Chapter 15: Beyond Borders

666 32 5
                                    


Denise's POV


Pfft. It's Wednesday but we have to wear a loose shirt and jogging pants para sa PE namin and I hate this subject, ang daming kaweirduhan.

Pagdating ko ng school, maaga pa lang at konti pa yung mga tao sa gym. Nag-warm up na lang ako para sa gagawin mamaya which is physical fitness exam.

Ilang sandali, nagsidatingan na sila at halos puno na ng estudyante yung bleachers.

Habang ini-instruct kami ng PE teacher namin, napansin kong wala pa yung katabi ko.

Tiningnan ko sa labas at may nakita ako sa di kalayuan na naghahalikan.

Biglang uminit yung ulo ko nang makita sila. They're kissing wildly. Hands around each other.

Kinalma ko na lang yung sarili ko. Wala akong dapat ikainis.

Saktong nakalinya na kami eh dumating siya. Hanggang pag-upo niya nakatingin ako sa kanya.

"Ms. Raniel, you're next!"

Bigla akong natauhan nang tinawag ang pangalan ko.

I started with push-ups then standing long jumps and sit & reach.

Hanggang sa last test which is yung kukuha ka ng block of wood tas tatakbo ka at ilalagay sa kabila then babalik ulit and vice versa.

Habang ginagawa ko yun, bigla akong napatingin sa upuan ko.

O_O

Gross.

#KABOOM!#

Nagulat lahat sa ginawa ko. Bigla ko kasing tinapon yung hawak kong kahoy at saktong may natamaan.

"Hey, why did you do that?" galit niyang tanong.

Tinaasan ko lang siya ng kilay tas tumalikod na at pumunta ng upuan.

Tumigil na rin sila sa ginagawa at nag-ayos.

Nag-shower na rin ako pagkatapos.

Now I'm fresh and alluring. Rawr!

Papalabas na ako nang mapansin kong may naghahalikan (na naman?) sa tapat, which is men's shower room.

Grabe, nagawa pa nilang maghalikan sa public place. Pweh!

Pumunta na lang ako sa second subject.

Talagang nag-iinit ang ulo ko ngayon, umaga pa lang nakakabwisit na.

Hindi naman sa nangingialam ako pero gosh, talagang PDA ha? Parang di nakapag-aral. Where's the morality nun?

Umupo na ako pagpasok ng room tas nakinig. Dumating na rin yung bwisit at ang laki pa ng ngiti. Mas tumaas yung pressure ng dugo ko.

Pag-upo niya tiningnan ko siya ng masama. Ngumiti lang ulit siya ng may pang-aasar.

Grawrr! Upakan kita diyan kumag ka!

Tumingin na lang ako sa harap tas huminga ng malalim.

Anong nangyayari sakin ngayon?

Ayokong aminin kung ba't ako nagkakaganito. I already experienced this feeling and it won't happen again.

Tumingin ulit ako sa kanya sandali pero nabigla ako nang nakatingin din siya.

Dug. Dug. Dug.

Fvck.

I hate this.

Pero―Oo, aaminin ko. Naiinis ako pag nakikita siyang may kalandiang iba. Naaasar akong makitang may ginagawang siyang di kanais-nais at mismong nasa harapan ko.

Nagagalit ako tuwing napapansin kong masaya siya. Dahil hindi ako yung dahilan.

Arggh! I should stop this craziness. Parang ewan lang talaga ako. Saan na yung gangster personality ko?

Mahihirapan lang akong makapag-move on sa dati dahil dito.

I should stick to my word na boys are just bugs of every girl's head.

Chasing PartnerWhere stories live. Discover now