POP 2

44 2 0
                                    

Barbie's POV

Isinama ako ni ken dito sa birthday party ng kanyang kapatid.

"hello, ate barbs" sabi ni alyana na 16 years old na. Tumugon naman ako at nakipag beso sa kanya.

"happy birthday, ang ganda mo"

"yeah, I know haha"

"haha, sige na lapitan mo na iba mong bisita"

"okay, enjoy ka lang" sabi nya sabay alis na. tamang dating naman ni ken na kumuha ng pagkain.

"ito, kumuha na ko ng marami para sayo"

"grabe, matakaw talaga ako ganun?"

"hindi naman, medyo lang haha"

"che, haha"

"sige na kain na"

Masaya kaming kumain pagkatapos pinakilala nya ko sa daddy at step mom nya ang daddy nya half Chinese half filipino na business man dito sa pinas at step mom nyang filipina. 1 year old pa lang namatay na ang mommy nya kaya halos ang step mom nya na nag palaki at nag alaga sa kanya. Pagka galing namin sa party pumunta kami sa mall para mamasyal, hay masaya talaga kapag kasama si ken feeling safe ako kapag kasama ko sya. Bigla naman pumasok sa isip ko si kiko ang first boyfriend ko hindi kami nag tagal siguro dahil masyado pa kaming bata noon. Kinabukasan sa shop may dumating na hindi ko inaasahan.

"barbs, may customer" sabi ni joyce

"mag papa arrange ba?" sagot ko habang busy sa pag aayos ng mga bulaklak.

"tingin ko, hindi sya bibili"

"ha??"

"naku joyce sabihin mo na kasi, sya talaga hinahanap" singit ni liza

"sino ba kasi yun, iniistorbo nyo ko"

"ayun oh" nguso ni liza sa lalaking tumitingin ng flowers.

Pagtingin ko nakikila ko agad kung sino nilapitan ko sya.

"kiko?" sabi ko

"barbs, sabi na isa ka sa owner na to"

"hi" tipid kong bati

"kamusta kana?"

"mabuti, bibili kaba?"

"magkano ba ang bouquet of flowers?"

"ang rose 250"

"sige, yung pink rose"

"okay, si joyce na bahala"

"sandali, para sayo yun"

"ha?"

"nandito talaga ako dahil gusto kita makita"

Ano daw?? nyemas naman ano bang pakulo nya matapos nya kong iwan noon. Biglang naman dating ni ken.

"hi barbs"

"ken, napa aga ka 5 pm pa lang"

"maaga ako nag out sa office"

Lumapit naman sa amin sina joyce at liza.

"ehem, masarap ata yang dala mong meryenda ken ah" sabi ni liza

"oo, para sa inyo dalhin ko muna sa kitchen" sagot ni ken

Sumunod naman si liza sa kanya.

"kayong dalawa naman kung mag uusap kayo, wag dito ah" si joyce sabay alis.

" kiko ano bang talagang kailangan mo?"

"sa paborito nating resto, doon kita hihintayin mamayang 7 pm marami akong gustong sabihin sayo"

"bakit naman ako papayag?"

"maghihintay ako"

Magsasalita pa lang sana uli ako ng bigla syang umalis na. Gabi na pero ko pa din alam kung pupunta ba ako o hindi.

"akala ko mag uusap kayo ni kiko bakit nandito kapa?" tanong ni joyce

"tama ba to? makikipag kita ako sa ex ko?"

"ano bang inaalala mo?"

"ano o sino?" si liza

"hayy, naguguluhan ako alam nyo naman nangyari sa amin ni kiko diba?"

"para sa akin wag na, mamaya gusto lang makipag balikan yun" sabi ni liza

"i think tama si liza at kung nandito din sina devon at kath ganun din sasabihin nila"

Naalala ko naman ang nakaraan namin ni kiko masaya naman ang naging pagsasama namin umabot din kami ng 1 year at 3 month's. Halos sya na nga yata ang buong mundo ko pero lahat ng yun gumuho sa isang iglap lang.

Flashback..

"hi babe, san ka galing pawis na pawis ka"

"nag laro ako ng basketball" walang gana nyang sagot. pinunasan ko ang mukha nya pero bigla nya itong hinawakan.

"tama na, ako na"

"ako na lagi ko naman ginagawa to" sagot ko

"stop, sabing ako na diba" sigaw nya. nabitawan ko ang panyo sa gulat

"sorry" paumanhin nya

"galit kaba?"

"ayoko na"

"ha?"

Sa totoo lang alam ko na kung ano ibig nya sabihin. Ayaw ko lang tanggapin sa sarili ko. Ayaw kong marinig mula sa kanya hindi ko kaya.

"barbie, ayaw ko na hindi mo ba nararamdaman?"

"kiko"

"i'm sorry, break na tayo"

Nung narinig ko yun parang gumuho ang mundo dahil sa ayaw kong mawala sya, lumuhod ako at nag maka awa para wag lang nya ako iwan. Kahit na alam kong nakakahiya na ang ginawa ko. Pero iniwan nya parin ako simula nun tinanong ko sarili san ba ako nag kulang ang maling ginawa ko lang naman nagmahal ako ng sobra.

Back to reality..

"barbs, ok ka lang?" tanong ni joyce

"ha? Oo naalala ko lang kasi ang nangyari"

"wag ka ng ma iinlove ng sobra ah, yung binigay mo sa kanya lahat wala ka ngang tinira para sayo eh" si liza

"natuto na ko, kasalanan ko naman sya lang kasi nakikita ko dati, hindi ko na nga napapasin kasi lagi na lang sya"

"mabuti naman para kang ngang aso noon laging naka buntot sa kanya. gusto mo lagi kayong magkasama" sabi ulit ni liza

"ano na, pupunta kapa ba?" si joyce

Sa huli napag decide din akong makipag kita kay kiko para marinig ang sasabihin nya. Tama sila joyce gusto makipag balikan ni kiko pero hindi ako pumayag dahil matagal ng tapos ang relasyon namin.





ALL ABOUT LOVEWhere stories live. Discover now