Chapter 3

67K 1.8K 544
                                    


"Anak, 'yong baon mo—"

"Nakuha ko na," walang-ganang sagot ko. Dire-diretso ako sa pintuan.

"Ingat, Nina," mahinang sabi niya.

Saglit akong napatigil sa paghakbang. I bit my lip. Bwisit.

Napailing ako bago nagsimulang maglakad patungo sa gate. Pagbukas ko, naabutan ko ang nakangiting si Rafaela.

"Anton, ayos na ang bike. Pinaayos ni Papa," masiglang sabi ni Rafaela.

Hindi ko siya pinansin. Dire-diretso lang akong naupo sa maliit na upuan sa likod ng bike.

"Ay, wow. Suplada?" Nakangiti pa ring sabi nito.

Imbes na sagutin ay pabagsak kong inabot sa kanya ang bag.

Sumimangot si Rafaela. Inabot nito ang bag ko at nilagay sa basket sa unahan ng kanyang bike, katabi ng kanyang bag.

"Si Tito Chris na naman ba—"

"Kailan napaayos ito ni Tito Ricky?" Putol ko sa sinabi ni Rafaela. Humawak ako sa bewang niya at sumandal. Humikab ako ng malakas. Inaantok pa talaga ako.

Umiling na lang ito at nagsimula nang magpidal ng bisekleta. "Kahapon no'ng nasa school tayo. Wala raw kasi tayong service kaya iyan, pinaayos na niya."

"Hanep ng Endless Love couple!"

Napatingin kami ni Rafaela sa katabing sasakyan kung saan nanggaling ang boses. Nakangiting mukha ni Riley ang bumungad sa amin. Nakasakay ito sa backseat ng kotse.

"Pakyu," sabay na sigaw namin ni Rafaela rito.

"Bye, guys!" Kumaway pa ito habang walang-tigil sa kakatawa.

"Weak!" Sigaw ni Rafaela rito habang humarurot naman ang sasakyan ni Riley paalis.

May kaya ang pamilya nina Riley. Hinahatid ito ng kanyang mga magulang tuwing pumapasok at umuuwi. Like most rich kids, Riley has mild spoiled "brattiness" in his system. Mild kasi kahit paano, mabait naman siya at galante. But most of the time, he's quite a pain in the ass like what he just did a while ago. He can really be annoying.

"We're going to play later, Anton. Manonood ka?" Biglang sabi ni Rafaela.

Mas humigpit ang kapit ko sa beywang niya. Biglang nangningning ang mga mata ko. "Oo naman! Craig will be there, so expect me to be there," masiglang sabi ko.

"I knew it," he said bitterly. "Nakakatampo ka na ha? Hindi ka man lang pumunta doon para makita ang talent ko."

"Puros ka lang kaya pa-cute sa stage," I snorted.

Rafaela  really sings good. He has this husky, sexy voice similar to Jason Wade of Lifehouse. Pero siyempre, dahil teenager lang siya, mas malalim pa rin ang boses at mas manly pa rin ang kay Jason. But I bet that when Rafaela turns 21, his voice would be a total eargasm. Half of the female population, specifically in our batch, is crazy over my best friend. Unfortunately, my best friend knew this, and he's great in taking advantage of it. Maya't-maya ang kanyang ayos sa kanyang buhok. I don't know if you can call it "ayos" kasi ginugulo niya ang kanyang buhok intentionally. He has this obsession of having slightly dishevelled hair. Unlike his Kuya Karl, this guy is actually a trying hard.

"Pustahan iniisip mo na naman ang lahat ng kapintasan ko, Anton?" Bakas ang pagtatampo sa boses nito.

Napatawa ako ng malakas. "You really know me, don't you?"

"Sus. Basta ka tumahimik diyan, for sure nag-iisip ka na naman ng mga actions ko na sa tingin mo ay jeje at jologs. Nakakasakit ka na ha!"

Kinurot ko ito sa tagiliran.

The Jerk Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon