to continue with my alone time..

Sana naman maka pag relax ako nito. Ayoko talaga mag isip ng anything related dito sa manila. 

Whatever it is, it stays in Manila. 

*

I reached Cebu and immediately, dumeretso muna ako sa isang place na I know super peaceful. Hanggang ngaun kasi Manila Bound pa din utak ko.

Nandito ako ngaun sa toktok ng isang hill malapit kila lola. Tahimik kasi dito eh. Tska kitang kita mo ung ganda ng Cebu. Malinis at sarap ng simoy ng hangin.

Para nga akong tanga eh. Kinakausap ko sarili ko dito. Pero ayus lang. Kasi sinumpa ko lang naman sa sarili ko, na simula sa araw na toh, pag hindi ko mahanap ang sarili ko, inlove ako. At yun ay kay Kathryn Bernardo.

Maganda naman si Kath. Sarap asarin. Tamang trip lang pero kakaiba sya eh. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito para sa isang babae.

Kath's POV

I heard kahapon from one of the varsity player na si Albie daw muna ang captain ng basketball team dahil wala si Daniel.

San naman kaya pupunta yun? Abnormal din yun eh! 2 weeks na lang bakasyon na tas inunahan nya pa. MADAYA! 

PSSSSHHH!

"Bes, huy!" Si Julia lang pala.

"Oh Julz baket?" sabi ko.

"Samahan mo naman ako afterschool oh. may kailangan lang akong bilhin. Sige na please :) Treat kita ng merienda." Sabi ni Julia.

Napag isip muna ako. Syempre inisip ko muna kung may homework na kailangan tapusin.

"Hmmm sige! Pero hatid mo ako please. Tinatamad akong mag commute eh." Totoo naman eh. Di ako sanay pati. Nasanay na akong hinahatid eh.

"YAAY! Thank you! Sige ba! Meet you sa gate afterschool." Sabi ni Julia. "Oo nga pala, kasama si Diego." 

WHAT?! SO CHAPERON AKO MAMAYA?!

I gave Julia "THE LOOK"

"Ano ka ba naman! Wala yun! Same group kasi kami remember?! Ikaw talaga!" Sabi ni Julia.

Pero naka sense ako ng something.

*

Afterschool, dumiretso kami ni Julia ng mall.

Susunod daw si Diego.

SUUUUUUS. 

Dumiretso kami sa book store. 

Konti lang naman kailangan ni Julia eh. Nag tataka lang ako kung bakit kailangan kasama pa ako.

"Bes.." Simula ni Julia.

"Hmm?" sabi ko.

"Anong tingin mo..." KAY ANO?! yun ung nasa isip ko kaya napatingin ako sakanya and gave her the "OMG TELL ME" look.

"Anong tingin mo dito sa stationary? Maganda ba pang design sa banner?" PHEEEW. Akala ko naman kung ano.

"Ahh oo! Bagay yan!" Yun na lang sinabi ko kahit di ko type. Alam ko kasi na kahit sabihin ko na panget, yun pa din bibilhin ni Julia.

"Hello guys! Sorry late! Na traffic ako eh." Si Diego na parang hinihingal.Na traffic ka ba or nakipag racing? Grabe kasi eh. Pagod?

Ito namang si Julia, dumating si Diego, deadma na sakin. 

Pero kinausap nya ulet ako nung kakain na kami.

Nag hanap na kami ni Diego ng seat while Julia was ordering.

Habang hinihintay namin si Julia, nag open si Diego ng topic.

"Uhh so Kath, Kamusta naman araw mo?" Na- aawkwardan siguro si Diego.

"Okay lang. Sayo ba?" sabi ko.

"Ayus lang din. Musta na kau ni Dj?" Bakit mo tinanong yan?

"Huh? Ok lang naman. Bat mo naman natanong?" Sabi ko.

Biglang dumating si Julia.

"Serious ng usapan natin ah! Anong meron?" Julia.

"Ah wala, Kain na tayo. Gutom na ako eh." Diego.

Ang weird. Na curious tuloy ako.

Baket parang worried si Diego na ewan?

_______________________________________________________

A/N: HELLO GUYS! sorry tagal ng update and short lang. walang llumalabas na twist sa utak ko atm eh! feel free to suggest na lang okaaaay? :)

THANK YOU!

Hello new fans <3

Follow me on twitter my lovely & awesome readers :)

@imninapadilla <3

COMMENT, VOTE & BECOME A FAN IF YOU HAVENT :)

Mahal kita pero hindi mo lang alam. (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon