3rd Bang!

57 1 0
                                    

Alex: LYLE?!

3rd Bang!

Hindi parin talaga ako makatulog kakaisip sa nangyari ngayong araw. 'Di ba sobrang hirap? Lahat naman siguro tayo eh gustong pakasalan ang taong mahal natin at syempre, mahal tayo. Kamusta naman pala yung kalagayan ko? ayun na nga, sa kaiisip ko eh. unti-unti naman narin akong inantok at tuluyan nang nakatulog..

Kinabukasan

Ginising ako ng isang nakakagulat na pagbukas ng pinto.

*bloogsh!*  (wow parang binagsak yung pinto. haha. sorry naman sa soundfx. ^_^)

"Baby?"  Tanong ko habang tinitignan kong mabuti si Robi. Yup, andito yung boyfriend ko. Wow. How unusual.

"Baby, okay ka lang ba? Sabi kasi ni Ate Emily kagabi, masakit daw pakiramdam mo. Kaya tumuloy ako dito ngayon. Pinagluto kita ng porridge andun sa baba. Gusto mo pakuha kita?" Kitang-kita ko  naman na worried ang baby ko sakin dahil sa itsura niya at sa tuloy-tuloy niyang pagsasalita. Dito ko narerealize na kahit hindi naman kami masyadong okay ng baby ko eh napakasweet parin niya sakin. Bihira nalang kaming mag-ganitong lambingan sa isa't-isa kaya syempre. Sobrang kinikilig ako at the moment. Hihihi.

"Baby, Okay lang ako. Ano ka ba. Medyo napagod lang talaga ako kahapon kasi nag-firing kami ni Daddy eh. Hehe." Yun nalang ang nai-palusotdotcom ko. Syempre, ayaw naman nating malaman ng taong mahal natin na engaged tayo sa iba at hindi sakanya di ba??. Nagsmile lang ako sakanya nun, tinitigan ko sya sabay yakap ng sobrang higpit na para bang hindi ko na ulit siya mayayakap ng ganun. "I love you, baby." Yun na yata yung pinakamasarap kong I love you sa kanya. Dahil yun narin siguro ang huling I love you ko na maipararamdam ko sakanya kung gano ko siya kamahal kahit pa madami kaming madalas na pinag-aawayan, kahit na marami siyang madalas na kinaiinisan sakin. Yung I love you ko na 'yun eh masasabi kong priceless dahil ngayon ko siya mas navavalue. Sabi nga nila. You'll never know a guy's value until he's gone. Hindi ko naman sinasabing 'gone' na ang relationship namin but we're heading to that stage. 

"I love you more, baby. Why are you acting so weird today?" Tanong naman niya sakin habang yakap parin ako at hinihimas-himas niya ang buhok ko. 

"Wala lang. Tagal mo na kasing hindi dumadalaw dito eh. Tagal mo na akong hindi pinagdadalhan ng food. Kala ko ba Culinary Arts student ka hm?"  Sabi ko habang nakayakap sakanya at nakatingalang pinipilit kong tignan siya. 

"Asuuuss. Kunwari pang food ko lang ang gusto. If I know, kahit wala akong dalhing food at sarili ko lang dalhin ko eh magtatatalon ka na dyan sa saya. Di ba??" Pagyayabang niya na para bang nagssmuggy look siya.

"Hoy ang kapal ng mukha mo hindi noh!" Reply ko naman.

"Asuss. Oo nga pala." Sabi niya habang humihiwalay ng dahan-dahan sa pagkakayakap ko "Andyan ba sina Tita and Tito?"  Tanong niya sakin. 

"Wala eh. Asa business trip si Mommy. Si Daddy naman nasa work na yun. Bakit?"  Tanong ko naman habang chinecheck yung oras sa wall clock ko sa kwarto. 

"Pag-papaalam sana kita eh. May gala daw yung tropa sa dun sa rest house ng Tita nila Aly." Sabi naman niya sakin. Na nakikita kong excited siya about that. Payagan kaya ako ni Dad?

"Ahh, sige. Ako nalang magpapaalam kay daddy ha? Busy kasi yun ngayon eh. Madaming iniintindi sa work. Hehe." PALUSOT.COM ALEX. 

Syempre. Baka mamaya, magpilit yang kausapin niya si Dad masabi pa ni daddy yung kaso ko ngayon 'di ba? Ayoko pang sabihin sakanya yun. Di ba? So tinry kong ibahin yung topic..

"Pano mo naman pala nalaman na hindi ako okay kahapon? Textmates ba kayo ni Ate Emily?" Tanong ko naman sakanya.

"Nako. Eh pano po kasi tumatawag po ako sainyo pero cannot be reached ka. So sa landline ako tumawag. Si Ate Em sumagot so...Ayun. Eto na ako! Hahaha. Tara na baby. Kain ka na para gumaan-gaan naman pakiramdam mo." Sabi niya with matching gestures pa. Kiniss ko muna siya then finally, bumaba na kami. 

At as expected, nakahain na yung breakfast namin. Bacon, Hotdogs, Eggs, Toasted bread at Porridge na gawa ni baby. Very unsual 'tong breakfast 'kong ito dahil may kasabay ako. Usually kasi, ako lang mag-isang nagbbreakfast nauuna na si Daddy dahil laging nagmamadali sa work. Ganun din si mommy. 

Actually, masarap yung porridge. Hindi siya yung usual LUGAW. May iba kasing ingredients eh. Hindi ko naman na inintindi pa kung anu yon basta kain lang ako ng kain. Hehehe. I felt okay for a while knowing na andyan naman ang baby ko ngayon at eto nga, happy kaming nagbbreakfast. Great start Lexy, not bad. 

*Insert wide smile here* 

At habang nag-aalmusal kami ng baby ko eh bigla namang may nagdoorbell

*ding!dong!* *ding!dong!*  dantes. LOLJK.

"Ate emily, pabukas po nung gate?" Request ko naman kay ate.  So ate went running to the door. Haha. Pag pasok naman niya eh kasama niya na yung nagdoorbell.

OH.

MY..

GOSH..

"LYLE??" Shit. I'm surprised. 

To be continued

Stuck With A Gunner.. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon