The End

306 11 28
                                    

   Papasok sana si Meily, pero pagtapak palang niya ng one step sa bahay ni Helros, bigla siyang pinutukan ni Helros. Tinamaan sa dibdib si Meily. Nagulat kaming lahat. Nabitawan ni Meily iyung dala niya, kasabay ng pagbagsak niya. Dalidali naming nilapitan si Meily. SInong hindi? KAIBIGAN parin namin ang taong ito sabihin mo man na mamamatay tao siya.

           "MEILY!", sigaw ni Charlie.

           "HELROS! Anong ginawa mo?!", pa-galit na sabi ko kay Helros.

Pinakiramdaman ko ang pulso niya, mahina na ito. Naka-dilat pa si Meily, at tinignan niya kaming isa-isa na nangingilid ang luha niya.

          "Meily....Meily! Bakit....?? NAging masama ba kaming kaibigan sayo?", tanong ko.

          "Wag muna, Meily! Wag!", sabi ni Jade.

Nakatingin sakin si Meily, at nakaramdam ako ng mas matinding lungkot.Hahawakan ko sana ang kamay niya, pero umiwas siya, kasabay ng tuluyang pagtigil ng pagtibok ng puso niya. Patay na si Meily...

     Hindi ako nakapagsalita. Nangilid ang luha sa mga mata ko, at umiyak na rin sina Charlie. Lumapit si Helros kay Meily at tinignan kung wala na nga ba talaga ito, at saka tumawag sa head quarters at nagpasunod ng ambulansya.

             "Tapos na..", sabi ni helros.

Napalingon ako sakanya. Sa galit, nasampal ko siya ng sobrang lakas.  At doon na lumabas iyung luhang pinipigilan kong tumulo.

              "HINDI MO SIYA KAILANGANG PATAYIN!", sabi ko.

              "Baliw ka ba?! Obvious namang nandito siya para patayin ako!"

              "Paano ka niya papatayin e andito kami? Oh! Umaamin ka na! Napa-sama mo ang loob ni Meily noon! GUILTY KA RIN! Di pa ba sapat ang makulong siya?! Kahit 20 years, 30 years.... Wala ba siyang karapatang magbago!? Wala kang kwenta! Nagsisisi akong tinulungan kita!"

   Dumating ang ambulansya, at sumama kami nina Charlie at Jade sa pagdala sakanya sa ospital, na malamang morge ang bagsak. Hindi ko matanggap. Matalino si Meily, malayo pa ang mararating niya... Pero bakit ganito lang ang kinahantungan ng lahat? Bakit hindi niya kami hinayaang tulungan siya?

           Nung sumunod na araw binalita ang pagkamatay ng Clandestine Killer. Nainis pa at hindi nakuntento iyung mga pamilya ng biktima. Sana daw hinayaang sila ang pumatay kay Meily. Sa kabilang banda, naiintindihan ko naman ang galit nila, dahil oo, mali talaga si Meily......... Pero para sa mga taong masaya sa pagkamatay ni meily..... Kung alam lang nila.....

            Noon ko lang naintindihan iyung sinasabi nila na ang lahat ng bagay ay may dahilan. Masamang masama ang loob ko, dahil wala akong nagawa..

          Dahil sa bahay mismo ni helros namatay si Meily, hindi kinaya ni helros na manatili doon. Kakaibang pakiramdam agad ang nararamdaman niya tuwing makikita niya ang pwesto kung saan humandusay si Meily. Kaya, mataas palang ang araw ay nag-impake na siya. Habang nagbabalot, napansin niya iyung paper bag ni Meily na nasa lamesa niya. 

          Cupcakes... Nalalala ng Inspector na sinabi ni meily na bibigyan niya nun si Helros pag tapos na ang trabaho niya. Biglang nangilid iyung luha ni Helros dahil ang totoo, hindi naman niya ginustong mamatay si Meily. Nadala lang siya ng takot.

               "Meily..... patawad...."

 ___________________________________________________________________________

 Ibinalik sakin iyung death note ni Meily, at tinapon naman iyung mga baril. Ikalawang araw palang ito mula ng mamatay ang kaibigan ko. Binuksan ko ang TV, at sa pagupo ko, nabuklat ko ulit iyung death note. Nagtagumpay siya sa pagpatay sa mga taong sinulat niya dito. Pero... hindi ko sinasadyang mabuklat iyung likuran ng death note, at may nakasulat.

                  Helros Vega

  Food Poisoning ; 

Nanlaki ang mata ko sa gulat, at dadamputin ko na sana iyung telepono para tawagan si Helros, kaso......

             "Kaninang madaling araw lamang ay natagpuang patay si Detective Chief Inspector Helros Vega sa sariling bahay. At sa imbestigasyon, nalason ito sa kinain na cupcakes.............."

Sa mga segundong iyun, tumigil ang paghinga ko, at nabitawan ang death note.

           .....Natapos ng Clandestine Killer ang pinangako niya sa sarili niya na gagawin niya. Pero.... naging masaya ba siya?

             Whatever happened to her....to us.....to our enemies..... to our 'friendship'........ it inspired me, and inspires me until today, to become a better person... Hindi nalang ako isang playing-detective ngayon, kundi isang manunulat, na magbabahagi ng inspirasyon sa iba.

               THE END....

Authors note:

   This is not based on any real story. This is only an excerpt from the writer's imagination. Some thoughts, characters and perspective in this story are true from real life. The narrator in this story, "Wenjie Tankersley" is not the author, but only a tool for the story to become realistic.

Note: Wenjie is a real writer, but the name is just a screen name. Other characters are the author's classmates. 

  Thanks for patiently reading until the end. May God bless us all. I hope you enjoyed reading.

Clandestine KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon