Dear Future Boyfriend

255 3 2
                                    

Sabihin niyo sakin,

Normal ba ang maging single ka for 17 whole years?

Yung wala ni isang nilalang n nagbalak manligaw?

Yung para kang invisible para sa mga hot at uber-sa-gwapong mga lalaki?

BAKIT?????????? (* ̄m ̄)

Di naman ako pangit (Oy, sabi yan ng bestriend kong si Bea, na sa kasamaang palad eh NBSB din),  nerdy lang ako ng konti, pero di naman ako mukhang tuod na tinubuan ng mukha at katawan noh!

Bakit naman yung ibang di kanais-nais ang itsura, eh nauhanan pa akong magka-jowa? Nadadaan lang ba talaga minsan sa landi? Shet lungs, saan ba may crash course ng paglalandi? Nang makapag-enroll na ako!

Sabi nila, eh may nailaan na sa bawat tao. Nasaan na kaya yung akin?

Naligaw?

Nasagasaan?

Kinidnap ng NPA?

Nakasalubong si Anne Curtis at pinagpalit na ako?

Buhay pa kaya sya ? Mukha kaya syang tao? Bakit ang tagal niya? WAAAAHH!!!!

Dear Future Boyfriend,

Erm… Hi? Shit naman. Ang awkward makipag-usap sa aking imaginary boyfriend. WAHAHAHAHA. Buhay ka pa ba? Kung oo, bakit ang tagal mo namang dumating? For the record, 17 years na akong single! Ang tagal mo eh. O kaya naman dumating ka na at na-turn-off sakin at naghanap ng iba? WAHHH!!! Wag naman, o baka nakidnap ka ng mga NPA? Ang tagal mo men! Pag ako napagod kakahintay, papatulan ko na kahit mga kamukha ni Bentong o Pekto! Bahala ka!

Sincerely your future girlfriend,

Innah

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox

A/N:  Eto ay isa sa mga kwentong isinusulat ko tuwing bangag ako. Wag niyong seryosohin. Baka ikamatay niyo. lolz. Second story to post online, aba akalain mo yun, may mga readers pala ako? Hehehe. Ito ay novel length. Siguro mga 40-50 chapters. At nakakatigang magsulat. lol.  At tamad po ako sa lahat ng bagay kasama ang pag-a-update. lol. Sorry.

Unless otherwise indicated, all materials on this story are copyrighted by DNYL/MissMakata. No part of this document, either text or image may be used for any purpose except reading. Therefore, reproduction, modification, editing, and plagiarizing, in any form or by any means, electronic or mechanical is strictly prohibited, and hence punishable by the law,without prior written permission.  Characters that resembles any person, living or dead, is purely coincidental, the same goes for places and events.  

Dear Future Boyfriend

© MissMakata

2012-2013

All Rights Reserved.

Dear Future BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon