Chapter 1

123 1 0
                                    

"Class dismissed" sambit ng professor.

Nag-uunahan na ang mga estudyante makalabas ng room. Ang iba para sa susunod na klase, at ang iba naman ay para makauwi na, nang makapagpahinga sa dami ng klase.

Kasama na siya mga estudyanteng iyon.

Meet Demree Xielle Gonzales, isang average na engineering student .

Average as in Normal looks, dark brown hair, black eyes, morena.

Kung height naman ay medyo maliit siya kaya siya madalas mapagkamalan na 2-4 years younger than her age, nakadagdag 'pag doon na may pagka baby face siya.

Average intelligence, hindi siya achiever pero hindi din naman siya kasama sa mga bumabagsak.

Average family background, dahil normal na sa panahong ito ang separated families.

Kung susumahin isa siyang plain jane, a wallflower.

"REE!!!! Tingin!!" sigaw sa kanya ng isang pamilyar na boses.

Pero bago pa man siya makalingon ay sumemplang na siya sa sidewalk at muntik na maka lips-to-lips ang semento.

Ay naku naman, kundi man kasi siya saksakan ng lampa eh.

Bumangon siya sa pagkakasalampak at naupo sa semento. Tumabi naman sa kanya ang may-ari ng boses na nagpahamak sa kanya.

Tinapunan kaagad niya ito ng masamang tingin.

"Alam mo Saph, minsan naiisip ko talaga na gusto mo akong mapahamak." tiningnan niya ang sandals niya at sa awa naman ng Diyos ay hindi sira.

Humagikhik naman ang bruha. "Huwag mo nga sa akin isisi iyang ka-clumsihan mo. I warned you naman before you fell."

Anak ito ng may-ari ng dorm na kasalukuyan niyang tinitirhan.

Mabait ito kahit may pagka pilya at katarayan na taglay. Minsan nga lang sumusobra kaya isang malaking sakit ng ulo ito ng mga magulang. Hindi naman ito itinatanggi ni Saph.

"Halika na nga aalalayan na kita at baka mamaya kung saang butas kapa lumusot diyan isisi mo pa sa akin. Dorm naman tayo, di ba?" tumayo ito at in-offer ang dalawang kamay sa kanya.

Tinanggap naman niya ang alok para at least may kasabay siya. Pero mukang hindi sila maglalakad.

"Saph, di mo ba alam na iyang pang-gasolina mo compared sa ilang minutong paglalakad ay nakapag- meryenda na sana tayo ng turon at softdrinks?" pumasok pa rin naman siya dahil wala naman siyang choice ng paandarin na nito ang makina.

"Ayan na naman iyang pagiging economista mo eh. Mainit po 'noh at malayo naman yung building nang klase ko kaya ako nagdala ng kotse."

"Ewan ko sa'yo. Pero thank you na rin at nasalba mo ako sa hirap ng paglalakad"

Likas na sosyal talaga itong si Saph, hindi sanay na naiinitan.

At dahil Daddy's girl, sunod naman ang luho. Okay itong kaibigan, 'wag lang sana siyang bigyan ng ganitong anak dahil mamamatay siya sa kunsumisyon.

Ilang sandali lang ay nasa dorm na sila, sa 'Gem House' . Hindi naman masyadong obvious na mahilig sa mga gem stones ang may-ari.

Hindi naman halata. Lahat lang ng rooms dito ay may kanya-kanyang ngalan na gemstone. Pati ang house dog nila ay nakapangalan sa isang gem, si Peri -- as in Peridot.

Sa katunayan hindi talaga halata dahil pati mga anak nito ay galing sa gems katulad na lang ng kay Saph - Sapphire Rhianna Fortunalde. Hindi naman masyadong fanatic noh?

"Ree, I still wonder why you don't end your hardship. I mean, may paraan naman kasi para hindi kas na mahirapan sa pamumuhay mo dito."

Dumiretso sila sa kwarto niya, sa Amber room. Binababa niya ang kanyang mga gamit at nahiga sa kama bago sagutin si Saph na nakakuha na ng pwesto sa may desk niya.

"Ano naman ang naiisip mong solusyon, aber?"

"Kausapin mo yung parents mo! Duh! May pera naman kayo for that. You are not exactly 'poor', para mag-tipid ka ng ganyan."

"You know me Saph, I'd rather solve it on my own than talk to them."

"Then go find a BOYFRIEND!"

~_~

Boyfriend daw?

Lukaret talaga.

Sino naman kaya ang papatol sa kanya sa hitsura niya? She's not a girlfriend material at all.

Period.

And yes, that leads to the fact that she's been single all her life.

Nakita naman ni Saph ang pinaparating ng mga mata niya. Inirapan lang siya nito at binuksan ang laptop niya. 

"We are still young, Ree. Mag-ayos at lumabas ka kasi sa lungga mong ito. Andaming nagkalat na eye candy diyan. Dito pa nga lang sa dorm eh, sandamakmak na."

"Sandamakmak na ano? Manyak? Playboy? Mayabang?" 

"Sobra naman ito kung makapag-judge. Wala ka talagang sense of adventure! You never take risks. Chances!"

"The last time I did that, my life went haywire."

Mukang nabwisit sa kanya si Saph. Kinuha nito ang bag at tumayo.

"That's the point! Nakakapagod ka sermonan, parang alam ko na kung ano ang feeling nila mommy 'pag ayaw kong makinig," pinaypayan nito ang sarili, "anyway, do you still need a tutor for your math class?"

Ay oo nga pala nagpahanap siya rito ng maayos-ayos na tutor sa math. Medyo sabit kasi siya ngayon dahil hindi na-cover nung highschool ang topic nila ngayon sa math. 

Umayos siya at naupo sa kama para mas maayos na makausap si Saph. 

"Yes, I do.May nahanap ka na ba?"

Sana naman meron dahil in a few weeks time ay may exam sila.

"Bukas ko pa makakausap dahil nireto lang din sa akin ng isang friend ko."

"Ako na lang ang kakausap sa kanya para hindi ka na masyadong maabala."

May kung anong kakaiba sa ngiti ni Saph ng sinabi niya iyon. 

"Sure, may pupuntahan din kasi sana ako eh. Napag-usapan namin to meet at Yule's diner, 2:00 tomorrow. Look for the one with white clothes and glasses." pagkatapos nun ay lumabas na si Sapphire nang hindi man lang nag-papaalam.

May iba siyang pakiramdam sa meeting na iyon.

Her gut tells her something big is going to happen.

She just hope that it would be something good.

Kilala niya si Saph, malikot ang utak non. She's fairly sure na may mangyayari na kakaiba.

At sana naman wag puntiryahin ng utak nito ang kanyang zero na love life. 

*author's note: Okay! My first work is out, at sana naman ay nagustuhan niyo. I know hindi siya kagandan, so sorry. I will try to make it better, especially if oyu help me. hehehe

Comments and suggestions are welcomed but please put it nicely. Rudeness isn't a good attitude. VOTE din kayo if you liked it. Stay tuned sa next chap!

Klutzy AmberWhere stories live. Discover now