Unang Windang

10.1K 201 29
                                    

A/N: May mga salitang hindi pambata, basahin ng may pag-iingat! Salamat bow!

_____________________________

"Ano?!" nanlalaki ang matang sambit ni Alexa habang nakatingin kay Boss Chief Percy, ang huwarang barangay captain ng lugar nila. Lumipad ang tingin niya sa kaharap na lalaki at babae.

Yung lalaki si Lyndon Pascual ang lalaking mukhang kinuyog ng taumbayan ang istura at asal chimpmazee ang pag-uugali. Sa tabi nito ay ang mapang-akit na si Elsa, ang babaeng may tatlong kilong pasan na hinaharap at halos kita na ang kaluluwa kung manamit.

Ang pagsinghot ng katabi niyang babae ang agad na nagpabalik nang nanlalait na braincells niya sa tunay na kaganapan.

"Eh, paano naman po si Jenna, Boss Chief? Hindi pwedeng walang maibalik sa kanya! Pera niya yun eh, inaangkin lang ng mukhang putspang lalaking to eh," tinuro pa niya si Lyndon na relaks na relaks lang at di man lang tinablan ng nerbyos kahit na pina-barangay na niya dahil sa ginawa nito na pagtangay sa pera ni Jenna, na dating nobya nito.

"Pst Ling yang bunganga mo," saway ng Kuya Rollie niya na head tanod ng barangay nila, at kasalukuyan ding kasama nila sa tanggapan ni Boss Chief Percy. Napabuga naman siya ng inis na hininga at di pinansin ang pinantawag sa kanya ng nakatatandang kapatid.

"Ang tanging magagawa lang natin sa ngayon ay bigyan na sapat na palugit itong si Lyndon na bayaran ang nakuha niyang pera kay Jenna. Kung di siya tutupad sa napagkasunduan natin, maari na natin siyang sampahan ng kaso sa police station," paliwanag ni Boss Chief na bahagya pang humalukipkip, nalukot ang gwapong mukha nito.

Oo,bata pa si Boss Chief Percy. Kaedaran lang ito ng panganay na kapatid niya, si Kuya Lui, nasa mga early 30's lang ito at mas mukha itong modelo kaysa sa politiko.

Binalingan niya si Jenna, matanda ito nang dalawang taon sa kanya pero super bff at kapithabay niya. Mahihina ang pagsinghot nito, luging lugi ang itsura. Sino ba naman ang di malulugi, sa mukhang paa na nga ito na-in love, masama pa ang ugali. At ang masaklap ipinagpalit ito sa babaeng suso na tinubuan ng katawan.

Kumibot ang labi niya. Talagang konti na lang nasa critical level na ang inis niya.

"Hoy ikaw babae, baka naman tinago mo diyan sa suso mo yung 50k? Leshe ilabas niyo na kasi nang matapos na to! Tatlong araw? Tatlong araw lang naubos niyo ang singkwenta mil?! Shuta ano bang laman ng boobs mo? Monster na nangangain ng pera?! Tsssss!" inis na inis na sabi niya habang nakatingin kay Elsa.

Agad na namula si Elsa, ang akala niya ay nahiya, yun pala't bumwelo lang nito para magtaray!

"Hoy Alexa na NBSB since birth," pagtataray ni Elsa, nakataas pa ang kilay.

Leshe, dapat may pa-highlight pa sa ganern! Yung confidence meter niya nangalahati agad sa isang birada nito! Wengya!

"Pera yun ni Lyndon. Sa kanya yung kalahati ng shop niyang si Jenna, magkasosyo nga sila di ba? Dapat lang na makuha niya yung kaparte niya sa shop. At saka inaano ka ba nitong suso ko ha?!" bahagya pa nito iyong sinapo at inalog-alog. "Nanahimik sila palibhasa pasas lang yang iyo, pasas na tuyot!"

Singhap na malakas.Nanuyo ang lalamunan. Tumirik ang braincells.Nahiya ng bongga.

Yan ang mga nangyari kay Alexa dahil sa maliwanag pa sa sikat ng araw na paglalarawan ni Elsa sa pinagkaitang future niya!

Pigil naman ang pagbungisngis ni Lyndon sa mga sinabi ni Elsa. Napatingin siya kay Jenna, sumisinghot pa rin ito habang nakayuko at nilalaro ang hawak na bimpo, tila walang narinig. Hindi siya dapat mag-paapi, namayani sa puso ang kagustuhang tulungan ang kaibigan. Tumalim ang tingin niya sa talipandas na alipores ni Adan.

Marrying My EnemyWhere stories live. Discover now