Ipinintang Larawan

58 6 0
                                    

Chjyrlle Peralta

Hindi mo ako napapansin
Ni kahit isang sulyap lang o tingin
Iyan ang aking hinihiling
Ang kwento nating tatlo ay tila ba nasa isang pinintang larawan
Kung saan naroon ang Ikaw, Ako at Siya
Ang kaibahan lang ay magkasama kayong dalawa

Kung saan ako'y nakatanaw lang sa inyong dalawa
Maihahambing mo ako sa isang obra maestra
Kung saan ang takbo ng istorya ay ni minsan hindi mo ako napansin at nakita
Tanggap ko naman na ito lang ang parte ko sa istorya--ang maging isang extra
Napailing na lang ako at napatingin sa aking kaibigan

Habang binabanggit niya ang mga salitang
Dahilan para ako'y ngumiti at masaktan
'Hindi man ikaw ang bida sa larawan,
Pero ikaw yung dahilan kung bakit ito naging makahulugan'

KRCW Poem Writings Where stories live. Discover now