Chapter Two

113 7 0
                                    

"I conclude, Clarence is an ass," sabi ko kay Rhianne na kausap ko sa phone.

 Naglalakad lakad ako sa garden ng bahay habang hawak hawak ko yung phone at kausap ang bestfriend ko.

 "I'm looking at his facebook right now," sagot sa akin ni Rhianne. "MyGod Clarisse, ang hot naman niya.." "Hot nga, ang ugali naman galing impyerno!"

 Saktong sakto pagkasabi ko niyan eh, biglang sumulpot sa harap ko si Clarence, naka-frown siya. "Wait lang Rhianne I'll call you back.." in-end ko na yung call. "Oh ano nanaman ang problema mo?" tanong ko sa kanya. He smiled.. "Nothing at all," sabi niya, "I just want to apologize on how I acted this past few days." Napatango nalang ako, "Go on.." sabi ko.

 Bakit siya nag-aapologize? Anong meron??

 "Well why don't I tour you around the neighborhood as a peace offering?" His words were inviting kaya napatango nalang ako at hinatak niya ako papunta sa kotse niya. I assummed that was his kasi yung isa kulay pink, sa mama niya yun eh.

 Doon ako umupo sa passenger seat.. Pero gusto ko talaga sa backseat para feeling driver ko si Clarence.

 Binuksan ng katulong yung gate, at nagdrive na si Clarence.

 "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko kay Clarence..

 Hindi siya sumasagot. Tapos kung saan saang kanto niya idinaan yung kotse kaya nahilo hilo ako, hindi ko na nasundan yung mga dinaanan namin. "Uyy Clarence saan ba tayo pupunta?" Saktong sakto eh hininto niya yung sasakyan at pagsilip ko sa bintana, nasa tapat kami ng sementeryo.

 "Maghintay ka lang dito at may pupuntahan lang ako saglit," sabi niya sabay baba. Nakita ko na dala dala niya yung susi.

 Pinagmasdan ko siyang dumiretso papasok ng sementeryo.. Tapos biglang may nagtext sa akin..

May dalawang mag-syota. Nasiraan sila ng kotse sa lugar na walang katao-tao. Then sabi ni boyfriend kay girlfriend, “Baby, wait. Hanap lang ako ng tulong.” Pagkalabas ng lalake sa kotse, dala nya yung susi. Ni-lock ng babae lahat ng pintuan nung kotse. After ilang minutes. May nakitang baliw yung babae.

Kumakanta yung baliw “Twinkle twinkle little star..” Palapit ng palapit yung baliw sa kotse habang kinakanta yun ng paulit-ulit.

"Twinkle twinkle little star.."

Hawak nung baliw yung pugot na ulo ng boyfriend niya.. sa kanang kamay..

"Twinkle twinkle little star.."

Sa kaliwa naman..

Yung susi..

Kyaaa nakakatakot naman! Gago talaga si kuya Julian bakit sinesendan ako ng ganitong quotes..

Erase erase sa utak.. Natakot tuloy  ako bigla..

Nasaan na ba si Clarence?? Eeeeee..naiistress na ako sa takot..

Niligid ko ang mata ko sa paligid.. Then napatingin ako sa bintana ng Driver's seat.. sa malaya may naglalakad papalapit sa akin.. KYAAAAA!! Tapos haggard yung buhok.. mmukhang baliw.. tapos ika ika maglakad.. Kyaaaa! baka ma wrong turn ako dito!!

 Sa sobrang takot at katangahan ko eh lumabas ako nng kotse at nagdirediretso ako sa sementeryo..

 [Clarence's POV]

Pagbalik ko sa kotse eh walang tao.. Nasaan yung babaeng yon? Hindi ko naman siya dito ililigaw eh, bakit nawala agad? Doon pa sa may palaisdaan ko siya ililigaw.. Ayy bahala na siya.. Iiwanann ko na siya hehe..

[Clarisse's POV]

Teka nasaan na ba ako.. Ang daming nicho dito.. Kyaaaa! Pagtingin ko sa paligid.. Isang mahabang plain na puro lapida.. Kaso wala akong ideaya kung nasaan ako. Saan ba yung labasan? BAka mamaya hinahanap na ako ni Clarence.

 Sa paglalakad ko eh may nakita akong isang lalake na naka blue na T-shirt.. Nakaupo siya sa isang space doon na may lapida.. Tapos may mga bulaklak.. Wala naman akong pake sa drama ng buhay niya pero kailangan ko siyang lapitan para malaman ko kung saan ang daan palabas nalito kasi ako ang daming gate..

 "Uhm hello.. Pwede magtanong?" tiningala ako nung lalake.. Shet ang wafuu.. bakit ba ang wafuu ng mga tao sa lugar na to.. Pero bakit medyo nagulat siya nung nakita niya ako.. "Ano kailangan mo?" tanong niya sa akin. "Pangalan mo saka facebook.. este paano ba daan palabas dito? Hindi kasi ako taga rito ehh.." "Ahh ganun ba, tara sabay na tayo paalis na rin ako ehh.."

 Napasilip ako sa lapida.. Elise C. Mallari.. Born: June 5, 1994 Died: February 13,2012.. Girlfriend niya kaya?

 Sinundan ko na siya sa paglalakad.. "Uhm girlfriend mo yun?" tanong ko sa kanya.. Ang chismoso ko no? Umiling lang siya, "hindi, kapatid ko siya." napatango nalang ako. "Siguro ang ganda ng kapatid mo, ang gwapo mo kasi ehh," ayy keme naman oh, bakit lumabas sa bibig ko yun?? Napatakip tuloy ako ng bibig ko. Natawa nalang siya sa sinabi ko, "you think I'm handsome? Salamat."

"Uhm by the way, anong ginagawa mo dito sa sementeryo? I doubt naman na taga-rito ka kasi naligaw ka." tanong niya sa akin.

 Nakakahiya naman ikwento yung katangahan ko, "uhm di ko rin alam eh, niligaw lang ako nung walangyang Clarence," ang bad ko, hindi naman totoo yun eh. Mukhang nagulat siya nung narinig niya yung name na Clarence. "Ahh si Clarence ba?"

 "Kilala mo yun? Yung masungit na little devil?" tanong ko sa kanya..

 "Oo.."

"Bakit ba ang sungit nun? Lakas niya maka woman hater.." tanong niya sa akin.

"Ahh intindihin mo nalang.. di mo rin naman siya masisisi kung bakit nagkaganun siya."

"Eh bakit ba siya nagkaganun?"

"Wala ako sa lugar para magsalita.." sabi niya sa akin..

Nakarating na kami sa labas ng sementeryo.. Kaso wala yung kotse.. "Naku iniwan na ata ako ni Clarence.. Walangya talaga yun.."

"Ihahatid nalang kita sa kanila.." kyaaaa sige gusto ko yan..

"Pero before everything.." gusto ko muna malaman pangalan niya.. "pwede ko bang malaman muna pangalan mo eh kanina pa tayo nag-uusap hindi naman kita kilala.."

"Oh sorry.. I'm Eric.. Ikaw ano name mo"

"Clarisse.." ngumiti lang siya noong narinig niya pangalan ko..

"Nakakatuwa naman katunog na ng pangalan mo yung name ng kapatid ko.. Tapos.." tumitig siya sa akin with a smile na medyo subtle lang..

"...kamukha mo pa siya.."

[end chapter]

Sana nagustuhan niyo

LOVE LOVE LOVE

--KINO

:)

Remembering SundayWhere stories live. Discover now