My Prime Suspect

216 4 0
                                    

         October 29, Monday; 11:30 a.m.

Nagpakita sakin si Helros Vega sa isang fastfood, at doon daw namin pagusapan ang dapat na pagusapan. Nagulat pa siya nung dala dala ko si Jade, Julien at Charlie.

             "Jade? Julien? Teka.. anong ginagawa niyo dito?", tanong ni Helros.

             "Dinala ko sila para mas maging maayos ang usapan.", sagot ko.

             "Ano? Teka.. kilala mo sila?"

             "Oo, dahil kaibigan ko ang kaibigan nila, na kaklase mo rin..", sabi ko.

  Alam ko naguluhan si Helros dun. Pero hindi na mahalaga dahil malalaman din naman niya mamaya.

             "Tinawagan kita, dahil gusto kong malaman kung matutulungan mo ako. Ayoko ng... madagdagan pa ang bilang ng mga kaklase ko na namamatay.", sabi ni Helros.

             "Alam ko, matutulungan kita. Meron na 'kong suspect... Pero gusto kong matiyak ang sasabihin ko, kaya para mas maayos, sabihin mo samin lahat ng ebidensya o anumang nalaman niyo sa bawat krimen.", sabi ko.

 Tumango si Helros, at nagsimulang maglahad mula sa pagkamatay ni Miggy hanggang kay Olga Lynn. Sinulat ko naman iyung mga mahahalagang sinabi niya. Pero hindi pa man ako nagsisimulang mag-analyze, nung marinig palang ni Charlie iyung 'hum' na dinemonstrate pa ni helros ay nag-iba ang timpla ng ekspresyon niya.

              "Helros...? Paki..ulit...", sabi ni Charlie.

Nagtinginan kami kay Charlie. At parang nakuha na ni Jade at Julien kung bakit ganun nalang ang ekspresyon ni Charlie. 

              "Lalala... lala....iyun ang eksaktong pagkaka-sabi ni Alvie. Ang totoo, medyo pamilyar din siya sakin.. Pero di ko kasi maalala..."

Tinignan ko sila Charlie, pero ayaw nila akong tignan. Alam kong sumasang-ayon na sila sa sinabi kong prime-suspect, na nung una'y ayaw nilang paniwalaan.

             "Helros... Kailan magpapakita samin si Meily?", tanong ni Jade.

             "Eh....? Ang totoo...... HAY! Sabi niya, susurpresahin daw niya kayo. Pagnatapos daw niya iyung pamimigay ng cupcakes."

             "Iyun lang..?"

             "Oo, iyun iyung sinabi niya.", sagot sakin ni helros.

Nagtinginan ulit sina Jade at Charlie, sabay silang tumingin sakin at umiling iling.

            "This is for the better...", sabi ko.

            "Hindi... What's the best is all that matters. So, ang 'the best' ay ang kausapin nalang siya!", sabi ni Julien.

            "Hindi siya makikinig! Hindi ba't iniiwasan niya ngang magpakita satin? Lumalabas, na hindi siya magpapapigil.", sabi ni ko.

             "Teka, teka... hindi ko kayo maintindihan..", sabi ni helros.

             "Kaibigan ka rin niya hindi ba? Hindi niya tayo sasaktan.. Maaayos natin 'to.", sabi ni Jade.

             "KAYA KO NGA GINAGAWA ITO! Dahil KAIBIGAN ko siya! Ayokong dagdagan pa niya ang kasalanan niya!", sabi ko ng pa-galit.

Nanahimik iyung tatlo. Tinignan ko si Helros na nagtataka. Muli kong hinarap iyung papel na pinagsulatan ko ng mga kinuwento ni Helros.

            "Hindi ako magpapa-ligoy ligoy pa, Helros. Si Meily Co.. Siya ang suspect ko.", sabi ko.

Nagtinginan sakin sina Charlie na halatang na-shock. Maging si Helros ay nagulat rin.

            "A-ano? Naloloko ka na ba? Imposible.."

            "Ikaw, si Jade, si Julien at Charlie.... kaklase niniyo noon si Meily. Sabihin niyo, isipin niyo.... na ang mga kaklase ninyong namatay ay kinasamaan ng loob ni Meily..", sabi ko.

            "...Im...posible..."

             "Kay Mei Mei iyung hum na iyun e..", sabi ni Charlie.

At lalo pang nagulat si Helros, dahil naalala rin niya sa wakas. Ganun nga ang paraan ng pagkanta ni Meily. Hindi ba't dinadamayan siya ni Meily noon? Umuwi pa siya mula sa Canada para lang gawin ito? Ang paghihiganti? Ganun ba ka-laki ang galit niya?

            "Helros, obserbahan niyo siyang mabuti... Hanggat hindi pa siya bumibisita saming apat, hindi pa tapos ang patayan...", sabi ko.

Clandestine KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon