chapter 6.. they are sweet

2K 18 6
                                    

a/n:

dedicated ko to sa kanya haha

kahit di ko sinabi pero ito na dedicated to sayo :)

picture nga pala ni zoe sa gilid ------>

Chapter 6.. they are sweet

Zoe’s POV

Pagkatapos nila sabihin yung nangyari kung bakit kumalat yung chismis na yun sa buong campus parang hindi ko pa rin matanggap na nangyayari sakin to ngayon..

Bakit sa dinami-dami ako pa nabiktima ng maling balita?

Hindi ko naman masisisi silang tatlo kasi hindi naman nila ginusto yun although may pagkakamali sila.. pero hindi naman nila yun sinasadya..

Nandito pa rin kami sa crown place.. at ito ako ngayon nakatulala, nag-aalala kung ano mangyayari sakin bukas..

“Zoe.. sorry talaga.. hindi naman namin yun sinasadya eh” –Shannon

“Oo nga Zoe wag ka na magalit jan” –paglalambing din sakin ni Stacey

“Naku mukang ng dahil sakin kaya kayo nagkagalit ngayon.. sorry talaga guys hindi ko naman sinasadya eh” –Jane

“Ano ba kayo? Don’t worry I’m not mad at you guys.. iniisip ko lang kung anong mangyayari bukas.. kasi alam ko na marami ng galit sakin ngayon at hindi ko pa alam kung anong gagawin sakin ni Dice dahil sa balitang yun” –sabi ko

“Kung gusto mo ako na lang kakausap dun na mali ang kumalat na balita at wala kang kinalaman dun.. tutal may kasalanan naman ako eh” –Jane

“Eh baka mapahamak ka? Haay hindi ko na talaga alam ang gagawin ko” –ako

“Pakausap na lang natin sya kay Johan” –Stacey

“What do you mean? Bakit si Johan papakausap natin sa kanya?” –ako

“Ah kasi nalaman namin ni Stacey na si Johan yung si Kup na kagrupo nila Dice” – Shannon

“What?sabi ko na nga ba tama ako ng rinig na tawag sa kanya nung dalawa sa cafeteria eh” –ako

“Oo kaya ayun” –Shannon

“Uwi na tayo? Gusto ko na magpahinga parang nanghina ako sa sinabi nyo eh” –ako

“Sorry talaga” –sincere na sabi ni Jane sakin

“Hey stop saying that ok? pag sinabi mo pa ulit yan kakalimutan kong kaibigan ka na namin at magagalit na talaga ako sayo” –ako

“Ay! Ito naman hindi mabiro.. joke lang yun” –Jane

“Haha yan mas ok yan” –ako

“See we told you na magiging magkaibgan tayong apat eh” –Stacey

“Oo nga eh” –Jane

“So ano uwi na tayo? Hinihintay na si Jane ng bf nya oh!” –sabay turo ni Shannon sa entrance ng crown place..

“Oo nga baka naiinip nay un” –Stacey

“Go girl susunod na kami” –ako

“Ah eh sige salamat ah? thanks dahil kaibigan ko na kayo” –Jane

“Sure there’s no problem with that” –Stacey

At umalis na si Jane para puntahan na yung boyfriend nya.. pagkatapat nya dun lumapit agad ito sa kanya at sinalubong sya ng kiss.. waah ayan na naman po!! Nababahiran na naman ng kung anu-ano ang paningin ko! Lord help me please

My Accidental Boyfriend is a Gangster (ongoing series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon